bc

Ako Na Lang

book_age12+
0
FOLLOW
1K
READ
drama
comedy
school
like
intro-logo
Blurb

Naranasan niyo na bang mahulog sa kaibigan niyo? Dahil si Shia naranasan niya na. Alam niyang mali ang nararamdaman niya dahil bestfriend niya ito, matalik na kaibigan. Pero anong magagawa niya kung ito ang sinisigaw ng puso niya?

His bestfriend likes someone. Masakit para sa kanya pero wala siyang karapatan na magalit o magselos dahil kaibigan lang naman siya. Magagawa kaya niyang umamin? Kakayanin niya kaya ang sakit sa tuwing nakikita ang mahal niyang masaya sa taong minamahal nito?

chap-preview
Free preview
Prologue
Minsan talaga may mga bagay na hindi natin nakukuha, mga bagay na gusto mo pero ayaw naman sa'yo, mga bagay na gusto mo pero hindi mo makuha dahil may gustong iba. 'Yong tipong, ikaw ang unang nakakita pero iba ang nakakuha. Gusto mong angkinin pero hindi naman sa' yo, gusto mong sabihen na 'akin siya' pero hindi sayo. Hindi ko nga alam kung bakit ako nagkagusto sa kaibigan ko eh. Oo, sa kaibigan ko..... sa bestfriend ko! Wala naman siyang gusto sa akin, may gusto siyang iba at ako? Wala, tamang suporta lang sakanya. Gustuhin ko mang sabihen sa kanya pero natatakot ako na baka kapag nalaman niya iiwasan niya ako, kakalimutan niya na magkaibigan kami at ayoko 'yon. Siya ang kasama ko simula bata pa kami para ko na rin itong kapatid pero nagustuhan ko, minahal ko, natatawa na nga lang ako sa sarili ko eh. Anong katangahan 'tong ginagawa ko? Iniisip ko na may pag-asa ako kahit obvious naman na wala. Kaya ito ang ginagawa ko, tinatago sa kanya na may gusto ako sakanya, ito ang paraan para mapanitili ang pagkakaibigan namin. Tsaka may nagugustuhan na din naman siyang iba, ayokong maging balakid sa kasiyahan niya. "Hoy, Shia, ikaw kanina ka pa ha." napaigtad ako nang bigla nagsalita ang lalaki na nasa tabi ko. May hawak siyang isaw sa kabilang kamay niya, napangiti naman ako nang makitang may ketchup ang gilid ng labi niya. Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang labi niya dahilan para mapangiti siya. I really like his smile, siguro 'yan ang dahilan kung bakit nagkagusto ako sakanya. I cleared my throat. "Ano kaba? Bata?" asik ko. Tinago ko ang panyo ko bago tumingin ulit sa lalaki, akala ko talaga mawawala ang nararamdaman ko sa lalaki na 'to pero akala lang pala. Palagi kong sinasabi na sarili ko na baka ganito lang kapag malapit na talaga ang isang tao sayo pero habang tumatagal mas lalo itong lumalala. "May taga-punas naman ako eh." he winked at me. Hindi na ako nagulat nang biglang bumilis ang t***k ng puso ko, ano ba puso? Chill lang pwede? Hindi ka naman gusto eh, bestfriend ka lang. "Pano kung namatay ako? Edi wala ka ng taga-punas." sabi ko. Inakbayan niya ako bago siya bumulong sa tenga ko. Ang lapit niya....... 'di ko kaya. "Masamang d**o ka kaya matagal ka pang mamatay." he joked. Mabilis ko siyang pinalo pero tumawa lang siya, kaya ako nagtataka kung bakit ko 'to nagustuhan eh. "Wala ka talagang kwentang kausap, Clarance." bulyaw ko bago nagbayad sa nagbebenta ng isaw, tinalikuran ko siya at agad naman itong sumunod sa akin. Inagaw niya ang bag ko at siya ang nagdala nito, hindi naman ako umangal dahil gawain niya talaga 'yan. "May kwento pala ako sayo," I smiled. "Ano 'yon?" "Groupmates kami ni Brielle! Shia, chance ko na 'to para maka-usap siya." masayang sabi niya sa akin, agad nawala ang ngiti ko nang marinig ang pangalan ng taong dahilan kung bakit wala akong pag-asa sa kanya. Si Brielle na naman. Alam ko naman na gustong-gusto niya si Brielle at wala dapat akong angal doon, bestfriend niya lang naman ako at ako ang palagi niyang sinasabihan tungkol sa mga nangyayari sa kanila ni Brielle. "Wow! Congrats!" I rolled my eyes. "Alam mo ang torpe mo din, bakit 'di mo nalang sabihen na pwede bang manligaw?" I said. Sana wag mong sabihen sakanya 'yan. "Bestfriend ganito kasi 'yon," Sakit! Bestfriend daw! Bakit ba ako umaagal? Bestfriend niya naman talaga ako, bestfriend lang. Nasasaktan pa ako eh ako din naman nagpasok sa sarili ko dito. "Sinabi ko na sakanya na gusto ko siya pero alam mo kung ano ang sagot niya?" I tsked. "Malay ko! Wala naman ako do'n eh." He sighed. "Sabi niya, bawal pa daw siya magka-boyfriend kaya maghihintay ako hanggang sa pwede na siya." Swerte ni Brielle no. Sana nga ako na lang si Brielle para ako 'yong gusto ni Clarance, ako 'yong gusto niyang maka-usap palagi. "Baka pumuti mga buhok mo kakahintay." I said. "Okay lang basta si Brielle naman ang premyo." aniya. "Hindi ka sana pansinin ni Brielle isang taon." bulyaw ko sa lalaki. Napalayo ako nang bigla niyang kurutin ang pisngi ko. "Aray ha!" "Palagi kana lang galit sa akin," he said after that he smiled. "Pero okay lang, sanay na ako sa bestfriend ko eh." Segi, ipamukha mo pa na bestfriend mo lang ako. Bakit ba kasi itong puso ko ikaw pinili eh! Ilang beses ko nang plinano na sabihen sa kanya pero naduduwag ako, palagi akong mga baka ganito baka ganyan. "Okay ka lang?" nilapit niya ang mukha niya sa akin, ilayo mo mukha mo sa akin at baka mahalikan kita. "Lumayo ka nga sa akin. Ang panget ng mukha mo." asik ko bago naunang maglakad, pauwi na kami ngayon galing campus, hindi ko naman talaga dapat kasama itong si Clarance pero sumabay nalang siya bigla sa akin at nagpa-libre pa. "Panget daw? Baka nga gusto mo ako eh." Napatigil ako sa paglalakad bago tumingin sa kanya, kapag ba sinabi kong gusto kita tatanggapin mo? Obvious naman na hindi. "Wag kang assuming diyan, Mr. Nolan." He smiled. "Okay po, Ms. Madrigal." Sana pala nagpasundo nalang ako, ang hirap talaga kapag ito kasama ko. Sinusundo ako palagi ng driver namin pero kapag kasi sinabi ko na kasama ko itong si Clarance ay pumapayag lang si Mama na hindi na ako magpasundo. Bakit sila may tiwala sa akin? Baka ma kidnap ko ito nang wala sa oras eh. "Ikaw ba, Shia? May nanliligaw naba sayo?" tanong niya sa akin. "Meron sana pero tinakot niyong dalawa ni Kuya Ace." I said. Pero okay lang din naman, wala akong balak magpaligaw kung hindi ikaw no. He tsked. "Sino? 'Yong lalaking mukhang pating?" "Anong pating? Hoy, ang gwapo kaya no'n." asik niya. Pero syempre mas gwapo ka. He rolled his eyes. "Ah basta mukha siyang pating." tumingin siya sa akin. "Pero, meron ka ng nagugustuhan?" I smiled. Oo, meron na, Clarance. Nakakatawa lang kasi ikaw pa, bestfriend ko pa talaga. Alam ko naman na hindi mo matatanggap ang pagmamahal ko pero sana..... sana ako na lang. Ako na lang, Clarance.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook