Dia's POV "Tapang-tapangan ka pa e, mahina ka naman pala," panunura ni Mia habang ginagamot ako ng peke kong mama. Mainam naman din siya. Kahit alam kong hindi siya ang tunay kong mama ay maalaga pa rin siya sa akin. Sabagay, hindi nila hahayaang mamatay ako dahil ako rin ang inaasahan nila kakalaban sa mga taga-Madita. "Ano bang nangyari? Bakit may saksak ka sa tiyan mo? Sino ang may gawa niyan?" tanong ng peke kong mama. "Nawawala rin ang librong pula. Nanghihina na naman si ama. Anumang oras ay maari na naman siyang makatulog. Kailangan nating mahanap iyon sa lalong madaling panahon," sabi ni Mia. Hindi ako kumikibo. Wala pala silang alam na ako ang kumuha ng pulang libro. Sadyang mga tanga talaga sila. "Oo na, aaminin kong nang naging tanga ako ngayon. Pero huwag kayong mag-alala d

