Dia's POV Bumalik ako sa Madita Academy habang lumuluha. Nadatnan kong nagpupulong-pulong ang top ten student ng Madita Academy sa hardin. Nang makita ako ni Pieter ay agad ako nitong sinugod. "Pieter!" saway ni Amir pero tumuloy pa rin siya. Kalaban na talaga ang tingin niya sa akin. Naglabas ulit ito ng kutsilyo. Nang oras na 'yon ay wala ako sa mood. Mainit din ang ulo ko kaya pinatulan ko na siya. Palapit pa lang siya sa akin pero napahinto na siya nang titigan ko siya. Kalmado lang akong nakatingin sa kanya. Dahil poot ako ay pinalipad ko siya sa malayo. Kitang-kita ko kung paano siya tumama sa isang building. Pagkatapos ay saka ako napaupo sa sahig. Agad akong nilapitan nila Amir at Millie. "Anong nangyari?" tanong agad ni Amir. "Mali tayo. Mali ako. Siya nga ang tunay na mama k

