Death By A Million Cuts 6 : Whies

2540 Words
CHAPTER 6 : Whies Carmie's Point of View   "I just wanna check you out, bakit ngayon ka lang?" He asked me.     Hindi na ako sumagot.   Nakatitig lang ako sa kanya at hinihintay ko na makalapit siya. Nang makalapit siya sa akin ay malakas ko siyang sinampal.   "f**k, what was that for?!" He hissed.   Ako naman ay nanatiling galit ang emosyong pinapakita ko. Nakakainis kasi talaga siya 'pag iniisip ko siya na wala siya sa harap ko.   Pero ang totoo, nawala na naman galit ko sa kan'ya ngayon na kaharap ko siya. Kailangan kong maging best actress, duh.   Galit - galitan.   I gritted my teeth. "Bakit ka ba nangingialam sa trabaho ko ha?! You even talked to my boss na i-fire ako?! What kind of friend are you if you aren't supporting me!" Sigaw ko sa harapan niya.   Siguro puwede na akong maging best actress ng taon dahil sa palabas na ito at papanindigan ko talaga ito.   Bahala na si Batman, pero mga ilang linggo lang dahil hindi ko na at kaya ang pang-habang – buhay na kaming mag-aaway.   Hinampas ko siya sa dibdib niya.   Sa totoo lang, nakakangawit din kausapin itong si Achill dahil required na tumingala. Matangkad talaga si Achill.     Nu'ng highschool kami, nasa basketball varsity siya, hindi pa kami masyadong close nu'ng nagsimula siyang maglaro ng basketball, hindi ko nga rin siya kilala e.   Hindi naman ako mahilig manood ng basketball. Priority ko lang noon ang pag-aaral ko, and then one day nag-krus ang landas namin ng putanginang iyan.   Away kaagad kaming dalawa noon – tapos sinumpa ko na kapag nagkita kami ulit papatayin ko na siya.   Well, nagkita naman kami ulit, pumunta siya sa bahay. Jusko, kasama niya noon si Misael at Fabella.   Sinusundo nila ako ...isasabay na raw nila ako papasok sa school. Pinakilala sa akin ni Misael si Achill bilang isa sa mga kaibigan niya and the rest is history.   Hindi naman siya nakasagot sa sinabi ko.    "Naiinis na ako saiyo, tangina mo! Ano bang problema mo ha? Bakit gusto mo akong mag-resign?" tanong ko sa kanya.   Isa rin iyan sa gustong malaman. Desidido talaga siya na umalis ako sa company na iyon.   Para sa anong dahilan? Talagang kinausap niya pa si Boss Kate na i-fire ako sa trabaho ko.   "Ayaw ko lang..." sabi niya. Napaselfish talaga ng gunggong na 'to. That's it? Ayaw niya lang?    "I already told you – kung gusto mo talaga iyang pagiging secretary mo, bakit hindi ka nalang maging secretary ko?" May inis na rin sa boses niya.   "Hindi lahat ng gusto mo ay mangyayari, Achill." Matigas na sabi ko sa kanya at diretso akong nakatingin sa mga mata niya.   Tangina s**t, ang guwapo talaga ng putangina na ito – habang nakatitig ako sa kanya ay hindi ko maiwasang ikumpara si Sir Kate kay Achill.     Oo, si Sir Kate talaga ang ikukumpara ko kay Achill hindi si Achill kay Sir Kate, at masasabi ko na talaga ngang lamang si Achill.   Lamang naman talaga siya sa kahit na kaninong naging boyfriend ko – kahit noon pa.   Hindi ko pa boyfriend si Sir Kate ha? Umamin lang naman siya sa akin, that's it. Hindi ko nga alam kung ano na ang sunod na mangyayari.   Kung paano niya na ako ta-tratuhin sa trabaho.   Pero, sana ganu'n pa rin, u-utos -utusan niya ako, but 'wag naman iyong napakahirap. Baka kasi i-baby niya rin ako – ayaw ko nu'n.   Kaya nga ayaw kong magtrabaho kina Misael at Achill.   "Come on, Carmielia – why are you so stubborn?" He poked my forehead.   Agad ko namang hinawi ang kamay niya sa noo ko.   "Achill, you know what, nakakainis ka na talaga. Dapat hindi mo na ako pinapakialam. Mag-aasawa ka na, papakasalan mo na si Acelyn...magbabago na ang lahat..." pahina ng pahina ang boses ko.   Napayuko pa nga ako dahil nakakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko at hindi ko na kayang tumingin ng diretso sa mga mata niya.   Nasasaktan lang ako lalo kapag naalala ko na papakasalan niya si Acelyn.   Kahit na pinaplano palang nila ito... alam ko na matutuloy.   "Hey, wala namang magbabago e." sabi niya sa akin. "I'm always here for you..." he added.   Nag-angat ulit ako ng tingin sa kanya. "Weh, wala ka naman palagi sa tabi ko." Sabi ko sa kanya.   Naalala ko lang iyong buong six months na wala siya at nalulungkot ako.   "What do you want me to do?" he asked.Bigla ko namang naalala iyong sinabi ni Sir Kate.   "Stay away from me..." I said spontaneously.   Kumunot ang noo niya at hinawakan ang braso ko, ako naman ay nag-iwas ng tingin. Alam ko na naguguluhan siya , hindi ko na rin alam kung ano ang sunod na isasagot ko sa sasabihin niya.   Bahala na talaga si Batman.   "What are you saying? Ano bang problema mo? Carmie, magpapakasal lang ako, wala namang magbabago. You're still min – I mean, my bestfriend." Sabi niya. Iyon na nga e, bestfriend lang ako palagi.   Inform ba siya na nasasaktan na naman ako?   "That's not the point. Basta. 'Wag mo na ako kausapin. Akala mo ba nagbibiro ako sa friendship over kanina? No, I'm not, at galit ako saiyo dahil sa ginawa mo. Tangina mo, 'wag mo kong pipigilan, hayaan mo na muna ako sa gusto ko." Sinuntok ko ulit siya at nilagpasan ko na siya.   Pumasok nalang ako sa loob ng bahay ni Fabella – na tinutuluyan.   Malamang nandito na rin si Fabella galing sa trabaho niya.   Bukas na ang ilaw at nakapasok na ang gago.   Pero ang totoo ang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon, kabang – kaba ako, sana naman maganda at magugustuhan ko ang outcome, imposible naman ata iyon pero gusto kong malaman.   May malaking parte sa akin na nagsisi at sabihin kay Achill ngayon na na joke lang pero pinigilan ko ang sarili ko.   Napapaisip 'din kasi ako , lagi nalang akong nagpapasensya, lagi nalang akong nasasaktan.   Siguro tama talaga si Boss Kate na kailangan ko siyang i-avoid para medyo magkaroon ng peace kahit ilang linggo lang. Wala namang masama kung susubukan 'diba?   Dati, lagi kong inaaway si Achill dahil naiinis talaga ako sa kanya, pero alam niya na hindi ko naman seseryosohin ang away na iyon kaya ang kapal – kapal talaga ng mukha niya.   Pero ngayon, ipapakita ko talaga na galit ako sa kanya kahit hindi naman. Susubukan ko lang talaga. Susubukan ko lang...   ANG PAG-IINARTE.   "Carmielia Pandak!"  sumunod pala sa akin ang walang hiya.   Hindi ko naman siya nilingon at nagdire-diretso lang sa loob. Hindi ko na rin sinara ang pinto, dire-diretso lang ako. Alam ko naman kasi na nakasunod siya sa akin.   Ang bibigat kaya ng mga yabag niya.   Nakasunod siya sa akin hanggang sa kuwarto kung saan ako natutulog.   Hindi naman kasi kami magkatabi ni Fabella sa pagtulog sa iisang kama.   Ang likot – likot niya kaya matulog, dati nga, nahulog pa ako sa kama  - nagkabukol pa ako sa ulo ko.   Pero okay lang naman, hindi naman ako sa kanya nagalit noon. Natatawa pa nga ako e.   "Sabihin mo nga, ano ba talagang problema mo ha?" sabi niya.   Inilapag ko ang bag ko at ang ibang gamit na dala ko. Nasa tabi ko na ulit siya, padabog ang bawat kilos ko.   Hindi ko siya sinagot kaya nagpatuloy siya.   "Carmie..." he called me, still, hindi ko siya pinapansin. "Carmie..." hinawakan niya ang braso ko pero mabilis ko iyong hinawi at nagdire-diretso ako sa restroom para magpalit ng damit.   "Carmie, magsalita ka naman." Rinig ko bago ko pa tuluyang masara ang pinto sa restroom. Alam ko na may warning na sa tono ng boses niya.   Naiinis na siya, edi mainis siya, bakit? Ako ba hindi naiinis ha? Saksakin ko siya e, charot.   Bakit ko naman sasaksakin itong guwapong ito e mahal na mahal ko ito? Pero ang sakit – sakit na.   Tama ba talaga itong ginagawa ko? Carmie, panindigan mo ito, please lang.   Habang nagbibihis ako ay tumutulo ang luha ko.   Ewan, parang wala talagang kapaguran. Nag-iisip ako ng mga plano ko ngayon.   Ano ba talaga ang dapat kong gawin? Tanggapin ko nalang ba ang pagkatalo ko? O aminin ko nalang sa kanya ang nararamdaman ko na ito?   Sa tingin ko kasi, magiging kumplikado ang lahat once na malaman niya.   Blank lang ang ekspresyon ko hanggang sa makatapos akong magbihis at hindi pinahalatang umiiyak ako.   Naabutan ko siya na naka-upo sa may study area ko at ginagamit ang laptop ko.   May sine-search siya, nakatalikod siya sa akin at ang laptop ko ang nakaharap sa akin kaya nakikita ko kung ano ang ginagawa niya gamit iyon.   "Bakit nandito ka pa?" I asked, sarcastically.   Napatingin ako sa orasan at nagulat nang makita kong alas – onse na pala at maghahatinggabi na.   Nang bumaling ulit ako sa kanya ay nakatingin na siya sa akin.   Umupo naman ako sa gilid ng kama ko at kinuha nalang ang cellphone ko, nakakita ako ng mga text messages kay Sir Kate.   From : Sir Kate A. Sinabi ko na ba saiyo na maganda ka?   20 minutes ago.   From : Sir Kate A.   Good night, sweet dreams.   15 minutes ago.   Tangina, buti nalang hindi nakita ni Achill ito dahil nakasilent at naka-off ang notifications ng messages ko. Buti nalang talaga.   Dahil kung nakita niya ito, magagalit siya – kilalang-kilala ko na si Achill.   Ilang beses na rin niya akong nabubulyawan every time na may makikita siyang sweet text ng mga lalaki sa cellphone ko.     Para na siyang boyfriend ko – sana nga.   Pero duh, malamang nagiging overprotective lang siya sa akin dahil bestfriend at kapatid lang ang tingin niya sa akin.   Bestfriend zone na nga, kapatid zone pa.   Ang s4kl@p.   "Hey, Pandak, what the hell is wrong with you?" he asked me.   Hindi pa rin ako nag-aangat ng tingin.   "Umalis ka na Achill." Sagot ko sa kanya. "Ayaw na muna kitang makita...sana naman pagbigyan mo ako." Sabi ko pa.   Pinipilit ko na 'wag tumulo ang luha. Nagreply nalang ako kay Sir Kate.   "Why are you acting like that? Ayaw kong sinasabi mo sa akin iyan Carmie. So please lang sabihin mo sa akin kung anong problema mo, tungkol ba ito sa kasal?" he asked. Umiling ako.   "No,it isn't. Masayang – masaya nga ako para sa iyo e." hindi ko makita ang reaksyon niya.Basta narinig ko ang buntong – hininga niya.   "Hindi raw, simula nu'ng sinabi ko na ikakasal ako, nagka-gan'yan kana." sabi nito.   "Achilliance! Hindi nga about sa kasal ito!"   "B*bo mo." sabi ni Achill, aba't, ako pa ang bobo ngayon?   "Mas b*bo ka!" Balik ko. "Mag-aasawa ka na tapos dikit ka pa rin ng dikit saken! Kingina mo! Mamatay ka na!" inis na sabi ko pa sa kan'ya.   Nakakapikon lang talaga.   "Hindi raw about sa kasal pero lagi mong sinasabi ang tungkol sa pag-aasawa ko. Tang*na mo, Carmielia, sasabihin mo lang na nagseselos ka dami mo pang sinasabi." napataas ang kaliwang kilay ko. Paano?   Pahina ng pahina ang boses niya kaya di ko masyadong naintindihan 'yung last part.   "Anong sabi mo?" I furrowed.   "Wala, b*bo ka." sinamaan niya ako ng tingin, 'di naman ako nagpatalo, sinamaan ko rin siya ng tingin.   Tangina neto.     "Si Acelyn nalang ang asikasuhin mo, umuwi ka na." Sabi ko nalang.   Napatayo naman siya, akala ko aalis na talaga siya pero tumabi siya sa akin at mabilis niya akong niyakap ng mahigpit ng patagilid.   "Pinapamigay mo na ba ako?" he whispered into my ears.   "'Diba bobo ako? Ba't ka lumalapit, ba't ka yumayakap? Doon ka, doon!" tinataboy ko siya pero mas malakas pa rin siya sa akin kaya hindi nabago ang posiyon namin.     Actually, gusto ko na talagang humagulhol ng malakas.   Paano ba naman kasi, gusto ko ng sabihin lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Pero hindi ko pa rin talaga magawa...   "Carmie naman eh, pinamimigay mo na talaga ako?"   "Hindi. Bakit mo sa akin tinatanong iyan e ikaw nga, binigay mo na iyang sarili mo kay Acelyn." Sabi ko sa kanya. "Bakit ka ba nagagalit talaga sa'kin?"   "Bakit mo rin ba gustong mawala ang trabaho ko?"   "Bakit ka kasi nagresign sa dati mong trabaho?"   "Bakit kasi ang tagal – tagal mong umuwi? Bakit hindi ka man lang nagparamdam ng ilang buwan?"   "Bakit ba ang kulit mo? 'Diba sabi ko saiyo magiging busy ako roon?" kinuha niya ang hawak kong cellphone at tinabi.   Ako naman ay nagsimula ng tumulo ang luha at yumakap na rin ako sa kanya.   Umiiyak na ako sa balikat niya, nang mahina.Marupok talaga ako e.   "Bakit ba ang sinungaling mo? Kung busy ka ro'n hindi ka makakahanap ng Acelyn na papakasalan mo."   "Bakit ka ba umiiyak? Ano ba talagang problema mo? Naiinis na ako pa-ulit – ulit na ang tanong ko." He started to caress my back.   Humigpit lang ang yakap ko sa kanya.Inangat ko pa talaga ang paa ko at ipinalupot iyon sa beywang niya habang umiiyak.   Lumalakas na rin ang mga hagulhol ko.   "Bakit ba kada tanong ko, may tanong ka 'din p-paano masasagot?" I sobbed.   Parang tanga na ako pero wala na akong pakialam.   Gusto ko rin na yakapin siya ng mahigpit.   Nakapatong ang baba ko sa balikat niya.   "Fine, mag-usap nga tayo. Dapat lahat ng tanong na iyan, masagot and tumigil ka na sa pag-iyak mo. Bakit ka ba umiiyak?"   "Wala kang pakialam kung umiiyak ako! Hayaan mo ako!" sigaw ko. Napamura naman siya.   "Hindi kailangang sumigaw, okay?" sabi niya.    "Bakit ka ba talaga nagkakaganiyan? Nag-aalala ako." He sighed.   "Eh kasi, na-miss kita. Dala lang ito ng tampo ko saiyo dahil hindi ka man lang nagparamdam ng ilang buwan." Sagot ko sa kanya, which is half-truth.   Ngayong tumutulo ang luha ko, naiimagine ko na nasa altar si Acelyn at Achill, nagpapalitan ng vows at nangangakong magsasama habang buhay kaya lalong tinutusok ang puso ko.   Imagination palang iyon nasasaktan na ako, paano pa kaya kung actual na? Malamang invited ako sa mangyayaring kasal   "Hindi kita tinawagan kasi  busy talaga ako sa trabaho ko, kahit na gusto ko." He said to me.   "Eh paano si Acelyn? Busy pala ha."   "Matagal ko na siyang kilala..." kumunot ang noo ko at natigil ang pagluha ko.   Napakalas ako sa pagkakayakap sa kanya at napatingin ng diretso sa kanya.   Nang gawin ko iyon ay mabilis niyang pinunasan ang luha sa mga pisngi ko. Hinayaan ko lang siya.   "W-What d-do you mean?" I asked. "'Diba sabi mo sa akin nagkakilala kayo months ago sa tapat nu'ng Notre Dame?"  Bigla siyang napaiwas ng tingin.   "Hoy!" mukhang wala siyang balak magpaliwanag ha.   "'Diba pinapaalis mo na ako?" seryosong sabi nito.   Umalis naman ako sa posisyon ko na iyon sa kanya at tumayo nalang.   He stood up too at kinuha lang ang cellphone niya bago siya umalis ng kuwarto.   Napahilamos naman ako, what just happened? Bakit ang gulo – gulo? Naguguluhan na ako.   Sabi nilang dalawa kasi sa tapat sila ng simbahan unang nagkita.   So anong meaning ng matagal na silang magkakilalang dalawa?   May tinatago ba siya sa akin?   Huhu, nakakainis.   Parang tuloy mali iyong ginawa ko.   Tingnan mo, hindi ko rin napanindigan iyong galit-galitan mode ko.   Ang tanga – tanga ko talaga to the highest level. Bakit ba ako ganito, bakit ang rupok – rupok ko.   Tapos bigla nalang akong napatingin sa laptop, naka-open kasi siya, at nalaglag naman ang panga ko.   "How would I propose to my girlfriend."   Iyan ang laman ng search box niya. Again... Ang sakit. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD