Kabanata 9:

1392 Words
TRES'S POV: "SAAN NA tayo ngayon?" tanong ni Banding nang makalabas kami ng plaza dahil tapos na ang patimpalak tungkol sa kantahan. Sa Byernes pa raw iaanunsyo kung sino ang panalo kays umalis na lang kami. "Wala naman nang ibang okasyon ngayong umaga. Mamayang gabi pa ang patimpalak tungkol naman sa dance contest." sagot ko. "Pumunta na lang tayo ng perya?" biglang sambit ni Jobert. Noong isang araw pa nga ang perya rito sa amin na nasa bakanteng lote malapit sa burol ngunit kailangan ng entrance fee doon at pwede ka nang sumakay ng unli rides. "Wals tayong pera Jobert tyaka bente ang isang tao kung papasok doon hindi ba?" ani ni Banding. "Ay oo nga pero masaya sana doon." Napapakamot na sambit ni Jobert. Sa totoo lang gusto ko ring pumunta sa perya at subukan ang iba't-ibang uri ng rides ngunit gusto kong kasama ang mga kapatid ko para naman maging masaya sila ngayong araw ng pista. Lumapit si Inches sa akin at inakbayan ako. "May pera pa ako kay Tres, iyon na lang ang gamitin natin papunta sa perya." "Naku Inches nakakahiya naman. Ang dami natin." Pito lang kaming magkakasama at kaya naman ng budget ngunit nakakahiya nga kay Inches lalo na't binigay yon ng Mayor sa kaniya upang bilhin kung ano ang gusto niya. "Ayos lang 'yon. Dapat masaya tayo hindi ba? Bigay naman sa akin ni Mayor yon kaya gamitin na natin." Wala kaming nagawa kundi ang sumang-ayon na lamang kay Inches dahil may pahintulot naman niya. Kaya naman sama-sama kaming pumunta sa perya at maaga pa lang ay maraming tao na agad ang naglalaro sa loob. Inakbayan ko rin si Inches hanggang sa makarating kami sa booth ng cashier, binayaran ko ang entrance fee namin at saka kami binigyan ng tag-iisang bracelet na may nakasulat na unli rides. Pumasok na kami sa loob at ang maingay na makina ng mga rides ang siyang bumungad sa amin kasama ang sigawan ng mga bata sa loob ng perya. "Ano ang unang sasakyan natin?" tanong ko sa kanila. "Doon tayo sa carousel!" sigaw ni Banding bago kami patakbong lumapit doon at pinakita sa nagbabantay ang suot naming bracelet kaya naman pinapasok niya kami. Isa-isa kaming pumili ng kabayo ngunit agad akong napalingon kay Inches na nasa b****a lamang ng carousel. "Hindi ka sasakay?" bakas ang takot sa mukha ni Inches nang umiling siya sa akin kaya naman nilapitan ko siya. "Tara na, sasamahan kita." "T-Tres natatakot ako. A-Ano, kayo na lang." Pagtanggi niya sa akin. "Hindi pwede. Dapat masaya tayong lahat hindi ba? Hawakan mo na lang ang kamay ko tapos sa iisang kabayo na lang tayo sumakay." Tumango na lamang si Inches sa akin at saka kami naglakad palapit sa carousel. Tuwang-tuwa na ang mga kasama namin habang itong isa naman ay mahigpit ang pagkakahawak sa aking kamay. Ako ang naunang sumampa sa kabayo at saka siya sumunod sa akin at kumapit sa dulo ng damit ko hanggang sa magsimulang gumalaw ang makina nito at unti-unti nang umikot. "N-Natatakot ako," bulong ni Inches sa akin. "Bakit ka naman matatakot? Tignan mo sila Jobert oh tuwang-tuwa sila," tinuro ko ang mga kasama namin na nakangiti habang umiikot ang kinalulunaran namin. "M-Minsan na akong nahulog sa kabayo dahil sa tigas ng ulo ko at pagpupumilit kay Mommy na bilhin ang kabayo. N-Nabalian din ako mg buto sa hita dahil don." Natigilan ako sa sinabi ni Inches kaya napalingon ako sa kaniya at namumutla na ngayon ang kaniyang mukha. "Bakit ngayon mo lang sinabi?" "K-Kasi ayokong malaman niyo kung gaano ako kaduwag na simpleng bagay lang ay kinatatakutan ko na lahat." Hindi ko alam kung sisinghalan ko si Inches o ihuhulog ko siya sa carousel na kinalulunaran namin ngunit ayaw ko namang madagdagan ang masalimuot niyang nakaraan kaya sinenyasan ko si Manong na bababa na kami. "Manong pakihinto ho muna saglit." Sigaw ko na agad namang sinunod ni Manong dahilan para magreklamo ang mga kasama namin. "Ay ano ba yan, isang ikot lang?" "Nakakabitin naman." "Dami niyong reklamo, kami lang ni Inches ang bababa. Maiwan kayo rito!" singhal ko sa kanila. "Oy bakit? Uuwi na kayo?" "Hindi. May phobia si Inches sa kabayo kaya kayo na lang ang sumakay." Lumingon sila sa gawi ni Inches. "Bakit hindi mo sinabi?" "Sana iba na lang sinakyan natin." "Oo nga." "N-Nahihiya ako eh. Pasensya na kung masyado akong nag-iinarte." Lumapiti si Jobert kay Inches at inakbayan niya ito. "Inches hindi biro ang pinagdadaanan mo lalo na't bagong salta ka lang rito sa bayan namin at nauunawaan namin yon. Walang masama kung magsasabi ka sa amin ng totoo dahil handa naman kaming mag-adjust para sayo. Paano bang naging kaibigan ka namin kung hindi ka namin sasamahan sa hirap at ginhawa?" "Oo nga Inches." Lumipat ang tingin sa akin ni Inches bago niya muling binalingan ang mga kaibigan namin. "Salamat sa inyo pero hindi na ako sasakay ng rides. Kayo na lang basta mag-enjoy kayo." "Sasamahan ko na lang si Inches at hihintayin namin kayo sa labas." Sumang-ayon silang lahat sa desisyon namin ni Inches at muli silang sumakay sa carousel na nasundan pa sa Alpine Slide, Balloon Race, Bumper cars, Caterpillar at Fun slide na pwede sa bata. May Ferris wheel din ngunit mas pinili na lamang naming maglaro sa dart balloon na ang premyo ay pagkain. Hanggang sa sumapit ang hapon, nagpasya kaming umuwi muna upang magpalit ng damit dahil manunuod kami ng dance contest mamaya. "Grabe ang saya talaga sa perya," ani ni Banding. "Sa susunod nga hihingi ako kay Nanay pang laro natin." "Ako rin." "Gusto ko subukan yung Gyro tower." "Ako yung shooting range!" Napailing na lang ako sa kanila gayong may limitasyon ang edad namin sa loob ng perya. Hanggang sa maghiwa-hiwalay kami, hinatid ko si Inches pauwi sa bahay ni Mayor at sumalubong sa amin ang dagat ng tao na labas pasok sa bahay nila dahil nga binuksan ang malaking tarangkahan ng kanilang mansyon. "Susunduin na lang kita rito mamayang alas syete ng gabi. Mukhang maraming bisita sa bahay niyo," sambit ko kay Tres ngunit hinawakan niya ang braso ko. "Samahan mo ako sa loob." Napangiwi ako at sinilip ang loob ng kanilang bahay at mukhang tinatamaan na naman ng hiya ang isang to dahil ako lang naman ang lagi niyang kasama at isa pa maraming tao talaga sa loob. "Sige." Inakbayan ko na lamang si Inches at iginiya siya papasok ng mansyon at umiwas kami sa dagat ng tao hanggang sa makapunta kami sa kaniyang kwarto. Pagpasok na pagpasok pa lamang namin ay humiwalay sa pagkakakabay ko si Inches at tinungo niya ang kaniyang walk-in closet at pumasok siya doon. Ako naman ay dumiretso sa kaniyang kama at nahiga doon at makalipas lamang ang ilang minuto, may dala na ng damit si Inches bilang kaniyang pamalit. "Sayo na lang tong damit ko para hindi ka na umuwi. Dito ka na rin maligo kung gusto mo pero mauuna ako." "Sige." Pumasok si Inches sa banyo na narito sa loob ng kaniyang kwarto kaya naman bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa kama at tinignan ang damit na ibinigay niya sa akin ngunit agad akong napangiwi dahil mamahalin ang damit niya at may price tag pa. Nang matapos maligo si Inches ay ako naman ang sumunod at mabilis akong naligo dahil nakakahiya naman kung paghintayin ko siya. Pagkalabas ko ng banyo, sumalubong sa akin ang mabangong pagkain at mukhang nagpatawag siya ng katulong sa kanilang kusina. "Kumain muna tayo bago bumalik sa plaza. Nakakapagod pala sa loob ng perya." Lumapit ako sa kaniya at naupo kami sa ibabaw ng kama bago namin hinila ang maliit niyang mesa at magkatabi kaming dalawa. "Minsan lang magkaroon ng perya rito sa amin at tuwing pyesta lang kaya sobrang tuwa talaga ng mga tao rito na maraming napaglilibangan sa loob ng isang linggong selebrasyon ng patron." Kinuha ko ang plato at kubyertos bago ko inabutan si Inches at saka kami kumuha ng pagkain na nakahain sa aming harapan. "Ito rin ang unang beses na maranasan ang ganito kasayang lugar. Mayroon naman sa Amerika ng mga ganitong okasyon ngunit hindi ramdam dahil wala namang hilig ang mga tao doon bukod sa Bagong taon at pasko." "O talaga? Pero mas masaya rito sa probinsiya lalo na kung tungkol sa pasko at bagong taon. Maraming paputok at pailaw ang hinahanda si Mayor tuwing buwan ng Desyembre at Enero."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD