“Maraming salamat sa pagpapatuloy mo sa akin boss, mamaya ay hindi na ako rito uuwi,” kausap ko kay Fynn habang kumakain kami ng agahan. “Akala ko ba daddy, rito na titira si Tita Margherita?” malungkot na tanong naman ni Fiona. “Yes, Baby!” Napadilat ang mga mata ko sa isinagot na iyon ni Fynn. “Dito na siya titira sa atin.” Tila lumaki pa yata ang ulo ko nang lumantad ang mga mapuputi niyang ngipin sa kaniyang pagngiti. Iyong panty ko gusto na namang malaglag! “Bakit ang sabi ni Tita Margherita ay hindi na siya rito uuwi mamaya?” nakalabing tanong ni Fiona na sinabayan pa nang paglungkot ng kaniyang anyo. Bahagya kong sinipa si Fynn sa may tuhod kung kaya naman napaigik siya. “Why, Daddy?” tanong muli ni Fiona sa kaniyang ama. “Nothing, Baby. Naumpog lamang ang mga tuhod ko sa ma

