“Hi!” nakangiting bati sa’kin ni Fynn.
Hindi ko malaman kung ano ang isasagot dahil tutok na tutok ang mga mata ko sa gwapo niyang mukha.
Malaswa na nga ang nararating ng isipan ko kung saan ang swabe niyang bigote na may kakapalan kaunti pati na ang kaniyang balbas ay kinikiliti raw ako ng mga iyon sa ‘king katawan.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” Ngumiti siya sabay laway ng kaniyang dila sa ibabang bahagi ng kaniyang labi na para lamang inaakit ako.
Napalunok ako ng laway kasabay ng pag-iinit sa pagitan ng mga hita ko na para bang may gustong mangyari.
Ang mga mata ko ay titig na titig pa rin sa katawan niyang hantad na hantad mula sa nakabukas niyang longsleeve.
Parang ang sarap tumakbo palapit sa kaniyang kinaroroonan para ako na mismo ang magsimulang gumawa ng pangyayaring hindi ko pa nasubukang gawin sa tanang buhay ko!
Umahon si Fynn mula sa ibabaw ng malambot na kama saka humakbang papalapit sa kinatatayuan ko.
Para siyang diyos na sinasamba ng mga kababaihan dahil sa tinataglay niyang kakisigan at walang kapintasang anyo.
Kapag naglakad siguro siyang karga ako ay para lamang akong unan na isang dakutan lang ng kaniyang kamay ay tiyak na mapipitpit agad.
“Ikaw ba ang siyang ipinadalang tao ng manager na magmamasahe sa ‘kin?” tanong niya na sinabayan pa ng simpatikong pagngiti ng kaniyang labi.
Napahawak ang mga kamay ko sa magkabilaang tagiliran ng strap ng panty ko dahil literal na dumausdos iyon pababa. Pasimple ko pang pinagdikit ang dalawang hita ko para pigilan ang tuluyang paghubad niyon.
“Sh*t!” kastigo ko sa sarili.
Sa susunod talaga ay maglalagay na ako ng perdible sa bawat tagiliran ng strap ng panty ko ng sa gayon ay makasiguro na akong wala nang malalaglag sa tuwing magkakaharap kaming dalawa ni Fynn.
“Ilang pamilya ba ang binubuhay mo at parang ang dami mo naman yatang trabahong pinapasukan?” pabirong wika ni Fynn na umuntag sa nalilipad kong diwa.
“N-nagka-kamali ka ng a-akala...” utal kong tugon.
Para akong nakuryente nang lumapat ang mga daliri ng kamay niya sa’king braso.
Pilit kong hinamig ang sarili upang ayusin ang katawan at isipan sa mga pangyayari. Ang lakas makawala ng tamang huwisyo ang mainit na tanawing nasa harapan ko ngayon.
Napapitlag ako nang gumapang paakyat sa balikat ko ang kamay niyang nakahawak sa’king braso.
“Mabuti na lang pala at naisipan kong magpamasahe.” Tila namamaos niyang pahayag.
Napakagat labi ako dahil sa mainit na sensasyong lumulukob sa buo kong katawan.
“N-nagkakamali ka nang iniisip. Hindi ako nagtatrabaho rito dahil iisa lang naman ang pinapasukan kong trabaho,” kandautal kong paliwanag sa paos na tinig.
‘Di ko alam kung bakit kinakailangan ko pang magpaliwanag gayong ang kailangan ko lang namang gawin ay sabihing hindi ako trabahador sa bar na ‘to.
Matiim niya akong tinitigan sa mukha na para bang mayroong dumi roon.
“Ano ang ginagawa mo rito?” tanong niya kapagkuwan.
“S-sinamahan ko lang ang pinsan ko.”
Biglang pumasok sa isipan ko ang pinsang si Pamela kung kaya madali akong nagpaalam kay Fynn na aalis na.
Hahakbang na sana ako paatras nang pigilin ni Fynn ang braso kong hawak pa rin pala ng kaniyang kamay.
“Bakit hindi mo na lamang tanggapin ang inaalok ko sa iyong trabaho?”
Muli na naman akong napapitlag nang umangat sa ere ang kaniyang kamay saka dumako ang hintuturong daliri niya sa ‘king pisngi upang masuyong humaplos doon.
Ramdam ko na ang panlalambot ng mga tuhod ko dahil sa matinding kilabot at sensasyon nang pagdikit ng kaniyang balat sa aking balat kung kaya pilit kong inilalayo ang katawan sa kaniya.
“You’re beautiful...” Dumampi sa mukha ko ang mainit niyang hininga dahil sa gahibla lamang ang pagitan ng mukha naming dalawa.
Hindi naman ako lasing pero dahil sa naaamoy kong amoy ng alak mula sa kaniyang hininga ay dinaig ko pa ang uminom ng sandamakmak na alak.
Umiikot ang paningin ko at parang bumubuway na rin ang pagkakatayo ng mga binti ko dahil sa pangangatog ng mga ‘yon.
“Excuse me, Sir!”
Sabay naming tiningnan ni Fynn ang taong nagsalita. Mabuti na lamang at dumating ang taong ‘yon dahil kung hindi ay malamang nakalupaypay na ako sa sahig.
“Yes?” tanong ni Fynn sa babaeng tila rito yata nagtatrabaho dahil nabasa ko ang pangalan ng bar sa suot niyang pang-itaas na damit.
“Ako po ang taong ipinadala ni Sir Kurt para sa massage service,” tugon ng babae.
Nakatingin sa ‘kin ang babae na tila iniisip sa kaniyang isipan kung kasali ba ako sa imamasahe niya.
“You can go back to your other work Miss, and please tell to Mr. Kurt na mayroon nang magmamasahe sa ‘kin.”
Napapitlag ako nang umakbay ang isang braso ni Fynn sa ‘king balikat at kasabay niyon ang pagdilat ng mga mata ko.
“Okay, Sir!” Yumukod ang babae para magpaalam.
“Sandali, Miss!” Akmang tatalikod na ang babae nang pigilan ko.
Inalis ko ang mabigat na braso ni Fynn na nakapatong sa ‘king balikat saka hinarap ko siya.
“Hindi ako ang taong magmamasahe sa iyo.” Pinandilatan ko siya ng mga mata ko ngunit ngumiti lamang siya sa’kin.
Kahit na yummy siya ay hindi ako pwedeng magmasahe sa kaniya. Hindi ko iyon trabaho bukod pa sa pasmado rin naman ang mga kamay ko.
Isa pa ay baka sa ibang masahe ang kahantungan naming dalawa lalo na’t iba na rin ang tinatahak ng makasalanan kong isipan. Rawr!
“Pero, ikaw ang napili kong magmamasahe sa ‘kin.” Pagdadahilan din ni Fynn na sinabayan pa ng makalaglag panty niyang ngiti.
Muli kong hinawakan ang tagilirang bahagi ng balakang ko dahil sa hindi mabuting dulot ng pagngiting iyon ni Fynn.
Grabe naman talaga itong panty ko, daig pa may sariling isip na kusa na lamang dumadausdos pababa!
“Ipapaalam ko na lang kay Mr. Kurt ang inyong nais, Sir,” saad ng babaeng masahista.
“Sandali!” Muli kong pigil sa babae.
Hinarap ko ulit si Fynn. “Nandito lang ako dahil gusto kong gumamit ng restroom. Hindi ko kasi maaninag sa dilim ang mga titik na nakaukit sa bawat pinto kaya ang pintuan ng silid mo ang nabuksan ko. Pasensiya na at malabo ang mga mata ko sa dilim.”
“Pero naaaninag mo ang matitigas na batong nakadikit sa kaniyang katawan!” kastigo ko sa sarili.
“Uulitin ko rin, ikaw na ang napili kong magmamasahe sa ‘kin!” matigas na pahayag ni Fynn.
Nagsisimula na akong makaramdam ng inis kaya pinameywangan ko na siya.
“Sa kaniya ka magpapamasahe at hindi sa’kin. Kagaya nang sinabi ko sa iyo ay hindi ako trabahante rito. Kung ayaw mo magpamasahe sa kaniya, bahala ka!” mataray kong sabi sabay talikod sa kaniya.
Bubulong-bulong na naglakad ako pabalik sa lugar kung saan ako naglakad kanina. Dahil sa madilim nga ang lugar ay hindi ko na napansin pa ang bagay na naapakan ko kung kaya natapilok ako.
Hinihintay ko ang pagbagsak ng katawan ko sa matigas na sahig, ngunit hindi iyon nangyari dahil sa may sumalo ng mga bisig sa’kin.
Nadama ko ang mainit na katawan ng taong nakahawak sa’kin kung kaya tumingala ako upang mapagsino siya.
Gayon na lamang ang pagsinghap ko nang makilala si Fynn na nakangiting nakatunghay ang mukha sa’kin.
“Careful...”
Parang musika sa pandinig ko ang kaniyang sinambit habang ang mga kamay ko namang makasalanan ay panay ang hagod sa namumukol niyang muscle.
“Sir pwede na ninyong gawin sa loob ng silid ang pagmamasahe. Mukhang nakahanda na rin si Mam dahil panay na ang hagod ng mga kamay niya.”
Sabay na nag-init ang magkabilaang pisngi ko kasabay nang pamumula ng mga ‘yon.
Matalim kong tinapunan ng tingin ang babaeng nagsalita at kung nakamamatay lamang ang tingin ko ay tiyak na duguang babagsak agad siya sa may sahig.