“Huwag mo akong titigan ng ganiyan Pamela kung ayaw mong sundutin ko iyang mga mata mo,” nanliliit ang mga matang wika ko sa pinsan.
Ang bruha kung makatingin sa akin akala mo naman nagpagahasa ako sa sampung lalaki.
“Sino ba kasi ang lalaking iyon?” may bahid pang-aasar niyang tanong.
Nandito na kami sa loob ng kwarto ko at talagang sinadya pa niya ako para lamang titigan nang nakakaloko.
“Kung hindi mo ako iniwanan, hindi sana ako matatapilok!” asik ko sa kaniya.
“Ang hirap maniwala na boss mo lang siya. Grabe iyong concern niya sa iyo at talagang inihatid pa tayo rit-”
“Mabuti nga at naisipan niya tayong ihatid. Kung nagkataong wala siya ay malamang namimilipit pa rin ako o ‘di kaya ay kung saang kwarto na ako napadpad!” nanggigigil kong putol sa kaniyang sasabihin.
Muli kong naalala ang katangahang nagawa. Gusto ko man sisihin sina Fynn at Pamela, wala akong makitang dapat sisihin kundi ang sarili ko.
Hindi ko ikinuwento kay Pamela ang tungkol sa pagpasok ko sa kwarto ni Fynn dahil inunahan akong magsalita ng huli. Sinabi niyang natapilok ako sa may hallway kung kaya tinulungan ako.
Mabuti nang ganoon din ang alam ni Pamela kaysa naman madagdagan pa ang kahihiyan ko. Kota na talaga ako!
“Ang gwapo ng boss mo!” Napamata na lamang ako kay Pamela ng bigla na lang siyang humiyaw na akala mo ay kinurot sa singit. Nagpapapadyak pa siya na parang bata.
“Gusto ko siyang makita uli. Lagi ba siyang nasa opisina niyo?” malanding tanong niya sa'kin.
“Pamela!” Nandidilat ang mga matang tawag ko sa kaniyang pangalan.
Mabilis na tumakbo si Pamela sa may b****a ng pintuan saka muling humarap sa akin.
“Good night cous, bukas asahan mong bisita mo ako sa work ha!” Kumindat pa siya.
“Pamela!” dumadagundong ang tinig ko sa pagsigaw sa kaniyang pangalan.
Mapang-asar na tumawa siya sabay sarado sa may pintuan. Kung minsan ay ang sarap niyang itakwil bilang pinsan ko!
Natuon ang aking paningin sa may kaliwang paa ko na natapilok. Iyon ang paa kong hinilot ni Fynn na hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang kaniyang mga kamay roon.
Kamay na may kakaibang kilabot na hatid sa'king katawan pati na sa buo kong pagkatao.
Hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin sa isipan ko ang kaniyang mga sinabi.
Gusto niyang tanggapin ko ang alok niya para lamang mapagbigyan ang kahilingan ng kaniyang anak.
Bilib din naman ako sa kaniyang pagmamahal. Imagine, handa siyang magbayad ng tripleng sahod sa akin para lamang sa hiling ni Fiona.
Sana all ganoon ang ama!
Mula sa mga paa ko ay nadako naman ang paningin ko sa frame na nakatayo sa may ibabaw ng cabinet.
Hindi ko naiwasang malungkot nang masilayan ang huling litrato naming magpamilya. Larawan kung saan ang saya-saya ko dahil naroon sila nanay at tatay. Mga panahong wala pa akong muwang sa mundo!
Kumusta na kaya sila? Naaalala pa kaya nila ako?
Kung minsan ay itinatanong ko iyan sa sarili ko dahil hanggang ngayon ay nagugulo pa rin ang isipan ko.
Hanggang ngayon ay itinatanong ko pa rin sa sarili kung bakit mas pinipili nila ang makasalanang pagsasama na alam nilang may taong masasaktan at isa na ako sa mga taong iyon!
Malalakas na katok sa may likuran ng pinto ang pumukaw sa pagmumuni ko.
“Margherita, buksan mo ang pinto!” Tinig ni Pina ang narinig ko.
Kapatid ni Pamela si Pina. Kung gaano kabait sa akin si Pamela kabaligtaran naman ni Pina na ubod ng sama ng ugali.
“Margherita!!” tungayaw ni Pina.
“Bukas iyan!”
Gusto ko pa sanang idagdag ang salitang TANGA para naman ipaalam iyon sa kaniya, pero pinili ko na lang huwag sabihin para wala ng gulo.
Iniluwa ng pintuan si Pina. Gusto ko sanang humagalpak ng tawa, ngunit pinigilan ko.
Ang pangit na nga niya lalo pa siyang nagpapangit!
Kulot-kulot ang kaniyang buhok at pinili pa niyang ilugay iyon kaya tuloy nagmukha siyang witch sa paborito kong mga fairytale stories.
“Margherita, kailangan ko ng pera. Bigyan mo muna ako at gagamitin ko na sa school bukas!”
Kung ga’no siya kapangit, ganoon din kagarapal ang mukha niya pati na ang kaniyang ugali!
‘Di ko alam kung paano naging anak ng tiyahin ko si Pina na akala mo ay hindi tao dahil sa sama ng ugali.
Hindi kataka-taka na may ganoon siyang ugali dahil ganoon din naman ang kaniyang ina kung minsan. Pero ibang klase talaga ang level up ng kasamaan ng ugali ni Pina.
Pang-outer space lang ang peg!
“Margherita!” untag sa ‘kin ni Pina.
“Huh? Ano nga ulit iyong sinasabi mo?” maang-maangan kong tanong.
“Ang sinabi ko ay bigyan mo ako ng pera dahil gagamitin ko sa school!” iritableng tugon nito.
Tahimik na bumaba ako ng kama saka kinuha ang pitaka mula sa loob ng bag ko. Kumuha ako ng isanglibo at iniabot iyon kay Pina.
Sadyang makapal ang mukha ni Pina dahil matapos matanggap ang pera ay tumalikod na lamang siya ng walang anumang salitang sinambit. Ni hindi man lang nagpaalam ang bruha!
Kung minsan ay gusto ko nang umalis sa pamamahay na ‘to. Inaalala ko lang talaga si Pamela na walang masamang ginawa. Hindi ko rin masabi sa kaniya na lumayas na kami rito.
Naiiling na ibinalik ko ang pitaka sa loob ng bag nang mahulog naman sa may sahig ang bag ko. Yumukod ako upang damputin isa-isa ang nagsabog na mga gamit.
Halos naipasok ko na ang lahat ng mga gamit nang makita ko ang maliit na piraso ng papel.
Binuklat ko iyon at ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang makita ang cheque may nakasulat na malaking halaga.
Kumunot-kunot ang noo ko upang intindihin ang nakapirmang lagda at napamulagat ako sa pangalang nakasulat doon.
Agad kong kinuha ang telepono para tawagan ang numero ni Fynn na nakalagay sa papel.
“Hello?” sagot ng baritonong boses mula sa kabilang linya.
Natigilan ako nang marinig ang boses ni yummy daddy. Para siyang DJ sa radyo na buong-buo ang tinig.
Muling nagbalik sa isipan ko ang anyo niyang nadatnan ko sa may loob ng VIP room ng bar. Parang gusto ko ulit matapilok para muling masahiin nito.
“Hello?”
Ipinilig ko ang ulo upang iwaksi ang kagagahang naiisip. Nilunok ko ang sariling laway para alisin mula sa pagkakabara niyon sa lalamunan ko.
“Is this you, Margherita?”
Bumuga pa muna ako ng hangin bago nagsalita. “Yes, it's me. Tumawag ako para malaman kung para saan itong cheque?”
Hindi ko naiwasang mainis sa ginawa niyang iyon. Para kasing may kung anong kahulugan.
“I'm sorry kung na-offend man kita. Sinadya kong iwanan ang cheque na iyan para tawagan mo ako. Kumusta na ang paa mo?” paliwanag niya.
“O-okay na ang paa ko. Bukas ibabalik ko itong cheque sa iyo. Papasok ka naman siguro?”
“Yes! Papasok ako para makita ka,” malambing niyang tugon.
Kahit ‘di ko siya kaharap ay nakikita ko sa aking balintataw ang makalaglag panty niyang ngiti sa labi.
Impit akong napatili sa isipan na para lang isang teenager na nagsisimulang lumandi.
“Kailangan mo nang magpahinga at malalim na rin ang gabi. See you tomorrow!” malambing na paalam sa akin ni Fynn saka pinatay ang linya ng aming komunikasyon.
Malakas na tili ang pinakawalan ko dahilan para mapasugod ang lahat ng kasama ko sa bahay sa loob ng aking kwarto.