Dia's POV "Sinabi sa akin ng hangin ang plano mo. Totoo bang papaslangin mo kami?" tanong bigla ni Prinsipe Amir kaya tumawa ako. Malayo na kami sa kanila kaya maari na akong magsalita. "Bakit? Natatakot ka na ba sa akin?" balik kong tanong sa kanya at saka ko ulit siya tinawanan. "Hindi. Dahil alam kong hindi mo naman iyon magagawa," sagot niya at saka ako nginitian. "Salamat at malaki pa rin ang tiwala mo sa akin." "Ayos lang iyon. Naiintindihan kita. Pero anong gagawin mo? Nangako ka sa kanila na papatayin mo kaming lahat. Kailangan mong mapaniwala sila, kundi ay malaking gulo ang mangyayari. Gising na ang ama mo. Hawak na ulit nila ang pulang libro. Tiyak na maghahasik na ulit sila ng lagim sa kahit na anong bayan dito," sabi niya kaya tinawanan ko siya. "Sinong may sabing hawak

