Death By A Million Cuts 4 : Sir?

3378 Words
"Mauna na ako Fabella – baka bulyawan na naman ako ng boss ko, gusto kong maging tahimik araw ko." Sabi ko kay Fabella. Nag-be-breakfast palang siya habang ako naman ay ready na para sa work .Jusko, makikita ko na naman ang boss ko. "Mag-resign ka nalang kaya, pinapagod mo sarili mo." Sabi niya sa akin .Na-ikuwento ko na sa kanya kung ano – ano ang pinapagawa sa akin nu'ng boss ko. "Ayaw ko, gusto ko 'tong trabaho ko." Sabi ko nalang sa kanya. Nagtitiis ako kahit na pinagti-trip-an niga ako, alam niyo kung bakit? Dahil pakiramdam ko nacha-challenge ako sa tangina kong boss. Never pa akong nakaranas ng ganoong trato kaya nakakatuwa lang dahil totoo nga talaga - there's always a first time. Naging secretary na rin ako before – maraming beses pero iba ang feeling ko kay Boss Kate Armalana. "Baka iyong boss mo iyong gusto mo – guwapo naman iyon ah, patusin mo na." sabi niya sa akin at sinubo ng buo iyong hotdog. Napa-irap naman ako at kinuha na lang iyong bag ko. "Patusin ka diyan – never." Sabi ko pa at tuluyan na akong lumabas sa bahay ni Fabella. Inilabas ko naman ang cellphone ko – ngayon ko lang pala ito i-che-check. Sakto, may taxi na dumaan kaya nakasakay kaagad ako. Pagtingin ko sa phone ko ay nakita ko na may mga messages si Achill at iyong boss ko. Pati na rin si Mama – hinahanap daw ako ni Achill. Hindi ko nga pala sinabi sa kanila kung saan ako pupunta kahapon kaya malamang wala silang idea kung nasaan ako ngayon. Hindi ko na binuksan iyong messages ni Achill at nu'ng boss ko dahil baka masira lang ang araw ko. Thirty – minutes ang lumipas nang makarating ako sa building, thanks to traffic. Nagbayad nalang ako kay Manong taxi driver bago ako lumabas ng kotse. Pagkalabas na pagkalabas ko palang ay bigla nalang may humatak sa akin. Kumabog nang malakas iyong dibdib ko dahil sa gulat. "Ay putangina!" mura ko. Nang tingnan ko kung sinong putangina ang humatak sa akin – ay nakaramdam na ako ng inis. Ngayon na nakita ko siya ay naalala ko iyong nakita ko kahapon , bumalik na naman iyong sakit, at mga pagseselos ko. "Anong ginagawa mo rito, ka-aga-aga nambu-buwiset ka na." inis na sabi ko sa kanya at binawi ang braso ko na hinatak niya. Kumunot naman ang noo niya. "What? I didn't say anything that would piss you off... yet, " sabi niya. Inirapan ko siya at malakas na hinampas sa braso. Ano bang ginagawa niya rito – anong ginagawa rito ni Achilliance? Ganitong oras ay nasa bahay palang siya or papunta palang siya sa office niya – mag-a-alas siyete palang ng umaga! "Makita lang kita, nabu-buwiset na ako so please lang, layo – layo ka muna sa akin," sabi ko sa kanya. "That'll never happen." Sagot niya naman sa akin. "Sa'n ka nga pala kagabi? Hinahanap kita, tangina mo." Dugtong niya. Ako naman ay hinampas ulit siya – this time, bag na ginamit ko – hindi man lang siya natinag. "Tangina mo rin, ano ba kasing ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya. Ayaw kong sabihin na nandoon ako kay Fabella at maghahanap na ako ng sarili kong bahay dahil kokontrahin niya na naman ako. Dapat siguro wala na kaming pakialaman dahil magkakaasawa na siya. Kinunotan ko siya ng noo. Wala namang ekspresyon na mababakas sa mukha niya. Blank lang – habang nakatingin siya sa akin. "Sasamahan kita mag-resign." Sabi niya sa akin, nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Ano na naman bang trip niya ha? "Hindi ako magre-resign, okay?" lalo nainis na sabi ko. "Magre-resign ka." Matigas na pagkakasabi niya, umirap ako at naisip na talikuran na lang siya, papasok na ako, bahala siya sa buhay niya – pero hinila niya pa rin ang braso ko pabalik. "Magre-resign ka." Ulit niya sa akin. Nainis naman na talaga ko. "Ikakasal ka na 'diba? Bahala ka na sa buhay mo, bahala na rin ako sa buhay ko. Friendship over na!" isinigaw ko iyon sa pagmumukha niya at nilayasan ko na siya. Hindi niya na naman ako hinabol pa thank God. Pero medyo nakakaputangina iyong pahabol niya, narinig ko pa rin ‘yun, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. “NAGSESELOS YATA SI PANDAK.” TANG*NA NIYA SAGAD SA BONES, SINONG NAGSESELOS?! I sighed. Sino pa ba? Edi ako. Aminado naman ako na nagseselos ako. Mahal ko eh. Ba’t pa kasi kailangan magmahal at mahalin sa earth? Mamatay din naman. Inis na inis ako. Pero... Pero habang naglalakad ako sa hallway papasok sa opisina ko, naisip ko kung ano iyong nasabi ko. Napatakip ako ng bibig ko. Hala?! Hindi ako makapaniwalang nasabi ko iyon. Tang*na hindi ko kayang panindigan iyon – talagang hindi, at...siguro naman hindi niya seseryosohin iyong friendship over part – sana nga. Pero, naiinis ako sa sarili ko tanginang iyan. Pati na rin sa kanya – mas lalo pa akong maiinis kapag sineryoso niya iyon – lumingon pa nga ako, hindi ko naman na tanaw siya sa posisyon ko. Iniisip ko nga na mag-text nalang sa kanya ng 'charot' or 'it's a prank!' para naman ma-inform siya na, I didn't mean it. Kahit na mag-asawa pa siya ayaw kong mawala ang pagkakaibigan namin. Iyon nga ang dahilan kung bakit hindi ko inaamin sa kanya ang nararamdaman ko. Minsan ko nang naisip na umamin sa kanya, siguro mga two years na ang nakakalipas – doon ko naman nakilala si Syhea, tin-ext ko lang siya nu'ng kasal nila Xander pero nalaman ko nalang na hindi pala siya um-attend ng kasal. I wonder why, so iyon na nga – she told me na ang unang umamin ay talo. Napaisip naman bigla ako roon, hindi naman dahil sa gusto ko na ako ang panalo ㅡ pero baka iyong friendship namin ang talagang maapektuhan, iyon ang inaalala ko kaya ayaw ko talagang umamin. What if hindi mutual ang feelings namin? Edi wala na, finish na. At saka kung gusto rin talaga ako ni Achill, kahit noon palang umamin na siya sa akin. Pagdating ko sa may cubicle ko ay agad na akong nagsimula sa trabaho. Naghanda na rin ako ng breakfast para sa boss kong ulol. Malapit na mag-eight am, malamang sa malamang ay nasa lobby na si boss ay papalapit na rito. Saulo ko na ang galaw ni boss – at gusto rin niya na lahat ng ginagawa niya ay organisado. May OCD siguro ang isang iyon or sadyang organized lang siya palagi. My ghad, ganu'n na rin iyon Carmie. As I was expected, he's here – with his usual office attire. Iyong tikas ng tindig niya at ang talim ng mga tingin niya sa akin. Lihim naman akong ngumiwi. Ngumiti ako sa kanya at tumayo para batiin siya. Tumigil siya sa harap ng table ko. "Good morning, Sir...I've already made a breakfast for you. You have an important meeting at 9:00 am and you also have an appointment with Ms. Giovanni at exactly – " he cutted my sentence off. Ang bastos. Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko. "Stop." He said. "Sir you need to be informe – " "I said, stop. What's up between you and Mr. Montinelli, do you even know him?" he sternly asked me. He even pulled my arm .Dahan – dahang kumunot ang noo ko sa sinabi niya .He's talking about Achilliance! Kinausap ba ni gunggong itong boss kong ulol? Aba't?! Nakaramdam na naman ako ng inis. Tangina, ang aga – aga , nag-iinit na naman ang ulo ko! Binawi ko ang kamay ko sa kanya at pinilit pa rin ngumiti kahit gusto ko ng masapak si Achill. May idea ako kung ano ang sinabi ni Achill kay Boss Kate, na sana nagkakamali lang ako. "Uhm. Why, Sir?" I asked him. Ayaw kong sumagot ng pabalang, kagaya ng sabi ko gusto ko magkaroon ng tahimik na araw at ayaw kong makipag-away sa kanya. Nalukot ang mukha niya habang nakatitig siya sa akin pero huminga pa rin siya nang malalim na parang kinakalma ang sarili. "He wants me to fire you." Boom. Iyong idea ko at ang sinabi ng boss ko ay parehong – pareho kaya hindi ko talaga maiwasang makaramdam ng sobrang inis. "Susundin mo ba siya?" Tanong ko nalang sa boss ko. "Of course not, hindi ako sumusunod sa kahit na sino." Iyon lang ang sinabi niya bago niya ako talikuran. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero bigla nalang akong napangiti ㅡ with no apparent reason. ㅡㅡㅡ "Ms. Alonzo, I want you to come with me." Napataas naman ang kaliwang kilay ko ng sabihin iyon ni Boss Kate Armalana ㅡkakatapos lang ng meeting niya kay Ms. Giovanni at oras na ng lunch niya. Na-iayos ko na rin ang lunch niya at ini-inform ko siya. Nasalubong ko siya sa may hallway, I informed him about his schedule this afternoon. "Ho?" tanong ko sa kanya. Nagtataka nga ako dahil parang – parang lang naman ha, nabawasan iyong trabaho ko. Hindi niya ako pinapagalitan, hindi niya rin pinapapalitan ang breakfast niya at hindi niya rin ako masyadong pinag-uutos-utusan. I called this HIMALA. "Sabi ko, samahan mo ko mag-lunch." Sabi niya sa akin. Napamaang naman ako. Bakit? I mean bakit siya nagpapasamang mag-lunch? "No thanks, Sir.Kasama ko sila Jessa at Patrice," sabi ko pa at binanggit sa kan'ya kung saan kami magla-launch. Napakunot naman ang noo niya. Si Jessa at Patrice ay iyong dalawang babae na naging close ko rito sa loob ng isang buwan.Sila rin iyong mga nakaka-usap ko .Nabu-buwis*t din nga raw sila sa Boss ko dahil marami na raw itong natanggal sa trabaho, tinatanggal sa dahilan na napakababaw. Buti nga raw umabot pa ako ng isang buwan e. "You can't eat to that restaurant. It's one of the most dirtiest restau – " "Sir, bata palang ako kumakain na ako roon. Namatay ba ako ha? Kung namatay ako edi sana wala ako ngayon dito. 'Wag mo ngang idamay ang restaurant sa kaartehan mo," sabi ko sa kanya. Napatikhim naman siya at tinitigan na naman ako. Siyempre, medyo naka-yuko siya kasi nga pandak ako katulad nang palaging sinasabi ng napakagaling kong bestfriend. "Also, stop being rude to me. I'm still your boss. You will join me at lunch whether you like it or not." Ang bilis niya. Bigla niya nalang hinawakan ang kamay ko at hinila ako papunta sa opisina niya. Nandoon na kasi ang mga pagkain na hinanda ko noong nasa meeting palang siya. "But, I've prepared a lunch that's only good for one person." I said. "So? Call someone to bring a lot of food, stop asking." Parang siya pa ang may ganang mainis ha. Buti nalang napadaan ako sa may cubicle area nila Jessa. Sinenyasan ko sila at mukhang naintindihan naman nila kaagad iyon. "Sir, okay lang po ba kayo?" tanong ko sa kanya nang makarating kami sa office niya. Na-upo siya sa swivel chair niya habang ako naman ay na-upo sa visitor's chair na katapat ng table niya. Napatingin siya sa akin, tinititigan niya na naman ako – bakit ba lagi niya nalang akong tinitigan? "Sir?" I waved my hand in front of his face. Natutulala na siya sa akin e, naguguluhan na rin ako sa mga ikinikilos niya. Mukhang hindi siya nananadya na buwiset-in ako. Nu'ng una palang ako rito ay ayaw niya na talaga sa akin. Hindi naman siya mismo ang nag-hire sa akin kung hindi ang kapatid niya na si Sir Keith Armalana. Dapat kay Sir Keith talaga ako magta-trabaho pero bigla nalang sinabi na kay Sir Kate nalang daw ako. Ang pronunciation ng name ni Sir Kate ay 'Keyt' habang 'Keyd' naman si Sir Keith. He cleared his throat when he came back to reality. "Eherm." Nag-iwas siya ng tingin. "Call Lia and tell her to bring some food here." Sabi niya sa akin. Hindi naman na ako nagsalita pa at sinunod ko nalang ang utos niya. Parang wala rin kasi akong ganang makipag-away dahil nga sa nangyayari sa akin ngayon. Nasasaktan, oo, bawat minuto nararamdaman ko pa rin iyong sakit, naalala ko si Achill at at Acelyn, pero kahit ganoon ay nagagawa ko pa ring makapag-focus sa trabaho ko. Minsan nalilingat ako, nakakalimutan ko na ikakasal na si Achill at magkakaroon na sila ng happy family habang ako naman ay nalulungkot. Wala pang fifteen minutes ay dumating na si Lia – utusan 'din siya ni Sir Kate pero siya talaga ang secretary ni Sir Keith – kaso wala naman kasing masyadong pinapagawa sa kanya si Sir Keith – kaya sana all talaga secretary ni Sir Keith, dapat naman talaga na ako ang secretary niya at siya ang boss ko. Hindi itong si Kate Armalana. Pero okay na rin siguro kasi medyo nagbabago ang ugali niya. Ayaw kong lumaki ang ulo – ayaw ko naman na mag-assume na ako ang dahilan. "Let's eat." Then we did. Kumain kaming dalawa ng tahimik .Wala sa aming nagtatangkang magsalita dahil wala naman kaming pag-uusapan.Hindi ko na rin itatanong kung bakit niya ako inaya.Ano ba talaga ang rason niya? Pati na rin iyong medyo pagbait niya. Ayaw ko ng alamin ang reason niya, dahil ngayon nag-iisip ako kung ano ang sasabihin ko kay Achill. Si Achill na naman ang nasa isip ko, lagi naman...kainis! Bigla akong napatingin kay Sir Kate. Sa totoo lang, tama naman talaga sila - guwapo nga siya.Alam kong guwapo na siya kahit dati pa pero bakit mas lalo akong na-gu-guwapohan sa kanya ngayon. Makapal din ang kilay niya katulad kay Achill, matangos din ang ilong niya katulad kay Achill, tapos ang hot niyang tingnan dahil sa jawline niya like Achill pa rin – ganiyan 'din naman si Achill, ang pinagkaiba lang nila ay walang malalim na dimple si Sir Kate. Habang si Achilliance, saganang – sagana sa malalalim at nakaka-in love na mga dimple. "Sir, bakit ang bait niyo ata ngayon?" kahit nagdecide na ako kanina na hindi ko itatanong ay natanong ko na rin. Out of curiousity. Napatingin rin siya sa akin. Tapos na kaming kumain noon at naligpit na rin ang mga pinagkainan namin. "I am not." Sabi niya. "Eh, bakit hindi niyo ata pinapagawa sa akin ang trabaho nila Judith ngayon?" tinaasan ko siya ng kilay.Si Judith ay isa sa mga accountant – nalaman ni Sir na graduate din ako sa pagiging accountant ay pinagawa niya sa akin ang kalahati ng trabaho nila Judith at ng iba pang mga accountant. Nu'ng pumunta ako sa cubicle ni Judith sinabi niya sa akin na 'wag na raw ako tumulong sa kanila sabi ni Sir .Kung ano- ano nalang kasi ang pinapagawa sa akin ng ulol na ito pati na rin 'yung pagiging janitor. One – time kasi, natapon ko iyong cup of coffee kaya nagalit sa akin si Sir Kate sabi niya ako raw maglinis nu'n at ang punishment ay ako na rin ang maglilinis sa buong linggo. Gusto ko ng mag-quit nu'ng time na iyon pero hindi ko ginawa .Iniisip ko ang masasayang ko. Maganda ang kompanya nila, maganda rin magpasahod. Dapat nga sa mga Montinelli or sa Consejo nalang ako nagta-trabaho dahil mas malapit ako sa may – ari nu'n. But knowing them – bibigyan lang nila ako ng special treatment at ayaw ko noon, ayaw namin noon kaya katulad ko, sa iba nag-aapply sila Clare. Kahit si Achill hindi ako napilit na magtrabaho sa company nila. "I am not just in the mood." Sabi niya at nag-iwas na naman ng tingin sa akin .Parang may mali e, wala lang talaga siya sa mood? And then parang bigla nalang akong bumalik sa kuwarto ni Fabella. "I mean, kung si Achill may girlfriend na, dapat ikaw din! 'Wag ka magpapatalo!" I shooked my head. Anong connect naman nu'ng sinabi ni Fabella sa sitwasyon ko ngayon ha? "Carmie, listen, kung gusto mong mawala iyang nararamdaman mo – try to date someone. Ilang taon na rin simula nu'ng nagkaroon ka ng boyfriend." Napanganga nalang ako sa isa pang linya na naalala ko. Para bang sinasabi nito sa akin na si Sir Kate ang puwede kong i-date. Pero...that's impossible. Hindi naman ako ang babaeng type ni Sir Kate, ang huli niya ngang girlfriend e nanalo pa nga ng Miss Universe, malamang sa malamang ang tingin sa akin ni Sir Kate ay paa lang nu'ng Miss Universe niyang ex – girlfriend. Pero 'di ko sure kung ex – girlfriend niya nga. Sarap sapakin ng sarili ko – hindi ko nga alam baka may girlfriend iyan ngayon tapos nag-iisip ako na siya ang ide-date ko. Tanginang iyan. As if naman. "...Patusin mo na." Argh! Stop it. "Grabe, not in the mood lang talaga Sir? Edi hihilingin ko na sana wala ka nalang palagi sa mood." Sabi ko sa kanya. Suminghal lang siya bilang sagot pagkatapos ay may kinuha naman siyang folder at ini-scan iyon. Magta-trabaho na siguro siya ulit so ang ginawa ko ay tumayo na ako. "Alis na po ako, kung may –." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bastos talaga ang isang ito. "No, stay here." Sabi niya sa akin. Nginiwian ko na talaga siya. "Eh, anong gawin ko rito? Tumulala?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya .Dahan – dahan naman siyang nag-angat ng tingin sa akin. "You can work there." Tinuro niya ang table and sofa na nasa may bandang likuran ko. Napangiwi na naman ako pero tumango nalang din dahil hindi naman ako mananalo, boss ko pa rin siya kahit sinasagot – sagot ko siya. Kinuha ko lang iyong bag, laptop and iba pang mga kakailanganin ko at bumalik na ako sa opisina ni Sir. Tahimik lang ako, hindi na rin ako pinansin ni Sir nang makabalik ako kaya nagsimula nalang akong magtrabaho. Nang i-check ko ang phone ko ay maraming missed calls kay Achill – pero wala naman siyang iniwan na text. Usually kasi kapag hindi niya ako makontak ay palagi siyang nag-iiwan ng text message. May text message din akong natanggap galing kay Fabella, saying na , nakita niya na raw iyong girlfriend ni Achill, sinabi niya rin sa akin na ang pangit naman daw nu'ng babae. Mas maganda at mas lamang pa rin daw ako.Tss, alam ko naman na pinapagaan niya lang ang loob ko. Hanggang gabi kaya iyong iyak ko. Bago ako matulog ay gumamit ako ng cucumber para hindi mamaga ng sobra ang mga mata ko. Lumipas ang dalawang oras, natapos ko na rin ang trabaho ko, hindi ako naging komportable sa sofa magtrabaho pero kinaya ko at pinilit ko talagang maging komportable hindi ko pinakita na hindi ko kaya. DAHIL LAHAT KAYA KO! Except sa pagconfess ng feelings kay Achill. Hindi ko kaya. "Uhm, Ms. Alonzo – Can I ask you for a dinner?" nanlaki ang mata ko at dahan – dahan kong nilingon ang magaling kong boss. Mukhang tapos na rin siya sa trabaho niya. Thirty – minutes nalang kasi ay tapos na ang office hours. "Hala, Sir? Okay kalang?" I asked him.Nagulat ako ng bigla siya lumapit sa akin.Hinila niya ako papatayo sa sofa – napalunok naman ako dahil iyong mga mata niya – punong – puno ng desires at nagsimulang magsitaasan ang mga balahibo ko. "S-Sir." Hinapit niya nalang bigla ang beywang ko.Ang lakas din ng kabog ng dibdib ko, nagulat talaga ako – nanlalaki pa nga ang mga mata ko sa sobrang gulat. Sino ba namang hindi? "I don't know how but...I think, I'm starting to like you..." he said directly and huskily while looking at my eyes. Mas lalo akong napalunok. "S-Sir..." I am so speechless. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya.Jusko, napakabilis ng mga pangyayari, bakit ngayon... "I am confused for a f*****g month because of you. You made me fool and now, I knew that I like you. I really do." He said to me.Napamaang naman ako pero lalo akong nagulat nang bigla niya akong halikan. Hindi na ako nakapalag pero hindi rin ako gumaganti sa mga halik niya. Nang kumalas siya ay ngumiti siya sa akin na minsan ko lang makita sa kanya – or ngayon nga lang ata... "So...can you be my date tonight?" he asked me.Napalunok nalang ulit ako at parang tanga na tumango.Shit! Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat kong sabihin at gawin sa kanya.Nag-iisip pa ako... Tang*na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD