Death By A Million Cuts 2 : Territory

3695 Words
CHAPTER 2 : Territory Carmie's Point of View "Woahh! Nakalibre ang putangina." Sabi ni Clare kay Cas nang sabihin ni Achill na doon na kami magbe-breakfast sa bahay nila Achill. Nagpaplano nga ako na 'wag nalang pumunta roon pero gusto ko rin maka-kuwentuhan ulit si Fe.   Pero nakakakaba dahil malamang sa malamang ngayon ko makikilala iyong girlfriend ni Achill na Acelyn daw ang pangalan.   Tama nga, hindi mo mapipigilan ang isang bagay na mangyari. Let say na kahapon ㅡ tinakasan ko sila sa reception at hindi na kinilala iyong babae niya dahil nasasaktan na ako ng sobra at ayaw ko na makita nilang lahat ㅡ pero makikilala ko pa rin talaga siya , hinding – hindi ko matatakasan na makilala at masaktan dahil sa kanya. Sabi nga ni James, marami na siyang naging babae ㅡ nasasaktan naman ako kapag alam ko na naglalandian sila pero na-e-ease naman ang sakit kapag iniisip ko na hindi sila seseryosohin ni Achill kaya okay lang. Pero iba ito, seseryosohin niya na talaga ito.   Kasi...never nagpakilala si Achilliance sa Mama niya ng girlfriend kahit noong highschool palang kami, kaya nakakapanlumo lang. Wala naman siyang sinasabi na pinakilala niya pero obvious naman.   In-invite na rin daw sa bahay nila ngayon e.   "Achill, bigla kong naalala, 'diba sabi mo sa akin noon wala kang ipapakilalang babae sa mama mo hangga't hindi ka nagpo-forty?" tanong ko sa kanya.   Nauna na sila Cassie sa amin papasok ng bahay nila Achill. Nakasunod lang kami ni Achill at tinanong ko sa kanya iyon.   Napakamot siya ng ulo. "Akala ko lang iyon e... at saka gusto naman na ni Mama na magpakasal na ako dahil gusto niya ng mag-apo. Mas gugustuhin ko na ako nalang ang maunang mag-asawa kaysa kay Fe." Paliwanag niya sa akin.   Napatango – tango nalang ako sa kanya. Natanawan ko na sina Clare at Cassie sa may dining at si Tita Marilyn na naghahanda ng pagkain, nasa may labas pa kami ng bahay, glass wall kasi iyon kaya kita sila rito. My ghad. Napakarami namang hinanda ni Tita Marilyn, may fiesta ba? Nandoon na rin ang mga walang hiya kong kapatid.   Kausap nila si Tita habang naka-upo na sila sa hapag – kainan at mukhang kakain na sila. Mga walang hiya talaga, kanino ba sila nagmana? Hindi naman ganito ang ugali ko.   Siguro ampon talaga ako katulad ng madalas na pang – asar sa akin ni Achill. Inaasar niya talaga ako na ampon kasi nga raw pandak ako, at matangkad pa sa akin si Clare. Hindi ko rin daw sila kamukha.   Noong sinabi niya sa akin iyon, umiyak ako at tinanong ko si mama kung ano ba talaga ang totoo, ampon ba nila ako o hindi, sinabi naman nila na hindi – masyado kasi akong naniwala sa lalaking ito. Ilang beses niya na talaga akong napaiyak, lalo na nu'ng nagsisimula palang iyong pagkakaibigan namin. Ngayon nga napapaiyak niya pa rin lawak. Nagtuloy-tuloy kami sa pagpasok ni Achill. Matagal na rin noong huli akong pumasok dito sa bahay nila – malamang anim na buwan na kasi anim na buwan na ang lumipas simula noong umalis si Achill. "Shower lang ako, puntahan mo na si Mama or kung gusto mo samahan mo nalang ako." He wiggled his eyebrow.   Agad ko naman siyang tiningnan na parang nandidiri ako kahit hindi naman. Sobrang dami na ng napagdaanan namin ni Achill bilang magkaibigan, at isa na rin doon ang pagligo ng sabay. Naligo na kami ng sabay, wala na kaming maitatago sa isa't isa. Komportable naman talaga kami sa isa't isa kahit noon pa. "Yak, kadiri ka – no thanks nalang."  I rolled my eyes. Hinampas ko pa siya sa braso bago ko siya tinalikuran at pinuntahan si Tita sa kusina, pagdating ko roon ay kumakain na iyong dalawa kong kapatid. "Hi Tita! Musta?" naglakad ako papalapit kay Tita Marilyn at agad na humalik sa pisngi niya. Ang lawak ng ngiti niya sa akin tapos ay niyakap niya ako. Niyakap ko na rin siya pabalik. Matagal din pala nu'ng huli kaming nagkausap ni Tita Marilyn, dahil na rin sa trabaho ko. "Carmie, magkapitbahay lang tayo pero na-miss talaga kita. Hindi na kasi tayo masyadong nagkikita dahil busy ka na rin sa trabaho mo." Sabi niya sa akin, kumalas kami sa pagkakayakap.   Nginitian ko siya – sobrang bait ng nanay ni Achilliance, kahit si Tito Achiles, tatay ni Achill, mabait din siya.   Nakakapagtaka nga lang din dahil napakabait nilang pareho habang itong panganay nila sobrang sama ng ugali. Walang ibang ginawa kung hindi saktan ang damdamin ko. "Na-miss 'din po kita, bakit po andaming pagkain? Sino may birthday?" tanong ko na agad ko namang pinagsisihan. Tangina, common sense.   Malamang pupunta nga rito iyong girlfriend ni Achill kaya siya naghahanda. "Eh kasi nga pupunta rito iyong girlfriend ni Achill..."  sabi ni Tita sa 'kin, oo nga, sabi ko nga , darating iyong girlfriend ni Achill. Kailangan talaga pa-ulit – ulit e 'no? Pati iyong sakit na nararamdaman ko pa - ulit – ulit din. Parang gusto ko nalang tuloy na umuwi. "Siyempre, para sainyo na rin ito – masaya ako para kay Achill dahil mukhang titino na siya." Sabi sa akin ni Tita. Ouch. "Hmm, tita, ang sarap – sarap mo talaga magluto. Baka ikaw iyong nawawala kong nanay." Napatingin kami ni Tita sa dalawa. Nauna na talaga silang kumain, makakapal talaga ang mukha nila. "Tanga, paano mo naman magiging nawawalang nanay si Tita Mariganda kung ikaw ang nawawala nilang aso." Sagot ni Cassie kay Clare. Natawa nalang kaming dalawa ni Tita sa kanila. "Naku, kumain nalang kayong dalawa diyan, sige, damihan niyo pa – napakarami nitong niluto ko."  sabi ni Tita, bumaling naman siya sa akin. "Ikaw kumain ka na rin diyan, okay lang kahit hindi na natin hintayin si Acelyn." sabi ni Tita. "Luh, Tita Mariganda – sino si Acelyn?" tanong ni Cassie. Hindi pa nga pala nila alam na may girlfriend na si Achill. Hindi ko naman sa kanila nabanggit. "Siya ang girlfriend ni Achill, darating siya rito. Hintayin niyo lang. Nakakatuwa nga dahil pareho pa kaming may 'lyn' sa pangalan. Baka destiny talaga na maging daughter-in-law ko siya."  para bang nagliliwanag ang mukha ni Tita Marilyn habang sinasabi iyon.   Masayang – masaya talaga siya, habang ako ay nalulungkot, nasasaktan , nagseselos. Nagkatinginan naman sila Cas at Clare. "Hala, paano na si Ate Carmie?" tanong ni Clare kay Cas na parang wala kami sa harapan nila. "Anong paano na si Carmie?" tanong ni Tita. Sinenyasan ko silang dalawa na tumahimik, naintindihan naman nila ako kaagad. "Ah wala po iyon, Tita. May hang-over pa kasi talaga iyan si Clare." Sabi ko pa. Pinameywanagan ni Tita si Clare. "Naku Clareta, ilang beses kong sasabihin sa iyo na 'wag ka masyadong magi-inom." Bawal ni Tita, napanguso nalang si Clare. Opo, Tita last na iyon hehe." Sagot ni Clare.Napaismid naman si Cassie. "Tita Mariganda, 'wag ka maniniwala diyan. Scam iyan."  Banat naman ni Cassie. Bigla naman akong may naalala. Tumahimik nga kayong dalawa, kumain lang kayo diyan." Binalingan ko si Tita. "Andito po ba si Fe?" tanong ko, tukoy ko sa kapatid ni Achill. "Oo, tulog pa kasi siya e, pero puwede mo na siyang puntahan sa kuwarto niya tapos gisingin mo na rin." Sabi akin ni Tita. Siguro ka-uuwi niya lang kagabi or kahapon.   Malamang pagod pa ang isang iyon kaya tulog pa rin. "Hintayin ko nalang po siyang magising, kailangan niyo po ba ng tulong sa kusina?" tanong ko sa kanya. Medyo may alam 'din naman ako sa pagluluto. Medyo lang.   Umiling naman siya at hinaplos niya ang balikat ko. "'Wag na, Carmie – sabayan mo nalang itong mga kapatid mo." Napatango nalang ako. Nagpaalam naman na muna siya sa akin na babalikan niya iyong niluluto niyang huli. "Anong pinagsasabi niyo? Anong paano ako?" agad kong tanong sa dalawa nang makaalis na si Tita.   Hindi sila nakatingin sa akin, dahil sa pagkain ang mga atensyon nila pero sinagot naman nila ang tanong ko. "'Diba may gusto ka kay Kuya Achill?" napakunot ang noo ko. Wala akong sinasabi sa kanila about sa feelings ko para kay Achill. "Anong gusto ang pinagsasabi niyo? Hindi ko siya gusto." Bigla ko nalang nasabi sa kanila. "Sabi mo eh, bahala ka." Sabi ni Clare. "Sinungaling , may gusto ka nga kay Kuya Achill." Sabi naman ni Cas. Lumapit ako at akmang kakaltukan siya pero napa-aray kaagad siya kahit hindi ko pa naman tinutuloy. "Tangina mo, wala nga. Bakit naman ako magkakagusto kay Achill, ha?" inis na sabi ko sa kanya. Wala nga akong gusto kay Achill dahil mahal ko siya at saka ayaw ko muna na malaman nilang dalawa dahil delikado ang mga sekreto pagdating sa dalawa na ito. "Mas guwapo pa nga sa kanya boss ko e, duh." Dugtong ko pa. Kahit hindi naman, ang kayabangan ng boss ko nakakaturn-off. Ay wow, iyong kayabangan ni Achill nakakaturn-on? Ihh, magkaiba naman kasi si Achill at iyong boss ko. "Eherm." Napalingon ako ng may tumikhim. Si Achill – basa pa ang buhok niya at halatang bago ligo talaga siya. "Oh ang bilis mo naman ata." Sabi ko sa kanya, kinunotan niya ako ng noo. "Tara dito." Sabi nya sa akin.Tinaasan ko naman siya ng kaliwang kilay.   Ang lapit niya lang sa akin, papalapitin niya pa ako, eh bakit hindi nalang siya ang lumapit sa akin? Anong trip ng tanginang ito? "Ayaw ko nga, ikaw lumapit." Sabi ko sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin, mukhang seryoso siya ngayon ah.   Hindi seryoso talaga ang itsura niya. Napangiwi nalang ako dahil kahit hindi na ulit siya nagsalita ay nagsarili na ang katawan ko na lumapit sa akin. Bakit ba ako nagiging sunod  - sunuran sa gunggong na ito? "Anong trip mo?" tanong ko sa kanya.   Siyempre, nang nakatingala.   Hindi pa rin maitatanggi iyong fact na mas matangkad siya sa akin. Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako papunta sa may living room. "Why didn't you tell me that you are the new secretary of Kate Armalana?" okay, seryoso talaga siya. Binawi ko ang braso ko. Isang buwan palang naman kasi akong nagta-trabaho bilang secretary. Nag-resign ako sa dati kong trabaho doon sa isang company dahil pinagnanasahan ako nu'ng ka-officemate ko. Muntik na nga akong ma-r**e noon buti nalang saktong nandoon si Xander tapos siya na iyong tumulong sa akin. Sigurado ako na hindi niya kinuwento kay Achill iyong nangyari dahil sinabi ko na 'wag niyang sabihin kay Achill. Si Xander pa nga ang tumulong sa akin para mapakulong kaagad iyon. "Eh kasi nga hindi ka man lang po nakaalala na mangumusta sa akin sa loob ng anim na buwan." Natigilan siya.   "At saka bakit ko pa sasabihin e kahit hindi ko naman sabihin, alam mo na. Katulad ngayon." Sabi ko.   Malamang may source na naman siyang pinagkuhanan. Lagi naman. Pero sana lang hindi niya malaman iyong muntik na akong ma – r**e part. "Kahit na, edi sana..." hindi niya na tinapos ang sasabihin niya. "Edi sana ano?" tanong ko. Umiling nalang siya at hinampas ng marahan ang ulo ko. "Wala...magresign ka na diyan." sabi niya at nilagpasan na ako. Bumalik nalang siya sa may dining area. Napailing naman ako.Pumunta nalang ako sa comfort room nila. Alam ko naman na talaga ang pasikot-sikot dito sa bahay nila. Lagi akong nandito kahit na noong nag-aaral palang kami ni Achill, minsan kasama ko pa iyong dalawa kong pinsan si Fabella at Misael. Pagbalik ko sa may dining ay nandoon pa rin iyong dalawa kong kapatid at lumalamon. Wala talagang mga hiya, hindi pa pala tapos si Clare kumain, pero si Cassie, oo na. Nakatutok lang siya sa cellphone niya. Tumabi ako kay Cassie. Nagugutom na ako, gusto ko na rin kumain pero mas maganda siguro na hintayin ko iyong tunay na pinaglaanan ng mga pagkain na ito, kabastusan naman siguro iyon. Hindi naman kasing – kapal ng mukha ko ang pagmumukha ng dalawa kong kapatid. "Sinong ka – text mo?" tanong ko kay Cassie. Obvious naman na may ka-text talaga siya. Seryong – seryoso pa ang itsura niya.Hindi katulad kanina. "Boyfriend ko, bakit?" napataas agad ang kaliwa kong kilay. Boyfriend niya? Talaga lang ha. "Naka-move on ka na ba kay Mac?" nauna ng tanong ni Clare. So hindi niya rin siguro alam. "Ba't 'di mo sinasabi sa amin na may boyfriend ka na pala ulit?" tanong ko sa kanya.   Napakibit – balikat siya at itinabi niya na ang phone niya. Nakatingin na rin si Clare sa kanya. "Hindi naman kayo nagtatanong e, ngayon lang." sabi niya. Sabay naming hinila ni Clare ang buhok ng babaeng ito. Siya sa kaliwa ako sa kanan. "Tangina mo, sino iyan?" tanong ko sa kanya. Ngumisi siya sa amin. "Kilala niyo siya, at secret lang iyon – malalaman niyo nalang soon." "Kung sinasabi mo na ngayon iyan, instead of soon, pinapatagal mo pa e, pareho lang naman, malalaman 'din naman namin." sabi ni Clare. Napatango naman ako. "Para may thrill."  Sagot niya sa kapatid. Mukhang wala akong makukuhang magandang sagot sa kanya.   Sino naman kaya ang boyfriend ng bruhildang ito? Kilala lang daw namin e, kaya mukhang may lalaki na akong nape-predict. Tatlo ang lalaking kilala ko na may gusto sa dalawa kong kapatid. Kasama na roon si James. Pero sa case ni James, isa lang sa dalawa kong kapatid. Inilibot ko nalang ang paningin ko at hinanap si Achill, saktong pagtingin ko sa labas ay napangiwi ako – glass wall nga kasi ito kaya kita ko iyong labas. Papasok na rito si Achill at iyong isang babae na maganda – oo, maganda siya, sobrang ganda niya. Kagabi hindi ko masyadong nakita ang mukha niya pero ngayon kitang – kita ko na. Na-insecure naman tuloy ako bigla. Oo na, gagamitin ko na ang word na nagseselos dahil nagseselos naman talaga ako. Nakakapit pa iyong babae – siya na nga talaga siguro si Acelyn – sa braso ni Achill. "They're here." Sabi ko nalang. Napatingin naman sa akin iyong dalawa. Maya – maya pa ay nasa loob na sila at parang nawala iyong mga dila ko.Mga pekeng ngiti lang ang ipinapakita ko. "Hi! Good morning!" masayang bati niya sa amin ng makarating siya sa dining.   Kasama niya pa rin si Achill. Sa akin nakatingin si Achill, inirapan ko nalang siya. Tumingin naman siya kay Acelyn – "'Uhm, babe, ito iyong girl best friend ko." Tinitigan ko si Acelyn – hindi ko itatanggi na mas maganda at matangkad talaga siya sa akin. "Hi, Carmie, right?" malamang na-kuwento na ni Achill kay Acelyn ito. Napatango nalang ako sa kanya. "Yeah, hi, nice meeting you." Sabi ko sa kanya.   Inilahad ko pa ang kamay ko sa kanya at masaya niya namang inabot iyon. Napakamasayahin niya – siguro naging isa iyon sa dahilan kung bakit siya ang pinili ni Achill.   Mas type niya talaga iyong napaka-lively – na sinubukan ko naman pero epic fail kasi hindi naman niya napapansin. Manhid iyang putanginang iyan. "Helo, Ako si Acelyn! Totoo nga!" sabi niya habang nag-se-shake pa rin ang mga kamay namin. Bumitaw na siya kay Achill. "Totoo ang alin?" tanong ko Umiling – iling naman siya. "Wala! 'wag mo nalang pansinin. Ang mahalaga ay nakilala na kita!" masayang sabi niya at bigla niya nalang akong niyakap. Nanlaki naman ang mga mata ko. What the?! Kumalas lang siya sa pagkakayakap sa akin nang magsalita si Achill. "Ma, Acelyn's here!" nanlalaki pa rin ang mata ko sa gulat. "Acelyn!" Napatingin kami sa doorway nang may isa pang sumigaw. Napangiti nalang ako nang makita ko si Fe roon, tumakbo siya at agad niyang niyakap si Acelyn. Napanganga naman ako pagkatapos kong makita iyon. Close sila? Hala. Hinatak ko si Achill papalapit sa akin. "May unti ata itong girlfriend mo." Bulong ko sa kaniya. Ang tinutukoy ko ay iyong in-akto niya kanina. May pa – yakap – yakap pa siya e hindi naman kami close.   My ghad. "Matangkad naman." Sinamaan ko siya ng tingin. Siniko ko nalang siya, malamang kinukumpara niya ako sa kan'ya. May kirot pa akong naramdaman sa dibdib ko. Inisip ko palang na kinukumpara niya kami, hindi ko maiwasan na masaktan. PUTANGINA. Lalo lang akong nakakaramdam ng inis maliban sa fact na gutom na ako. Oo, gutom na ako. Gutom sa pagkain at pagmamahal ni Achill. Nagkakamustahan pa sila Fe at Acelyn. Nakakaselos naman ito, sobra – sobra.Hindi ba ako nakita ni Fe ha? "Oh, tama na iyan – kumain na tayo." Sabi ni Tita at dumagdag na iyong mga pagkain. Na-upo naman na ako, tahimik lang ako at nagsimula na kaming kumain. Ang daming kuwento ni Acelyn, ang nakakadeputa lang ay iyong pagsusubuan nila ni Achill. Tapos iyong tawagan nila, babe? Yak, bahala na nga kayo. Pero ang totoo, kanina ko pa gustong magsalita tapos narinig ko pa na sinabi ni Acelyn na mahal niya raw si Achill.   Ang daldal ni Acelyn, iyon ang napansin ko sa kanya. Naikuwento niya na rin kung paano sila nagkakilala. Nabangga raw ni Achill si Acelyn sa may tapat ng Cathédrale Notre-Dame de Chartres last two months.   Siguro si Acelyn na iyong babaeng tinutukoy ni Fabella na may babaeng kasama ni Achill. Tapos naging close daw sila lalo tapos nag-aya si Achill na maging girlfriend niya dahil ang guwapo raw ni Achill at hindi niya kayang tanggihan. Iyong dimple daw nito sobrang nakakatakam. Sinabi niya pa iyan sa mismong harap namin, walang preno ang mukha. Sa totoo lang gusto ko na siyang sabunutan dahil napipikon na ako sa mga ikini-kuwento niya, nakakasakit na kasi siya. Tapos binanggit niya pa na may nangyari sa amin ni Achill. Tahimik lang talaga ako dahil baka may masabi ako ng masama sa kanya. Pero tama nga si Achill mabait siya, madaldal nga lang. "Gusto ko na ikasal kayo kaagad." Napalunok ako at awtimatikong napatingin kay Achill nang sabihin iyon ni Tita... Talagang... "Hala Tita Mariganda, ang bilis naman ata."  Komento ni Cassie. "Cassandra, hindi na mabilis iyon, gusto ko ng magka-apo." Sagot ni Tita. Nabilaukan naman ako sa sinabi niya, agad naman akong inabutan ni Achill ng tubig. "Ayan, ta – tanga – tanga ka na naman." Sabi niya. Sinamaan ko nalang siya ng tingin at inabot ang isang baso ng tubig at ininom iyon. "Tama si Mama, gusto ko na rin kasing magkaroon ng pamangkin! At gusto rin maging sis – in – law si Acelyn!" Fe exclaimed. Hindi ko na sa kanila pinakita ang ngiwi ko. Ayaw niya ba sa akin? My ghad. "Close kaagad kayo, amazing." sarkastiko na singit ni Clare Kaya hindi talaga ako masyadong nakakapagsalita kapag may mga tagasalita ako, iyong kasing gusto kong sabihin or itanong sila na ang gumagawa noon para sa akin. "Oo nga, kuwento mo two months ka palang nakikilala ni Ate Fe tapos super close na kayon.Samantalang si Ate Carmie na lagpas isang dekada niya ng kakilala hindi man lang masyadong pinapansin. Isa kang mang-aagaw." Sabi ni Cas. Hindi lang pala si Acelyn ang walang preno, ito rin pala. Sinamaan ko ng tingin si Cas, dahil natahimik si Acelyn at Fe. "Charot." Dugtong niya nalang at nagpatuloy na kami sa pagkain. "Ay Carmie, kamusta ka na nga pala?" thank God, tinanong niya rin ako. Parang biglang may nagbago, at naiinis talaga ako ng sobra. "Kay lang, ikaw? Musta ka na?" sagot ko. Sinabi niya naman sa akin na okay lang din siya tapos mamaya raw usap kaming dalawa. Kukuwentuhan niya raw ako ng marami. Nagkuwentuhan pa kaming lahat hanggang sa matapos kaming kumain. Napapansin ko na palaging napapatingin sa akin si Achill, poker face lang naman ako. Kanina pa ang bigat – bigat ng dibdib ko. Nagpaaalam na muna kami sa kanila pagkatapos dahil hindi pa kami nagsa-shower, maligo na muna kami, sinabi ni Tita na bumalik kami dahil magmo-movie marathon daw kami o kaya mamasyal sa kung saan. Um-oo nalang kami. "Ate, hindi ko gusto iyong girlfriend ni Kuya Achill, at saka seryoso ba sila na magpapakasal agad sila? " Sabi ni Cassie. "Yeah, Ate's right. Hindi ko rin gusto ang Ace na iyon." Sabi naman ni Clare.   Nasa bahay na kami at nakaligo na kaming lahat, nagkita – kita lang kami sa living room. Wala si Mama, nag-grocery, si Papa naman, as usual, nasa school kaya kaming tatlo lang ang nandito sa bahay. Na-upo si Clare sa sofa habang ginagamitan ng hair blower ang buhok niya. "Mukhang mabait naman si Ace ah." Komento ko pa. "Naku Ate, anong mabait? Eh ang plastic – plastic." "Maarte pa, bida – bida. Halatang nasa loob ang kulo ng babaeng iyon."  Sabi nilang dalawa. "Paano mo naman nasabing plastic?" I furrowed. Hindi naman masama ugali ni Ace ah, nakakapikon nga lang iyong role niya sa buhay ni Achill – ang mapapangasawa ni Achill , Tss. "Like duh, Ate, plastic ako sa mga kaibigan ko kaya alam ko kung ano ang amoy ng mga ka-uri ko. My ghad." Irap ni Cassie at tinalikuran na kami ni Clare. Nagme-make – up si Clare. Sinabi niya na hindi siya makakasama ngayon dahil may job interview siya. Nagyabang pa nga siya e,ganu'n daw siya kagaling. Mabilis siyang nakahanap ng trabaho. Si Cassie naman mukhang walang balak na mag-apply. "Maniwala ka sa amin Ate Carm, ang plastic ni Acelyn, kaya kung ako saiyo, makipagplastic-an ka rin tapos 'wag ka magtitiwala sa kanya, at saka, agree ako kung maiisip mo na pigilan ang kasal. Kausapin mo si Kuya Achill, sabihin mo 'wag na ituloy." Sabi ni Clare. Lalong kununot ang noo ko. "Bakit ko naman gagawin iyon?" tanong ko. "Para hindi ka na masaktan." Sabi ni Clare. Natahimik ako. "Kung sa iba matatago mo na nasasaktan ka, sa amin , hindi. Halatang – halata ka." Sabi niya pa. Napabuntong – hininga nalang ako. Malamang sa malamang ay alam niya na na may nararamdaman ako kay Achill. "Alam mo Ate  ㅡ 'wag mong hayaan na masakop ang lupang pagma-may-ari mo, dahil saiyo iyon, may laban at karapatan ka sa lupang iyon." Napaisip naman ako sa sinabi niya pero sa huli ay napabuntong – hininga nalang ako. "Hindi ko naman puwedeng sabihin na akin ang lupa kung hindi sa akin nakapangalan ang titulo ng lupa. Walang patunay na papeles na nagsasabing akin nga si Achill." Sabi ko. Totoo naman, hindi sa akin si Achill – Hindi kahit kailan... I guess. "Bahala ka na nga, ikaw 'din." Sabi niya pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD