Kabanata 8:

1301 Words
TRES' POV: MASAYANG tugtugin ng musikero ang siyang bumuhay isang umaga sa baryo ng Buenvista dahilan para mabuhayan ang pista sa aming nayon. Nakakamangha lang dahil ang daming dayuhan na gusting makisalamuha sa pista n gaming bayan at ngayon nga ay kasama ko si Inches habang nakikipag-siksikan kami sa dagat ng tao na nanunuod sa mga musikero kasama ang naggagandahang dilag na may hawak na baston. “Inches, tara don!” Tinuro ko ang isang kumpulan ng mga bata at nakilala ko sina Mary kaya lumapit kami sa kanila. “Hindi niyo man lang kami sinama?” sambit ko kay Mary nang makalapit kami sa kanila ni Inches at hinila ko siya papunta sa harapan ko at pinaupo sa tabi Jobert na kasama si Banding, Ron-Ron, Baloy at Meg. “Maaga kaya kaming nagising para mapanuod ang musika. Ang daming tao no?” ani ni Banding. “Oo nga. Mukhang magiging masaya ang pista rito sa Buenavista.” Natuon ang aking atensyon sa mga musikero at bilang bata ay sinundan namin silang maglibot sa buong Buenvista. Tuwang-tuwa ang mga taong nadadaanan namin dahil minsan lang magkaroon ng ganitong okasyon sa aming bayan. Ang pista talaga ng patron ng Buenavista ang siyang inaabangan ng lahat lalo na kaming mga bata dahil maraming palaro ang inilatag si Mayor para sa amin. Nang matapos maglibot ang musikero ay nagkatipon-tipon ang lahat sa plaza na siyang inayos namin para sa okasyon na ito. Naroon si Mayor at nakangiti ito habang kumakaway sa mga tao ngunit napalingon ako kay Inches nang umismid siya sa tabi ko at umiwas ng tingin kung saan naroon si Mayor. “Bakit ganyan ang mukha mo?” tanong ko sa kaniya. “Nag-away kasi kami kagabi dahil gusto niya akong isama dyan sa entablado para na rin ipakilala sa tao. Bakit ko naman gagawin yon kung hindi naman ako kabilang sa pamilya niya sa baryong ito?” Nagpabalik-balik ang tingin ko kung na saan si Mayor at kay Inches na nasa tabi ko lang. Minsan napapaisip na talaga ako kung pamangkin lang talaga siya ni Mayor dahil napapadalas ang pag-aaway nilang dalawa ngunit hindi ko na sakop ang relasyon nilang dalawa. “Hayaan mo na. Ang mabuti pa sulitin na lang natin ang isang linggo ng pagsasaya dahil sa mga susunod na araw ay malapit na ang pasukan.” Nagkibit-balikat lang sa akin si Inches at saka ko muling ibinaling ang aking atensyon sa entblado kung saan naroon si Mayor at nakatayo na siya sa gitna at mayroon itong hawal na mikropono. “Magandang araw sa bayan ng Buenavista. Masaya ako na narito ako ngayon sa inyong harapan upang magbigay ng mensahe ng pagbubukas sa pista nng ating bayan. Sa totoo lang, ako ay nagulat na maraming tao ang dumating ating bayan dahil sa okasyon na ito at ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako sa inyo. Sana sa mga darating na araw ay maraming alaala ang mauwi ninyo sa inyong lugar at ipamahagi ang inyong magandang experience sa aming lugar.” “Hindi ko na patatagalin pa. Muli, ako si Mayor Romualdo Buenavista, akin nang binubuksan ang pista ng ating bayan.” Umalingawngaw ang malakas na tugtog at palakpakan ng mga tao dahil saw akas ay magsisimula na ang okasyon dito sa aming bayan. Unang isasalang ngayong araw ay isang amateur contest at dahil wala naman kaming ginagawa ay manunuod na lang kami ni Inches. Gusto ko sanang isama ang mga kapatid ko ngunit mas pinili nilang manatili sa bahay dahil naroon naman si Nanay at mukhang kailangan niya ng pahinga mula sa pagtitinda ng gulay sa bayan. “Tres nagugutom na ako,” bulong ni Inches sa akin kaya naman nilingon ko siya. Maraming tindahan ang dumalaw sa amin dito at ang ilan sa mga iyon ay ngayon ko lang nakita. “May pera ka dyan?” tanong ko sa kaniya. Isinilid ni Inches ang kaniyang kamay sa bulsa ng suot niyang six-pocket pants at may inilabas siyang dalawang libong piso at inabot niya sa akin ang isa. “Ito lang binigay sa akin ni Tito este ni Mayor. Sabi niya bilhin ko lahat ng gusto ko.” “Ang laki na nito. Ano naman ang pwede nating bilhin gamit ito?” “Ewan? Hindi naman ako mahilig sa pera. Sa’yo na lang yan.” Napakamot na lang ako sa aking pisngi at hinawakan ang kamay ni Inches bago siya hinila patayo mula sa kinauupuan naming bangko. Hindi pa naman nagsisimula ang amateur contest kaya ibibili ko muna ng pagkain ang isang to. “Ang mabuti pa bumili na lang tayo ng pagkain bago ka pa mangat dyan.” Sabay kaming lumabas ng plaza ni Inches at hinabilin ko rink ay Banding ang upuan naming dalawa. Mahirap na at baka may umagaw non at wala na kaming balikan ni Inches. Dinala ko siya sa stall ng mga pagkain at una naming pinuntahan ay ang nagtitinda ng pansit at iba’t-ibang uri ng kakanin na ngayon ko lang nakita. “Ale ano ho ito?” tukoy ko sa isang kakanin na nakabalot sa dahon na kulay lupa at may tali ng sako sa katawan nito na isang dangkal yata ang haba. “Suman ang tawag dyan, bata. Hindi ‘yan nawawala sa ganitong mga okasyon.” “Bigyan niyo ako ng sampu saka tubig po at ito pong pansit sampung balot din po.” Agad na inasikaso ng Ale ang mga pinili ko at bumaling ang tingin ko kay Inches na tulala sa kawalan. “Ayos ka lang ba?” bumaling ang atensyon niya sa akin ngunit agad ding umiwas. “Ewan hindi ko alam. Namimiss ko na si Mommy pero wala naman na akong magagawa dahil wala na siya rito sa mundo. Sa totoo lang naiinggit ako sayo dahil bukod sa may mga kapatid ka ay kasama niyo rin ang inyong ina samantalang ako ay wala nang kasama.” “Inches, napag-usapan na natin ito hindi ba? Pwede mong ituring na nanay ang nanay ko pati ang mga kapatid ko. Hindi ka naman na iba sa amin hindi ba? Ano pa ba ang kulang na hindi ko maibigay sayo para mag-isip ka ng ganyan?” Napayuko si Inches at napatitig sa lupa ngunit hindi na siya umimik pa. Siguro nga hindi namin kayang palitan ang Mommy dahil kahit anong gawin ko ay nanay niya pa rin yon at nangungulila siya sa pagmamahal nito. Idagdag pa yung lagi silang magkaaway ni Mayor sa hindi ko malamang dahilan. “Uno singkwenta lahat to, bata,” ani ng tinder kaya naman nilingon ko siya at binigay sa kaniya ang isang libo na hawak ko at tag-isang supot kami ni Inches. “Maraming salamat po, Ale.” Agad na kaming nagpaalam sa nagtitinda at nagpasalamat siya sa amin ni Inches kaya naman bumalik na kami sa loob ng plaza at lalong dumami ang tao dahil nagsisimula na ang patimpalak tungkol sa kantahan. “Banding, pagkain oh.” Inabot ko sa kanila ang isang supot na hawak ko at kumuha ako ng pansit, kakanin at tubig na para sa amin ni Inches at pinagkaguluhan naman nila ang dala namin. Muli kaming naupo ni Inches sa aming pwesto at iaabot ko n asana sa kaniya ang sukli ngunit hindi naman niya kinuha bagkus hinawakan niya ang kamay ko at tinulak ng marahan palayo sa kaniya. “Sa’yo na yan. Pag nakaramdam ako ng gutom hihingi na lang ako sa’yo.” “Ikaw ang bahala.” Isinilid ko sa aking bulsa ang sukli kanina at ang natitira niyang pera at saka namin nilantakan an gaming pagkain at ibinaling ang antesyon sa taong kumakanta sa harapan namin. Ipinapanalangin ko na lang na sana makalimutan ni Inches pansamantala ang lungkot na kaniyang nararamdaman dahil sa aming mga taga Buenavista, hindi pwede ang nalulungkot na tao tuwing linggo ng pista.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD