Chapter 6

1572 Words
Maya-maya na ang ginagawa kong paghikab habang nanenermon sa harapang bahagi ng altar si father para sa misa. Sinamahan ko kasing magsimba ang malapit nang mabaliw kong pinsan dahil gusto raw niyang humingi ng kapatawaran sa kaniyang nagawang kasalanan. Sana lang talaga ay hindi pa siya tuluyang nababaliw dahil ‘pag inulit pa niya ang ginawang paglaslas ng pulso ay ako na mismo ang lalaslas niyon. Hindi ko alam kung ano ang nakita niya kay Alex para pag-aksayahan ng kaniyang buhay gayong hindi naman kagwapuhan ang kumag! Sabihin na nating cute pero hindi pa rin talaga sapat na dahilan ‘yon para lamang kitlin ni Pamela ang sariling buhay. Gustong-gusto ko na nga siyang tanungin kung gaano ba kalaki ang kargada ng hay*p na Alex na ‘yon. Daig pa kasi niya ang isinuko ang bataan sa hinayupak na iyon kaya ganoon na lamang makangalngal. “Nakakatakot ka naman tumingin,” untag sa’kin ni Pamela. “Umamin ka nga!” “Ano namang aaminin ko?!” nakataas kilay niyang bwelta. “Kaya ba ganiyan ka na lamang kung umiyak ay dahil may pagsuko ka nang ginawa sa iyong bataan?” pinanliitan ko siya ng mga mata ko habang inuusig ng tanong. “Hindi ko naiintindihan iyang pinagsasasabi mo.” Umiwas ng tingin sa’kin ang mga mata niya. Nagpakawala ako ng buntonghininga saka inulit ang tanong sa pinsan. “Ang sabi kasi sa’kin ng damuhong ‘yon noong bago kami maghiwalay ay pakakasalan niya ako.” Gumagaralgal ang kaniyang tinig nang sabihin iyon. “Kaya humilata ka naman sa harapan niya?!” pabulyaw kong bulalas. “Mahal ko kasi siya, Margherita!” Tuluyang humulagpos ang kaniyang hagulgol. “Mahal?!” Pagak akong natawa sa kaniyang winika. Itinampal ko ang mga palad sa’king noo saka nakukunsuming tumitig sa kaniyang mga mata. “Ang tunay na pagmamahal ay hindi ka ipagpapalit sa kaninumang babae lalo’t alam niyang mahal mo rin siya.” “Alam ko, Margherita.” Ginagap niya ang mga kamay ko. “Kaya nga natuto na ako.” “Sana lang, Pamela.” Mapait na ngumiti ako sa kaniya. “Napagtanto kong nagkamali ako ng lalaking minahal.” Naramdaman ko ang pagpisil ng kamay niya. “Mabuti na lang at parati kang nasa tabi ko. Labis-labis ang pasasalamat ko sa Panginoon dahil binigyan Niya ako ng makakaramay na pinsan.” Naantig ang puso ko sa winikang iyon ni Pamela kaya naman niyakap ko siya ng mahigpit. “Ikaw lang din ang karamay ko noong panahon na nag-iisa ako. Kaya naman hinding-hindi kita iiwan gaya nang ginawa ni Alex.” Narinig ko ang kaniyang mahinang pagtawa kasabay nang paghagod ng palad niya sa’king likuran. “Palagay ko, kailangan muna natin mamasyal para mapalitan ang mga pangit na nakikita ko sa paligid.” Natawa ako sa sinabi niya at kumalas mula sa pagyakap sa kaniya. Hawak kamay naming tinahak ni Pamela ang daan tungo sa maliit na tianggeng nasa malapit lang din. Kung anu-anong mga bagay ang napili naming bilhin ni Pamela mula sa mga tianggeng nakatayo sa paligid. May mga binili kaming abubot na ‘di ko rin naman alam kung saan namin maaaring magamit. Basta masiyahan lang kaming kuhanin ang mga iyon ay agad na namin itong binabayaran. Nang mapagod ay inaya ko nang umuwi si Pamela. Ngunit dahil ‘di pa raw niya gustong umuwi, napadpad kami sa may isang sikat na bar sa Taguig. Halatang mamahalin ang mga inumin sa bar na ‘to dahil nang pumasok kami sa may pintuan ay mayroon na agad kaming binayaran. “Akala ko ba ay magbabagong buhay ka na? Bakit na naman tayo narito sa bar?” tanong ko kay Pamela. “Iinom lamang tayo ng kaunti para pag-uwi natin ay diretso tulog na lang,” tugon niya sabay indak ng kaniyang katawan sa saliw ng malakas na tugtugin. Napapailing na itinampal ko ang palad sa noo saka walang magawang umupo na lamang sa may stool bar na nasa harapan ng bar counter. Binigyan kami ng alak ng bartender ayon na rin sa binanggit ni Pamela na pangalan ng alak. Sa paglinga ko ng paningin sa kabuuan ng bar ay masasabi kong sulit na rin ang mahal na binayaran, sapagkat nakasisiguro naman akong safe kami. May mga bouncer na nakabantay sa bawat sulok ng paligid na animo ay guwardiyang tagabantay sa mga taong may hindi gagawing maganda. Ang mga waiter naman ay panay ang paroo’t parito sa paglalakad na para lamang trumpong walang pagkahilo upang gampanan ang pagseserbisyo sa mga taong nakaupo sa bawat mesa. Maingay ang buong paligid ng bar dahil na rin sa malakas na tugtugin at hiyawan ng mga taong tuwang-tuwa sa pagsasayaw sa may dance floor. Nakakailang shot na si Pamela nang pigilin ko na siyang uminom. Ayokong pasobrahan siya sa alak at mukhang magiging dakilang nanny na naman niya ako na maglilinis ng kaniyang pagsusukahan. “H-hindi pa ako lasing.” Tabig niya sa kamay kong pumipigil sa kamay niya. Salit-salitang nagtaas baba ang mga kilay ko upang ipakita sa kaniyang ‘di ako nagbibiro sa pag-aayang umuwi. “Relax, Margherita!” Ngumisi ang kaniyang labi. “Hindi ako malalasing sa alak na walang espiritu ng alcohol.” Hindi raw siya malalasing pero ang mga mata niya ay namumungay na at pati ang kaniyang magkabilaan pisngi ay namumula na rin dahil sa halatang pagkalango. “Balewala ang pagsisimba at pagsisisi mo sa harap ng Panginoon kung hindi mo rin pala kayang gampanan!” puno ng panunumbat kong pahayag. Isang buntonghininga ang kaniyang pinakawalan saka matiim na tumitig sa’kin. “Totoo ang mga ipinahayag ko sa iyo kanina sa simbahan. Gusto ko lamang uminom dahil ito na rin ang huling beses na gagawin ko ‘to. Pasensiya na kung nadamay pa kita sa kagagahan ko. Kung gusto mo ng umuwi, pwede mo na akong iwanan dito,” mahabang salaysay ni Pamela. Ilan buntonghininga ang pinakawalan ko saka naiiling na nagbitiw ng salita. “Magkasama tayong pumunta rito kaya hindi rin kita iiwan.” Sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang labi sabay lundag mula sa kinauupuang stool bar. “Let’s enjoy the night, Margherita!” Napadilat ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. “At saan ka naman pupunta?” tanong ko pa sa kaniya. “Maghahanap ng panibagong lalaking ipapalit kay Alex!” Mabilis ang kilos niyang lumayo sa’kin saka tinungo ang dance floor kung saan maraming taong sumasayaw. “Pamela!” sigaw ko sa pangalan ng pinsang hindi man lang nag-abalang lingunin ako. Nagngingitngit ang kaloobang tinanaw ko na lamang siya dahil sa pakiwari ko ay naisahan niya ako. Nadaan na naman ako ni Pamela sa pagiging best actress at ako namang si tanga ay nadala rin! Bigla akong nakadama nang pagkaihi ngunit hindi ko naman magawang iwanan ang mga pinamili namin ni Pamela. Sayang din ang perang nilustay namin kung hahayaan ko na lamang mawala ang mga iyon. Pinipilit kong pigilan ang pagkaihi ngunit para namang sinusundot ang mismong ari ko kaya daig ko pa ang kiti-kiting hindi mapakali sa pagkakaupo. “Excuse me!” tawag pansin ko sa bartender na agad namang humarap sa akin. “Yes, ma’am?” nakangiting turan nito. “Pwede ko bang iwanan sandali ang mga gamit namin? Gagamit lang ako ng restroom at babalik din naman agad,” aniko. “Sure, ma’am!” Nagpapasalamat na inabot ko sa bartender ang mga pinamili namin ni Pamela saka nagmamadaling umalis. Tinanaw ko pa si Pamela mula sa may dance floor kung saan panay ang kaniyang indak sa saliw ng malakas na tugtuging siya lamang ang natuwa sa aming dalawa. Enjoy na enjoy ang gaga at parang nakalimutan na rin niyang may kasama siya sa lugar na ‘to. Napapailing ang ulong naglakad-lakad ako upang hanapin ang restroom na hindi ko makita kung kaya napilitan akong magtanong sa bouncer kung saan iyon matatagpuan. Nang sabihing nasa may ikalawang palapag ang restroom ay hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon na puntahan iyon dahil parang puputok na ang panubigan ko. Dahil madilim ang ikalawang bahagi ng bar, hindi ko maaninag ang mga salitang nakasulat sa bawat pintong nararaanan ko. Idagdag pang medyo malabo ang mga mata ko sa dilim at may kaunting tama na rin ako ng alak sa katawan. Lalo akong nahihilo tumingin sa mga pinto dahil pare-pareho ang kulay at disenyo ng mga iyon. “Bakit naman kasi iisa lang ang anyo ng mga pinto rito? ‘Di ba marunong pumili ang may-ari kaya pare-pareho na lamang ng disenyo ang kaniyang pinili para makatipid?” himutok ko sa sarili habang pilit binabasa ang mga salitang nakasulat sa may pinto. Iniisip kong maghintay ng mga taong aakyat sa bahaging ito ng bar upang sabayan sila sa paggamit ng restroom, ngunit wala naman akong napansing taong gumagawi. Dahil ito na ang dulong bahagi ng ikalawang palapag at may nabasa rin akong salitang ‘room’ na nakaukit sa may pinto ay napagpasiyahan ko nang itulak iyon. Ihing-ihi na talaga ako at daig ko pa ang sumasayaw sa kaiindak ng aking balakang. Napatda at natulala ako nang makita ang lalaking nakasandal sa headboard ng kama na may hawak na libro sa kaliwang kamay habang ang kanang kamay naman ay may hawak na basong may lamang alak. Ang malabo kong paningin sa dilim ay biglang luminaw nang masilayan ang matigas at namumukol na mga abs sa tiyan ng lalaki. Nagtagpo ang mata naming dalawa ng lalaki nang dumako ang paningin ko sa kaniyang mukha. “Y-yummy D-daddy...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD