CHAPTER 7 : It's nice to talk to you, dumbass
Achilliance's Point of View
"Opps,"
Natigilan ako nang marinig ko ang boses niya. Nilingon ko siya.
"What are you doing here?" May pang-aasar na mababakas sa mukha niya.
"What do you care?" I asked her.
"This is my house. Ask me again, then." She smirked.
"What do you care?" I just did what she said.
She cursed. "Gago ka, Achill." Marahan niya pa akong sinuntok sa braso ko. Wala naman talaga akong pakialam kung bahay niya ito.
"Tagal na." ako naman ang umismid.
"So care to tell me what the hell is happening?" she asked.
"What do you care?" Nararamdaman ko na malapit na siyang mainis.
"Nagtatanong ako ng maayos." She said.
"I know." sagot ko nalang.
Pinanliitan niya pa ako ng mata. "Alam mo naman pala ba't 'di mo ko sinasagot ng maayos?"
"What do you care if I don't?" I raised my brow. Nakita ko na napakuyom siya ng kamao niya, halatang inis na inis na siya sa'kin.
Sino ba namang hindi maiinis? haha.
"Tangina mo, Achill, ang sarap mo kausap!" she hissed. Mabilis niya naman akong hinila palabas ng bahay niya. I just came here for Carmie.
Sinabi sa'kin ni Cassie na nandito raw si Carmielia. "Mas masarap si Carmie." pahabol ko kaya natigilan siya, naramdaman ko paninigas ng likod niya.
Pinanlakihan niya ako ng mata sabay pinaghahampas, hinayaan ko lang siya, masakit pero mas masakit si bumanat si Pandak.
"Anong mas masarap si Carmie? OMG?!" She exclaimed.
Gulat na gulat ah.
"Don't tell me, nag-ano na kayo?!" nanlalaki pa rin ang mga mata niya.
Napataas naman ako ng kaliwang kilay. "Anong nag-ano?" kunwari ay pa-inosente ako but I actually know what she's talking about.
"'Yung ano?" She asked.
"Anong, ano nga ang tinutukoy mo Fabella?"
"Yung ano nga!, Nag-ano, yung ano."
"Tangina, anong ano nga." Tanong ko.
"Ano, yung ano, alam mo na 'yun." sabi niya. Napahalakhak ako.
"'Di ko nga alam eh, kung alam ko edi sana 'di na ako nagtatanong 'diba?" Natatawang sabi ko sa kan'ya.
"Fine, bakit mo sinasabing mas masarap si Carmie? You mean, nag-s*x na kayo?" She asked. Lalo akong natawa.
"Oo..." Sagot ko. Napatakip siya ng bibig niya. Gulat na gulat talaga siya sa sagot ko.
"Tang-"
"...sa panaginip ko." I winked at her.
"...ina mo." hinampas niya ako sa dibdib ko.
Ako naman ay natatawa. Magkaibigan kami ni Fabella, pero hindi kami katulad namin ni Carmie ang closeness namin ni Fab.
She's my friend because she's the cousin of Carmie and Sael.
"Pero seryoso na nga, Achill." sabi niya.
Napatikhim ako. "What is it?" Seryoso ng tanong ko.
"Tell me the truth." sabi niya. "Seryoso ka ba talaga kay Acelyn? Siya ba talaga papakasalan mo?" she asked.
Napabuntong-hininga naman ako...
"I need to go." sabi ko sa kan'ya. "Let's talk about this next time." sabi ko sa kanya at saka tuluyan na siyang iniwan doon. Buti nalang hindi niya ako pinigilan.
I drove myself home. Nakita ko kaagad ang nag-iisa kong kapatid sa kusina na lumalamon.
"Cake again..." sabi ko sa kanya. My sister really loves sweets. Kahit nu'ng mga bata kami, ang lagi kong suhol sa kan'ya ay sweet foods like cake.
"Yeah yeah." sabi niya sa'kin na hindi man lang nag-aangat ng tingin sa'kin.
"How's your day?" I asked her. Tumabi ako sa kanya na nakaupo sa may bar island.
"Nakakaputang*na Kuya Boss." sabi niya sa'kin. "Paano ba naman, may epal na muntik na akong mapatay. Tangina, 'pag nakita ko ulit ang pagmumukha niya mapapatay ko siya!" gigil na gigil na sabi niya.
Mahigpit na rin ang hawak niya sa kutsara na hawak niya dahil sa panggigigil.
"Baka siya na mapapangasawa mo." Biro ko pa. Which is hindi naman talaga nakakatuwa para saakin. Ayaw ko pa siya mag-asawa.
"Mapapangasawa your face. Saka mo na ako sabihan niyan 'pag kinasal na kayo ni Carms." sabi niya sakin.
I snorted. "Ikaw may pakana nito Fe, ikaw sisisihin ko kapag lumayo na sa'kin si Carmie." sabi ko sa kan'ya.
"Carmie is acting weird. She wants me to stay away from her, dapat ba akong matuwa?" I added. Doon niya na ako tiningnan.
At saka ngumisi.
"Maybe she's jealous." sabi niya. "Yes, dapat kang matuwa." Sabi nito.
"Seryoso ka?" I asked him. Nalulungkot ako dahil nagkaka-ganoon si Carmie. Nu'ng una, gusto niya pa mag-friendship over kami na hindi ko naman hahayaan na mangyari.
Hindi ako ganu'n kat*nga.
Naiinis lang talaga ako sa kan'ya dahil. PUT*NG*NA LANG, sa dinami-rami ng kompanya na puwede niya pang apply-an, bakit sa A. Company pa?
I knew Kate, he's one of my friends when I'm in schooldays.
Lalo niya akong iniinis kaya sa lalong madaling panahon. Gusto kong magresign si Carmie sa kan'ya.
"Yes, babae ako. Trust me." sabi ko. The corner of my lips quirks.
"Bakit, sinabi ko bang lalaki ka? Matulog ka na nga." Ginulo ko pa ang buhok niya. "Hinay-hinay sa sweets." Dugtong ko bago ko siya iniwan doon.
I looked at my phone and I just received a message from Acelyn.
From : Ace
I've already talked to Liam. He said YES..
2 minutes ago.
Napabuntong-hininga naman ako. I replied.
To : Ace
Good to hear that.
I took a shower before going to bed.
THE next day, nagising ako ng maaga at agad na hinatid si Fe sa pupuntahan niya. Nagpahatid kasi siya sa akin, hindi ko na siya tinanong kung ano ang gagawin niya at kung sino ang kikitain niya.
Knowing her, wala siyang balak na mag-asawa. Gusto niya nga pumasok sa seminaryo noon pero pinigilan lang talaga siya nila Mama.
Nag-confess din siya sa akin na ayaw niya sa mga lalaki. Maliban sa'kin. The best KUYA kaya ako para sa kan'ya kahit na asar talo siya sakin haha.
Papunta na ako sa opisina ko nang bigla akong nakatanggap ng tawag galing kay Xander. "Achill, kingina mo."
"Good morning too." sagot ko sa kan'ya. Gandang bungad naman eh.
"Ano itong nalalaman ko na ikakasal ka na?" Tanong niya sa'kin.
Natawa naman ako. Kumakalat na nga.
"Ikakasal na nga ako." Natatawang sagot ko sa kan'ya.
"Ba't ka natatawa?" May inis sa boses niya.
"Kasi masaya? Ikakasal na nga ako."
"Tang*na mo." He cursed.
Haha. "Bakit? Hindi mo ba matanggap na hindi lang ikaw ang ikakasal ngayong taon? Epal ka." sabi ko pa sa kan'ya.
"It doesn't matter kung pareho tayo ikinasal ngayong taon! Hindi ako immature na tulad mo, tangina ka, ang gulo mo parang bulbol." sabi nito sabay baba ng telepono. I sighed.
Nang makarating ako sa opisina ay agad 'kong sinimulan ang trabaho ko. Nagbabalak akong puntahan si Carmie mamaya after this. Hindi talaga ako masyadong nakakampante na araw-araw niyang nakakasama si Kate.
King*na.
"Kalma..."
Napalingon ako nang may magsalita, nakita kong pumasok si Sael sa loob ng opisina ko. Naiwan ko pala itong hindi naka-lock kaya nakapasok ang gago.
"'Di ka ba marunong kumatok?" I furrowed.
Umupo siya sa may visitor's chair na nasa harap ng table ko. "Marunong naman..." sabi niya. Base sa itsura niya parang ang ganda-ganda ng mood niya.
Puta, sarap sirain.
"Oh, ba't 'di ka kumatok?"
"'Di na nga lang uso sa akin. At saka hindi naman naka-lock ang pinto kaya pumasok na ako." sabi niya. "Bakit, bawal ba?" Dugtong niya at tumingin siya ng diretso sa mukha ko nang may ismid.
I just snorted. "Ano bang ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kan'ya.
"Sino si Acelyn?"
I silently sighed. Kapag talaga hindi naging tama ang resulta nito, sasabunutan ko ang kapatid ko.
"She's..." I said, clearing my throat. "...my future wife." I added. Tinaasan niya naman ako ng kaliwang kilay at tinitigan niya ako ng ilang segundo hanggang sa tumawa siya ng malakas.
"Puta pre! Ang gandang joke haha, nakakatawa. Funny mo naman." sabi nito. Bigla siyang naging sarkastiko. Nagbago bigla ang mood niya. So, nasira ko na ba?
"Do I look like I'm kidding?" Nakakunot na noong tanong ko sa kan'ya.
"Oo, Achill." 'yung tawa niya sa bibig niya'y biglang naglaho. Napalitan ito ng galit na expression. He gritted his teeth.
"Sabihin mong, Oo, Achill, Oo, nagbibiro kalang. I'm gonna put some bullet in your head once you pursue the marriage between you and Acelyn Hernandez," he said angrily.
Lalong kumunot ang noo ko.. "Don't you want me to become happy?"
"Stop fooling around, you dumbass." Tumayo siya sa kinauupuan niya, ang sama ng tingin niya sa'kin. I knew Sael, alam ko kung galit talaga siya o hindi,
In this case, galit talaga ang mababakas sa mukha niya.
"What do you want me to do?" I asked him.
"Tinatanong pa ba 'yan? f**k you. Gusto mo talagang mamatay?" he asked.
"I'm asking you what do you want me to do?" I repeated my question.
"I just want you to stop that f*****g marriage! Kapag umiyak si Carmie diyan sa KATARANTADUHAN mo, I swear, itatapon ko 'yung dekadang pagsasamahan nating magkaibigan!" Nanggigil na sabi nito at tuluyan ng lumabas sa opisina ko.
Ako naman ay napahawak sa sentido ko.
Ba't nga ba ako napasok sa ganitong sitwasyon?
As I expected, nasira ko na naman mood niya. Or dating sira na talaga, tss.
Napatingin ako sa cellphone ko ng mag-beep ito. Galing kay Acelyn, magkita raw kami sa restaurant na malapit sa office ko mamayang 2 o'clock ng hapon.
Napatango nalang ako at nag-reply ng 'sige.'
ㅡㅡㅡㅡㅡ
Kate Blake's Point of View
"Where are you goin'?"
Keith asked me. "You don't actually care." I smirked at him nilagpasan ko na siya at tuluyan siyang iniwan. Ayaw kong sabihin sa kan'ya kung saan ako pupunta dahil sa totoo lang, baka masapak niya ako kapag nalaman niya kung saan at kanino ako pupunta.
I just want to check her out.
"Hi," nakangiting sabi ko nang pagbuksan niya ako ng gate. Ngumiti rin siya sa akin, ang ganda niya talaga. Walang kupas.
"Hehe, what's up?" She smiled at me so sweetly that really made my heart melt.
"Nothing's up, how are you?" I asked. Nagkatawanan kami at pinapasok niya ako sa bahay niya. Umakbay naman ako sa kan'ya.
"I love you." I said, full of emotions. I just love her. I'm really really in love with her.
"I love you too, but we can't be together."
And that's really painful...
ㅡㅡㅡㅡ
Carmie's Point of View
"Ewan ko saiyo." sabi ko sa kapatid ko. Nakita ko siyang pagala-gala kanina sa may café na malapit sa office.
Kahapon lang nag-confess sa akin si Sir Kate Blake Armalana, at fresh pa rin sa akin ang lahat na gusto niya talaga ako. Ewan ko, feeling ko pinag-ti-trip-an niya ako pero mukhang seryoso naman siya.
Pero malay ko rin kasi 'diba, na sanay siya na maging seryoso kasi nasanay siya sa ganu'n, as a businessman.
"Ate, I'm just hungry and craving for something..." Napayuko siya. "...for something I don't know, basta nagugutom ako." sagot ni Cassie sakin.
Napakunot ang noo ko. I poked his temple. "Hoy! Cassie, buntis ka ba ha?" tanong ko sa kan'ya. Namula siya na parang kamatis sa sobrang gulat.
"Hoy, anong buntis pinagsasabi mo, nasa akin pa rin itong virginity ko 'no. Ikaw ha, mema, nagugutom lang ako buntis agad?" She rolled her eyes. Napakalma naman ako sa sinabi niya.
"Basta, magtrabaho ka na muna, mag-ipon ka, maging responsable bago magpabuntis." sabi ko.
"Ay nagsalita..." Umirap na naman siya sa akin. I pulled her hair.
"Umalis ka na nga sa paningin ko, nanggigil ako." Sabi ko sa kan'ya, tumawa muna siya bago niya ako iwanan at pumasok sa café.
Kagagaling ko lang sa loob at nasalubong ko siya. I bought a cup of coffee for my Boss. Ayun, medyo nabawasan trabaho ko.
But I already told him na ayaw kong binebaby and he agreed. Thank God, madali siyang kausap hindi katulad ng mga naging kakilala ko.
Bumalik na ako sa building. Nasalubong ko naman si Jessa nang may ngiti sa labi. "Hi, sabay ka maglunch mamaya?" She asked. Napatango naman ako.
"Yes, susubukan kong humabol." sabi ko nalang. Nagpaalam naman kami sa isa't isa. Ako naman ay pumunta sa boss ko at ibinigay ang kape niya.
Tahimik lang siya , nang tingnan ko siya, seryosong-seryoso siya na nakatutok sa computer niya. As usual. Ipinagkibit-balikat ko nalang at ginawa na rin ang trabaho ko.
Napansin ko na mag-ring ang cellphone ko at nagflash sa screen ang pangalan ni Achill.
Napangiwi ako at gusto ko nalang maluha. Tangina, ayan na naman 'yung sakit. Paano ba kasi mawala itong sakit sa dibdib na ito?
I tap the answer button pero biglang namatay ang tawag kaya bahala siya sa buhay niya.
Kapag hindi na siya tumawag ulit, it means baka na-wrong call lang siya.
Wrong call niya mukha niya.
Ayaw ko muna talaga siyang makita. Dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko sa hayop na iyon.
Triggered na triggered ako ha, parang nag-cheat siya sa'kin. Bakit naman siya magche-cheat? May kami ba?
WALA.
Walang kami kaya wala talagang rason para magselos at mag-inarte ako. Pero mapipigilan mo ba ako na maramdaman 'yun?
HINDI.
Kahit ayaw kong maramdaman ito, wala akong magagawa. Ayaw ko talaga, sino ba namang gugustuhin na makaramdam ng PAIN?
WALA.
Habang ginagawa ang trabaho ko ay hindi ko maiwasang sumulyap kay Sir Kate, paano ba naman kasi? Parang may malaki siyang problema, actually, it's already 10 o'clock at halos kararating niya lang.
Hindi niya ako binati ng good morning. Baka galit siya, saken kaya?
Ewan, wala naman akong naalalang cause ng ikagagalit niya. Teka nga?!
Assumerang frog talaga ako. Bakit ako nag-a-assume na magiging ganu'n ka-sweet sa akin si Sir? Eh 'yun nga 'yung iniiwasan ko. Jusko, napakalandi ko.
Nakakainis ka naman Carmielia. Sarap mong tadyakan. Dapat, hayaan ko lang si Sir Kate, if gusto niya talaga ako. Mapapansin ko naman 'yan, kung hindi, edi hatdog.
Ang akin lang, 'wag ka mag-assume na gusto ka talaga niya. Na may pagtingin siya saiyo, dahil baka pinagti-trip-an ka lang niya.
Kalma.
'Wag 100% assumera ha.
Tsaka may problema na ako kay Achill bakit dumagdag pa siya. Okay lang 'yan, laban lang.
Pagdating ng lunch ay nagpaalam ako na magpe-prepare ng lunch ni Sir but he refused na magprepare ako. "Let's go out." sabi niya sa'kin. Ako naman ay nagtaka.
Anong let's go out?
"Sir?"
"I wanna be with you this afternoon." Napataas ang sulok ng labi ko at hindi makapaniwalang nakatingin sa kan'ya.
Kasi naman eh!
"Really? Seryosong-seryoso talaga kayo, kahapon?"
"Bakit ka ba paulit-ulit? Naka-unli ka. Yes, I'm serious! Really serious!"
My jaw dropped.
Nakakainis! Paano ba naman kasi, gusto ko sabihin niya na hindi kahit kalahati na sa akin ang naniniwala na seryoso talaga siya.
Gusto ko lang na hindi talaga totoo yun eh! Ewan ko ba! Siya na nga lumalapit sa akin parang tinatanggihan ko pa.
Siguro tama si Fab, patulan ko na si Sir Kate, pero... Argh! Andaming reasons ang pumapasok sa utak ko, sasabog na. Tapos bigla ko pang naalala ang dalawang magpapakasal daw.
Kainis. Balita ko kay Fe, magpa-public announcement na raw sila about sa kasal nilang dalawa. Kingina, tang-ina lang, ang sakit talaga and really? I want to get rid of this fvcking pain.
"Uhh, okay. Let's go, Sir." Nakangiting sabi ko. Ngumiti naman siya sa akin. At ngayon ko lang nakita ang ngiti niya, I mean yung parang tunay talagang ngiti. My heart stopped beating for a while.
ㅡㅡㅡㅡ
Cassie Mitch's Point of View
"Buntis daw ako? Hahahaha, buntis niya mukha niya." Natatawang sabi ko, nagu-gutom lang ako kanina kaya nagpaalam ako kay Clare na kakain na muna ako.
Kasama ko si Clare, nagpunta kami sa building malapit sa building nila KB Armalana. Hindi dahil sa mag-aapply kami ulit ng trabaho. Pinapapunta kasi kami nu'ng bagong kaibigan ni Clare doon kaso...
I shrugged, nagugutom ako, tsaka sinadya ko talaga na iwan sila du'n kasi hindi ko nagustuhan 'yung sinabi nu'ng kaibigan daw ni Clare.
Ano nga ba ulit pangalan nu'n? Theresa ata.
Oo, Theresa pangalan and she said na kababata raw ni James. Yes, James as in my boyfriend.
Si James ang boyfriend ko pero malaki ang pagdududa ko na hindi niya talaga ako mahal kahit na niligawan niya ako. Hindi naman ako ganu'n ka-gullible katulad ni Ate Carmie.
But still, alam ko na napapamahal na ako sa kan'ya. Hindi ko naman mapipigilan 'yun, malamang sa malamang. Sabi ko nu'ng una, sasakayan ko lang trip niya pero bakit ako napo-fall?
Actually, pinatulan ko lang talaga siya dahil jowang-jowa ako nu'ng time na 'yun. Gusto ko rin maranasan 'yung mahalin talaga ako ng totoo. Hindi ko kasi naranasan 'yun sa mga exes ko eh.
Naku.
Pero dapat siguro naghintay pa ako.
Ewan ko, bahala na si Batman. I'm just gonna go with the flow para masaya 'diba.
After kong lumamon ay bumalik ako sa lugar kung saan ko iniwan si Clare at 'yung kaibigan niya na si Theresa.
Kaibigan daw. Natatawa ako, feeling ko pina-plastic lang ni Clare 'yun.
Si Clare pa. Kailan pa may tumagal na kaibigan sa kan'ya.
Ako lang talaga tinuturing niyan na kaibigan s***h kapatid. Ako rin naman sa kan'ya, gan'yan kami ka-close. Close din kami kay Ate Carmie pero mas close talaga kaming dalawa sa isa't isa.
Minsan, siguro college si Ate nu'n. Iniyakan kami niyan ni Ate Carmie, bakit daw hindi raw namin siya pinapansin. Umamin siya na naiinggit siya sa amin. We just told her na we love her tsaka hindi kami masyadong nagkakasama kasi college na siya, highschool palang kami ni Clare.
Pero mahal talaga namin si Ate Carmie kahit may pagka-abnoy siya at pagkatanga sa pagmamahal. Matagal ko na ring alam na mahal niya si Achill. Haha, masyado lang duwag si Carmie, ganu'n din si Achill.
Naturingan pang lalaki, duwag.
Gusto ko kayang sapakin 'yan, promise, gusto ko siyang realtalk-in noon palang pero tama kasi si Ate Fab na hayaan lang namin sila. Dapat sila mismo ang makatuklas ng pagmamahalan kuno nila.
Ang korni at medyo cringe talaga huhu. Ba't ko ito iniisip.
Full support naman kasi ako kung sila magpapakasal kaso may epal. Dakilang epal si Acelyn.
Nawi-wirdohan din ako sa babaeng 'yun. Para kasing may mali eh, parang 'yung salita at mukha niya ay hindi talaga mapagkakatiwalaan.
"Oh andito na pala si Gaga." Natanawan ko ang bunso at pangit kong kapatid pagdating ko ng building. Nasa lobby na siya at hindi niya na kasama si Theresa the pakialamera.
Haha.
Pakialamera si gunggang.
Kaya ako umalis eh, nangi-ngialam siya, manong sabihin niya nalang na may gusto siya sa boyfriend ko, hindi 'yung andaming dada.
Sabihan ba naman ako na dapat ko siyang hiwalayan kasi niloloko lang daw ako ni James na alam ko naman for the first place dahil naglolokohan lang talaga kaming dalawa pero tangina naman haha. Hindi niya dapat ako diktahan na hiwalayan ko si James.
Buhay niya? Buhay niya?
Mind your own business kasi 'yun. Pakialamerang gunggang
Buti nalang nakapagpigil din ako kanina na 'wag siyang patulan kingina. Kalbo sa'kin ang babaeng 'yun.
"Hindi mo naman kailangang isama ako rito," hinila ko ang buhok niya sa inis.
"Ouch?!" Pinanlakihan niya ako ng mata. "Eh gusto ko eh." Irap niya.
"Bakit, may gusto ka rin ba sa jowa ko?" Tinaasan ko siya ng kaliwang kilay. Kasi sa totoo lang, ako kaagad topic nila pagdating namin, para ngang na-hotseat ako eh. Q and A ang peg nila sa'ken kanina.
"Excuse me? Padaanin mo ko, anong gusto sa jowa ang pinagsasabi mo diyan? Baka gusto mo ng mamatay? Bakod 'yun! 'Wag kang imbento!" She hissed.
"Oh, ba't triggered ka?" Inirapan niya lang ako at hindi sinagot tanong ko.
"Tara na nga, aswang!" Sabi niya tapos nauna na siyang naglakad sa'kin. Okay, thank God, pauwi na kami.