"Carmie, listen, kung gusto mong mawala iyang nararamdaman mo – try to date someone. Ilang taon na rin simula nu'ng nagkaroon ka ng boyfriend."
"Trust me, just do what I've said."
Patuloy na ume-echo sa akin ang mga sinabi ni Fabella. What if, eto talaga ang dapat kong gawin? Wala naman sigurong masama at saka tama rin naman siya.
Kailangan kong makipag-date sa iba dahil baka sa isa sa kanila ko mahanap ang tunay na pagmamahal na hinahangad ko or baka na'kay... Sir Kate iyon, pero still, imposible.
Nasa isang mamahaling restaurant kami, malamang afford niya ito kaya dito nga ako dinala.
Tahimik lang ako at iniisip pa rin ang biglaang pangyayari. Pati iyong kiss – hindi naman siya ang first kiss ko dahil nakuha na iyon ng lalaking hindi ko naman kilala nu'ng highschool ako, hindi ko na rin siya hinanap dahil magmumukha lang akong tanga. Hindi ko nalang siya binig-deal.
Pero... hindi pa rin talaga ako makapaniwala na hinalikan ako ni Sir – as in iyong boss kong ulol.
Ano kayang maging reaksyon ni Achill kapag kin-wento ko sa kanya ito?
Habang iniisip ko iyon ay parang nakikita ko ang galit na galit na mukha ni Achill, ayaw niya nga akong magtrabaho rito tapos malalaman niya na hinalikan ako ng boss ko.
What if gawin kong panakot kay Achill ‘yun? Hello? He doesn’t want me to have a boyfriend.
Baka hindi niya ituloy iyong kasal na imposible rin mangyari. At saka,
Bakit naman siya matatakot? Baka nga matuwa pa iyon eh kasi siya masaya na rin siya sa buhay niya. Masaya na siya sa Acelyn niya.
And hindi ako ganu’ng klaseng tao na maninira ng relasyon or kasal dahil lang sa pansariling kagustuhan ko. Ang kumplikado, tang’na.
"Hindi ako sanay sa sobrang katahimikan mo." Sabi niya sa akin.
Pinilit ko nalang ngumiti. Inaalala ko rin iyong pag-aalila niya sa akin tapos sasabihin niya na gusto niya ako.
Ano kayang nagustuhan niya sa akin? Parang gusto ko nalang tuloy isaksak sa noo niya itong hawak kong tinidor.
Carmie, kalma lang.
EH PAANO BA NAMAN KASI? MATAPOS NIYA AKONG PAHIRAP-PAHIRAPAN TAPOS SASABIHIN NIYA GUSTO NIYA AKO?! ANO SIYA?! HILO?!
Ganu’n ba talaga kapag gusto mo ang isang tao? Papahirapan na muna?
Lakas ng trip ni Sir Kate, Jusko.
"Sir, Joke lang naman iyong sinabi mo kanina 'diba?" paninigurado ko pa.
Sinamaan niya ako ng tingin.
"Mukha ba akong mahilig magbiro?" he said sarcastically.
Napangiwi nalang ako at nagsimula nalang kaming kumain.
Ano na ba ang dapat kong gawin?
Nasasaktan pa rin ako tuwing naalala ko si Achill at Acelyn, kung magkasama ba sila ngayon, ano ang ginagawa nila – naghahalikan na naman ba sila at lalo lang akong nasasaktan tuwing maiisip ko ito. Kailangan ko nga talagang mag-move on, tama si Fabella.
Simulan ko ito sa pakikipag-date sa iba – hindi naman sa naghahanap ako ng rebound pero parang ganu'n na nga. Jusko.
Dapat kasi may fallback!
Tangina Carmie, erase...erase...erase... pagiging makasarili naman iyong iniisip ko na maghanap ng rebound.
Ayaw kong maging rebound ang kahit na sino.
Ang sama – sama kong babae kung ganoon. Pero, ano namang mapapala ko kung Achilliance? Hindi niya rin naman ako mamahalin pabalik dahil nga...
I sighed.
Ang sama at assumera ko talagang tao. Wait, naguluhan ako, tao nga ba talaga ako? Charot!
Hindi naman naging kami ni Achill eh, ba’t ganu’n, ba’t sobrang sakit talaga.
Ganoon ko ba talaga kamahal ang unggoy na iyon?
Best of friends kami, yes, may linya na hindi dapat tinatawid ng magkaibigan.
Pero tangina naman niyan, kaya ko namang tumawid sa linya na 'yan kung nandu'n siya sa dulo at hinihintay ako.
Pero wala e, kahit na mahal na mahal ko siya kung hindi niya naman ako mahal...
Paano na? I sighed again.
"I want to know more about you, Carmie." Tiningnan ko siya.
Did he just call me Carmie? Ngayon niya lang ako tinawag sa first name ko. Hindi ko naitago ang gulat at amazement ko.
Naisip ko kasi dati na hindi niya ako matatawag sa first name ko, forever Ms. Alonzo nalang siya palagi sa akin.
"What? Don't you want me to call you with your first name, do you?" he asked.
Tangina! Hindi ako sanay na ganito si Sir. Nakatitig ako sa kanya at sobraaaaang, guwapo niya kahit na antipatiko. Pero mas guwapo pa rin si Achill,
Carmie, hey, enough na sa kakakumpara dahil alam mo sa sarili mo na mas lamang si Achill Montinelli kaysa kay Kate Armalana.
Hindi lang lamang sa looks, pati na rin sa puso mo Carmelia.
"Sorry Sir..." sabi ko nalang sa kanya.
"So...awkward ba?" he asked.
Natawa naman ako bigla.
"Really Sir? Malamang, awkward talaga – I wasn't expected this Sir, ang first impression ko nga saiyo ay forever masungit ka , walang nagmamahal saiyo , kulang ka sa aruga kaya ganiyan ugali mo, and now, bigla ka nalang naging ganiyan? Sobrang nagulat lang talaga ako, sobrang nakakaloka ka Sir."
Umi-irap – irap pa ako habang sinasabi iyon. Totoo naman kasi.
"I wasn't expected this too...I treated you like that because..." biglang siyang naging sobrang seryoso. "Because, I'm afraid that this would gonna happen, and it really happened." Dugtong niya.
Bigla ko naman siyang naintindihan. Maybe, ayaw niya lang ng attachment to someone, commitment or some love.
Baka nagmo-move on din siya or nadala na sa past relationship niya at iyon ay doon sa Miss Universe.
Pero hindi pa rin rason iyon para alilain ako! Tangina, isaksak ko na talaga sa kanya itong tinidor. Hindi ko alam kung pakitang-tao niya lang ito o totoo talaga na may gusto siya sa akin.
Pero kalma ulit, baka eto na iyong sinasabi ni Fabella – kailangan ko magmahal ng iba at ito na ang sign. Pero hindi ibig sabihin ay kay Sir ko ipapasa ang pagmamahal ko kay Achill.
"Paano Sir ㅡ"
"Wait, kanina ka pa Sir ng Sir, wala na tayo sa opisina, we're on a date, Carmielia." Sabi niya. "Don't be rude." Tumaas ang sulok ng bibig ko. Date? Kung ibang babae siguro sobrang saya na nila, ‘yung tipong nalalaglag na panty nila. Baka si Kate Blake Armalana itong nasa harap ko na pantasya rin ng lahat ng kababaihan.
Iyong iba nga – I mean halos lahat, talagang nag-aapply lang sa company dahil kay Sir Kate.
"Hah! Don't be rude pa nga, tinatawag ka na nga ng may paggalang." Sabi ko sa kanya.
Sinamaan niya naman kaagad ako ng tingin. "May gusto ka ba talaga sa akin o wala kasi... lagi mo nalang akong sinasamaan ng tingin, parang gusto niyo na akong kainin." Bigla siyang ngumisi.
"CHAROT." Alam ko kasi kung ano bigla ang pumasok sa isip niya kaya siya ngumisi.
"So, patuloy mo na iyong sasabihin mo." Sabi niya sa akin. He took a sipped on his iced tea.
"Uhm. So iyon na nga – paano kung sabihin ko na may mahal akong iba at nagmo-move – on palang ako ngayon?" tanong ko sa kanya. He raised his left eyebrow, pero ako lang ba ito o talagang bakas sa mukha ni Sir Kate na interesadong-interesado siya sa sinabi ko.
"Then, I could help you to move on." Nagulat naman talaga ako sa sinabi niya.
Tama ba ang pagkakarinig ko? Tutulungan niya akong magmove-on?
"Sir?" nagtataka kong tanong.
"Call me, Kate, okay? Isa pang Sir, hahalikan ulit kita." Sabi niya. Napalunok naman ako at alam ko na napansin niya iyon kaya napangisi siya. "Did I already told you that your lips are so soft?" sabi niya.
Lunok lang ako ng lunok.
Tangina, ang dami ko ng laway na nalulunok ngayong araw – mga isa o dalawang balde na.
"E pambabae iyong pangalan niyo e," reklamo ko sa kanya.
"Just call me Kate." Sabi niya.I rolled my eyes.
"Fine, Kate." I said. "But...Are you serious? Ano kasi... I'm always trying to move on but I can't..." dahan – dahan akong napayuko. He extended his arm and reached for my jaw, and he lifted it up.
Nakaramdam na naman kasi ako ng sobrang lungkot. Iyong parang napaka-hopeless ng pangarap mo. Kahit anong subok mong abutin hindi mo kaya at hinding – hindi mo kailanman makakaya.
"Actually, you can overcome that. Tanggalin mo iyang taong iyan sa mga priorities mo and pati na rin sa buhay mo." Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. "Hindi ka makaka-move on kapag palagi mo siyang nakakasama." Sabi niya sa akin.
"H-Hindi ko naman ata kaya iyon, best of friends kami." Sabi ko sa kanya. Dahan-dahan niya namang inalis ang kamay niya sa akin.
"Kapag ganu'n, hindi ka makaka-move on, alam niya ba na mahal mo siya?" tanong ni Sir Kate sa akin. Sobra – sobra talaga ang pagbabago ko sa kanya.
"No." Sabi ko sa kanya. Nag-init naman ang mga mata ko, pero pinigilan ko talaga ang luha ko. Pero dahil sa tanong niya ay may naalala ako. "'Diba totoo na gusto mo talaga ako?" tanong ko sa kanya. Napatango naman siya.
"I liked your personalities, I liked everything about you, Carmie. You are a strong - independent woman." Sagot niya sa akin. Napatango – tango naman ako.
"So, paano ka nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sa akin iyon?" I asked.
"What?" he asked, confused.
"I mean, duh, hindi mo ba inisip na baka ma-reject kita?" Napakunot naman ang noo niya at ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot. Nakikipagtitigan lang ako sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung tama pa ba na sinabi ko iyon sa kanya.
"Knew it." Sabi niya. "You are afraid of something that's why you aren't confessing your feelings towards him." Dugtong niya pa.
I sighed. Naramdaman niya siguro na parang gusto kong marinig ang opinion niya.
"Yes. Hindi mutual ang feelings namin and ayaw kong masira ang friendship namin." Sabi ko nalang sa kanya.
"How can you be so sure? When I met my first girlfriend, I thought that our feelings aren't mutual, so I doubt to tell her the truth, and baka iwasan niya ako, then, when I saw someone else courting her – doon ako mas natakot, ayaw kong mawala siya sa akin. So when I told her that I love her, sabi niya, mahal niya rin daw ako and he's just waiting for me." Sabi niya. Nagku-kuwento lang siya pero parang hindi na siya affected sa kuwento niya.
Move on na talaga siguro siya.
Teka nga...bakit parang sinasabi niya na magtake ako ng risk? Na umamin ako, diba gusto niya ako? Bakit parang pinapamigay niya na ako?
"So you want me to tell him the truth?" I asked.Umiling siya.
"It always depends on you..." he winked at me . Akala ko kilalang – kilala ko na si Kate Blake Armalana, hindi pa pala.
The dinner went well. Nagkuwentuhan pa kami ng kunti – hindi na siya ulit nagkuwento about sa sarili niya.
Ako rin naman more on opisina na ang pinag-uusapan namin tapos he suggested na siya na raw ang maghahatid sa akin. Tumanggi naman ako nu'ng una pero napapayag niya rin ako.
Matapos niya akong maihatid ay agad na akong nagpaalam sa kanya at nagpasalamat.
Bigla ko ulit naisip iyong nangyari ngayon – ngayon lang. Sana hindi niya talaga ako pinag-ti-trip-an pero parang hindi naman e, mukha naman siyang seryoso. At ngayon lang talaga siya sa akin naging mabait. Ibang – iba ang ugaling pinakita niya sa akin ngayong gabi. Pati na rin ang paraan ng pakikipag-usap niya sa akin.
My ghad! Iyong CEO ng A. Company may gusto sa akin! Hindi ba para akong nanaginip noon?
Mas mananaginip ata ako kung si Achill ang magkakagusto sa akin.
"Hoy." Napalingon ako sa nagsalita.
Hindi pa ako nakakapasok sa bahay ni Fabella, pinanood ko pa kasing umalis si Sir Kate, at ang tumawag lang naman sa akin ay walang iba kung hindi ang napakagaling kong bestfriend.
Naka-plain t-shirt lang siya and jeans. Tangina, anong ginagawa niyan dito? Bigla kong naisip na awayin siya. Why not 'diba, nag-aaway naman kami pero hindi iyon kasing seryoso ng gagawin ko ngayon.
Okay lang, na-realize ko rin na siguro nagte-take ako ng risk at dito ako magsisimula.
Kung matitiis niya ako edi ako ang makikipagbati, hindi ko kaya siya matitiis.Maglalagay nalang ako ng limit.
Tangina, inaalis ko na ang kaba ko ngayon.
Binago ko ang ekspresyon ko, dapat akong mag-itsurang galit para mas effective. Hindi naman talaga ako galit sa kanya, medyo naiinis at naguguluhan lang ako. Dahil na rin talaga sa thought na gusto niyang pakasalan ang Acelyn na iyon.
"What are you doing here?" walang emosyong tanong ko.
Naglalakad siya papalapit sa akin – galing siya sa loob ng bahay ni Fabella.
"I just wanna..."