Death By A Million Cuts 3 : Just Do it

2476 Words
CHAPTER 3 : Just do it Carmie's Point of View Bumalik ako sa bahay nila Achill kagaya ng napag-usapan pero masasaktan lang pala ako lalo, ang tanga ko. Bakit ko pa ba kasi patuloy na sinasaktan ang sarili ko. Pinili nalang namin na manood ng movie - siyempre may kuwentuhan na naman at ang star ay si Acelyn pinag-uusapan na rin nila iyong about sa kasal. Feeling ko, ang babastos nila - nandito ako, hello? Pero hindi ko pinapakita ang sakit at disappointment na nararamdaman ko, mas pinili ko nalang na makisakay sa mga trip nila. Hindi naman ako na-a-out of place dahil kasali kami sa usapan. Sabi nga ni Achill, hindi raw ako puwedeng mawala sa kasal nila. Nu'ng nagtanog si Tita tungkol sa trabaho ko. Sinabi ko nalang na nasa A. Company ako - secretary ako nang nakaka-buwiset na CEO. Kanina nga nag-text iyon e, tinatanong kung anong ginagawa ko. Sana okay lang siya - nagreply naman ako, sabi ko ; 'Paki mo.' Nasa trabaho o wala e sumasagot talaga ako ng pabalang sa boss ko. Hindi niya naman ako tinatanggal. Pinapahirapan lang talaga ako ng putangina, pati iyong trabaho na hindi ko naman talaga trabaho pinapagawa sa akin. Sarap niyang ipa-salvage. Nu'ng sinabi ko na mabait naman ang boss ko - which was a lie, sinamaan kagaad ako ng tingin ni Achill and he mouthed ; 'mamaya ka sa akin.' Inirapan ko nalang siya. Paki rin ba niya e ikakasal na siya, tapos magiging masaya na siya kay Acelyn. Siguro, magiging masaya nga siya - dahil kuwento nila ang saya - saya nila nitong mga nakaraang araw. Mapapa - sana all ka nalang talaga. "Ah, Tita, ako nalang kukuha ng juice." Sabi ko sa kanya. Nau-uhaw daw kasi si Acelyn - medyo naiinis ako dahil duh, wala ba siyang kamay? Talagang sasabihin niya pa na nau-uhaw siya tas hahayaan niya na si Tita ang kumuha? "Sure? Thank you." sabi ni Acelyn. Napatango nalang ako sa kanya at pumunta na ako sa kitchen para kumuha ng juice. Pagbalik ko ay may dala na akong tray ng juice para sa aming lima - inilapag ko iyon sa maliit na mesa at nagkanya-kanya na silang kumuha. Umupo na ulit ako sa tabi ni Fe. Nag-usap na rin kami kanina ni Fe, nagbigay siya ng pasensya kung hindi niya ako masyadong pinansin pero sinabi ko nalang na okay lang naiintindihan ko - kailangan ko nalang talagang maintindihan ang mga bagay - bagay. I sighed. Nang - iinom na si Acelyn ay bigla siyang natapunan ng juice sa damit niya. Hindi ko alam kung sinadya niya iyong pagkakatapon o sadyang ang tanga - tanga ng kamay niya. Iinom nalang natapon pa. "Oh my God, babe, I didn't bring any clothes." May pagka-maarteng sabi nito, ako lang ba ito o sadyang maarte talaga iyong pagkakasabi niya. Nanlalaki pa nga ang mga mata niya. "I could lend you my clothes. I hope na kasya saiyo, same size lang naman siguro tayo." Fe said. Napatayo si Acelyn, inabutan siya ni Achill ng tissue. Gusto kong mapangiti ng wala sa oras, naalala ko nu'ng minsang matapunan ako nu'ng waiter sa isang restaurant, nagalit siya doon sa waiter at siya na mismo ang nagpunas sa may dibdib ko. I sighed. Inaya niya ako nu'n na umalis nalang ng restaurant kasi hindi raw siya na-inform na tatanga - tanga ang mga iyong mga tao roon tapos sabi niya pupunta nalang kami ng mall tapos ibibili niya ako ng mga damit, iyong water proof daw, natatawa nga ako sa kanya e, sabi ko 'wag na lang - umuwi nalang kami pero mapilit siya e - hindi naman na tuloy ako tumanggi kasi napapasunod talaga ako niyan kahit noong highschool palang kami. Minsan nga, bumagsak ako noon sa Physiology dahil hindi ako nakagawa ng mga research paper on time. Nag-aya kasi si Achill noon na pumunta ng Tagaytay, tinanong niya ako busy daw ba ako, sinabi ko sa kanya na hindi ako busy kahit na ang totoo marami akong gagawin.Sabi niya, gusto niyang pumunta ng Tagaytay, sabi ko, ayaw kong sumama, pinilit niya ako - hindi ko na rin nasabi na may mga research paper akong kailangang tapusin. Nagpapaawa na kasi siya. Sinabi niya pa na baka mamatay siya kapag hindi ko siya sinamahan. Napaka - OA. "No thanks, mas bet ko iyong damit ni Achill, Can I?" napatingin siya kay Achill. Napataas naman ang kilay ko, tangina nito. Naiiyak ako dahil sa babaeng ito. Pinapanalangin ko na sana hindi pumayag si Achill pero imposible naman ata iyon - nakakaselos talaga, at masakit isipin na may iba ng may gustong magsuot ng damit ni Achill. Gusto ko rin kasing sinusuot ang damit ni Achill - gustong - gusto ang amoy niya, kaya sabi ko sa kanya. 'Wag niyang ipapasuot sa ibang babae niya ang mga damit niya. Sinusunod naman niya ako kasi nagpasama pa siya sa akin na bumili ng mga damit pambabae, pero hanggang dito nalang, hindi na talaga ako puwedeng umangal. "Sure, babe." Sabi ni Achill at magkahawak silang umalis sa sala. Nagseselos talaga ako putangina, mas pinili ko nalang na magfocus sa pinapanood ko.Nagpaalam na rin muna si Tita na babalik siya sa kusina, magluluto raw muna siya ng meryenda. Nag-volunteer nga ako na tumulong pero tumanggi siya. Lumipas ang ilang minuto, hindi pa rin bumabalik sila Achill kaya parang nababalisa ako. Tahimik lang kami ni Fe habang nanonood pero nagsalita pa rin siya. "Alam mo, Carmie - gusto ko si Acelyn para kay Kuya - ewan ko ba, parang ang gaan - gaan ng loob ko sa kanya." Sabi ni Fe sa akin. Pinilit ko na lang na ngumiti sa kanya.Akala ko ba walang babae si Achill doon? I asked her e, pero hindi ko na pinaalala sa kanya. Okay na rin siguro iyon, I sighed - baka nu'ng nagtanong ako hindi pa sila magkakilala...baka nga. "Baka talagang destiny sila..." mahinang sabi ko. Labag sa loob ko ang sinabi ko. Umakbay sa akin si Fe. "Alam mo ba, akala ko - kayong dalawa ni Boss Achill ang magkakatuluyan, akala ko, nakalaan talaga kayo para sa isa't isa." Napatingin naman ako sa kanya. "Pero nu'ng dumating si Acelyn feeling ko - destiny din kayo ni Boss - bilang mag- best friend forever lang." Bestfriend forever lang. "Siguro nga..." pinilit ko ulit na ngumiti. "'Wag ka malulungkot kung ikakasal na si Kuya Boss, hindi ka naman niya makakalimutan." Sabi niya sa akin. Pinapalakas niya ba ang loob ko? Nag- beep ang phone ko at napatingin ako roon. Si Fabella. 'Hoy p**e, pumunta ka rito sa bahay kung ayaw mong ako ang pumunta diyan at matanggal ko ang anit mo ng wala sa oras.' Iyan ang eksaktong text niya sa akin. Ano na namang nagawa ko? Nagtataka man pero magandang excuse iyon. Nagpaalam ako kay Fe, nagpumilit siya na mag-stay daw ako pero sinabi ko na emergency, nagpaalam na rin ako kay Tita. Sila nalang ang magsasabi noon kina Achill. Paglabas ko ng bahay nila, ewan ko - nagsarili ang ulo ko, tumingala ako sa kuwarto ni Achill, alam ko kung saang banda iyon.Ako pa ba e saulong - saulo ko na iyon. May veranda doon, nanlaki ang mata ko nang makita ko sila roon. Iyong puso ko kumabog ng kumabog. Unti - unti, parang may kutsilyong bumabaon sa puso ko. Nakikita ko silang naghahalikan doon at feel na feel ang moments nila. Napaluha nalang ako at mabilis na tumakbo papasok ng bahay. ㅡㅡㅡ "Fab, puwede bang dito na muna ako?" tanong ko agad sa kanya nang buksan niya ang pinto ng bahay. Maganda na rin siguro na pinapapunta ako ni Fabella rito, dito na muna ako sa kanya but I wonder kung ano ang dahilan kung bakit niya ako pinapunta dito. Hindi na ako nagdala ng damit dahil may damit naman ako dito sa bahay ni Fabella. Dahil minsan, nagpapasama siya sa akin dito. May sarili na siyang bahay - silang dalawa ni Sael may sari-sarili ng bahay - gusto ko nga rin bumili ng house and lot, last year pa pero hindi ako nakabili dahil sabi ni Achill 'wag daw muna. Tinanong ko naman siya kung bakit pero ayaw niya namang sabihin. Kung gusto ko raw talagang lumipat at humiwalay na muna kina Mama, doon nalang daw ako mag-stay sa condo unit niya. Siyempre... Hindi ako papayag. Ilang beses na akong nakapunta sa unit niya, natulog na nga ako roon, doon na rin ako nag-stay ng dalawang araw, hindi ko nagustuhan na tumira doon. Oo, lagi ko ngang kasama si Achill pero ang sakit ng ulo ko tuwing may dadalhing babae sa gabi. Walang pasintabi, mga bastos. "Buti naman dumating ka na." pinapasok niya na ako. Hinila niya ako papunta sa kuwarto niya, hindi naman ganoon kalaki ang bahay niya - sakto lang para sa dalawa hanggang tatlong tao dahil tatlo lang naman ang kuwarto nito. "Bakit nga pala? May problema ka ba?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa kuwarto niya. Hindi siya sumagot Nang makarating kami sa kuwarto ay agad niya akong pina-upo sa kama at tumabi siya sa akin. Humarap siya at hinawakan ang dalawang kamay ko.May talim sa mga titig niya - kahit sabay kaming lumaki ni Fabella... ang hirap pa rin niyang basahin.She's unpredictable.Indeed. "What?" I asked. Hindi pa kasi siya nagsasalita e , nakatitig lang siya sa akin. "Look, Clare told me earlier that Achill is getting married. Payag ka ba nu'n? At saka anong trip ni Achill? Baliw na ba siya? I swear masasapak ko siya." Oh, I get it. Napabuntong - hininga nalang ako at napayuko. Naalala ko na naman iyong nangyari kanina. Gusto ko silang iwasan - muna, nagdecide ako na dito na muna mag-stay kay Fab tapos maghahanap na rin ako mg bahay. Bahala na si Achill sa buhay niya.Hindi ko na kinakaya ito, parang nakikita ko na iyong future. Magkakaroon ng masayang pamilya sila Acelyn habang ako nakanganga sa kanila, pero ano ba namang laban ko? Una sa lahat, hindi naman ako mamahalin ni Achill tapos hinding - hindi ko malalamangan si Acelyn, maganda siya, maputi tapos matangkad. "Hindi naman ako puwedeng mangialam." Sabi ko kay Fabella. Humigpit ang hawak niya sa akin.Kahit na hindi ko sinasabi sa kanya na mahal ko si Achill ay alam ko na may idea siya - hindi rin siya manhid katulad ng kapatid ko. Hindi niya na rin ako pinapaamin dahil kahit daw hindi ko aminin , alam niya na. Hindi niya na rin kailangan ng confirmation dahil alam niya at sigurado siya sa hinala niya. "Anong hindi? I told you this before, mahal mo siya and MAHAL KA NI ACHILL, kaya hindi ko maintindihan - imbes na umamin siya at lumevel-up iyang relasyon niyo - eh magpapakasal siya..." Sabi niya. "...sa iba, " dugtong nito. Naiyak na naman ako, humahagulhol ako ng mas malala this time dahil alam kong kaming dalawa nalang. Nakakainis naman, lagi nalang akong pinapaiyak ni Achill. "Sinabi ko na rin saiyo before na hindi niya ako mahal." Sabi ko. Napailing iling lang siya. "Mahal ka nga niya, kulit mo." aniya. "Bakit? Sinabi niya ba saiyo na mahal niya ako? 'Diba hindi? Hinala mo lang ulit. Hindi naman lahat ng hinala ay tama. Nagkakataon lang." Nakayuko pa rin ako at lalong lumalakas ang hagulhol ko. Niyakap niya na naman ako. "Shh, Carmie tama na - hindi niya nga sinabi sa akin pero... iyong kilos niya. Remember, action speaks louder than voice.Alam mo iyan - hindi lang ako ang nakakapansin, marami kami. He loves you." Sabi niya sa akin. Kumalas naman kami sa pagkakayakap. Tinulungan niya ako na magpunas ng luha. "If he loves me - not being his bestfriend, then bakit hindi niya sabihin sa akin? Why he had to chose her over me?" I asked. "Mahal niya raw ako, pero bilang kapatid - kaibigan lang. Gusto ko ng mawala itong nararamdaman ko na ito. Fabella, gusto ko na mag-move on...k-kasi...kasi ang s-sakit - sakit na." I sobbed. Pilit niya naman na akong pinapatahan. "Carmie, listen, kung gusto mong mawala iyang nararamdaman mo - try to date someone. Ilang taon na rin simula nu'ng nagkaroon ka ng boyfriend." Sabi niya nalang sa akin. Yes, may mga exes ako.Nakikipagdate din kasi ako sa iba kahit na mahal ko si Achill - hindi naman kami nagtatagal dahil minsan ayaw ni Achill doon sa guy. Sasaktan lang daw ako nu'ng lalaki - kaya medyo nakakainis talaga si Achill - anong medyo? Nakakainis talaga siya, pero hindi naman palagi nagtatagal ang inis ko sa kanya. "Hindi naman mag-wo-work iyon. Ginawa ko na iyon dati, you know that." Sabi ko sa kanya, patuloy pa rin ako sa pagpunas ng luha ko na parang hindi nauubos. "Yeah, pero...iba ang situation ngayon.Hindi maganda ang kutob ko dito eh, can you just date someone else, please?" sabi niya sa akin. Napatitig naman ako sa kanya, seryoso ang mukha niya. Hindi ko pa rin alam kung anong iniisip niya at anong kutob ang sinasabi niya. "What do you mean?" I asked. Bigla nalang siyang ngumiti - walang kinatatakutan si Fabella, kahit sa love, handa siyang masaktan para dito. I admired her. Nagmahal na rin siya dati - at sa sobrang pagmamahal niya rito, binigay niya ang buong pagkatao niya sa lalaking iyon pero niloko lang siya. Kahit alam ni Fabella na niloloko lang siya ni guy, hindi pa rin siya bumitaw, sabi niya pa nga noon handa siyang magbulag-bulagan dahil mahal na mahal niya iyong lalaki, kahit ilang beses pa siyang lokohin. Pero lahat naman may limitasyon, hanggang sa napagod na si Fabella, ayaw niya na, narealize niya na marami siyang nasayang pero wala siyang pinagsisihan dahil ginusto niya iyon. Ginusto niyang magpakatanga. "I mean, kung si Achill may girlfriend na, dapat ikaw din! 'Wag ka magpapatalo!" sabi niya sa akin. "Kasi kung single ka, tapos para kayong magjowa ni Achill kung um-asta, magseselos iyong girlfriend - fiancé or whatever niya, sasabunutan ka nu'n." sabi niya sa akin. Napakunot naman ang noo ko, she's trying to convince me to date somebody. Wait, ako lang ba or inu-uto niya talaga ako? Bakit naman niya ako inu-uto? Maybe she's right. "Fine, I will try... but, hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko, puwede bang dito na muna ako mag-stay?" tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin ng pagkalawak - lawak. "Ano ka ba, kahit 'wag mo na itanong, oo ang sagot diyan. Na-miss din kaya kita!" niyakap niya ulit ako. "Oh tahan na, 'wag ka na umiyak.Alam mo ba, hindi mo dapat iniiyakan si Achill, ikaw dapat ang iiyakan niya." Sabi niya pa sa akin. "As if..." sabi ko. "Trust me, just do what I've said." Sabi niya sa akin. Napabuntong - hininga nalang ako. May maganda kayang mangyayari? Maybe para sa akin na rin ito, para sa sarili ko. Kailangan ko ng magmahal ng iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD