APAT na araw. Apat na araw nang hinihintay ni Diosa ang tawag o kahit text man lang galing kay Rohn. Sigurado siyang hindi ito nagpalit ng number. Tinawagan niya ang cell phone at nag-ring iyon. Natanggap ni Rohn text message niya—hindi lang talaga nag-reply ang lalaki. Sa day one, umaasa ng reply si Diosa. Naghihintay siya ng text ni Rohn. Sinasabi niya sa sariling busy ito. Baka maraming inaasikaso sa farm at sa iba pang properties ni Floro na minana nito. Mababasa rin ni Rohn ang message niya. Sa day two, hindi na niya iniiwan ang cell phone. Anumang oras ay magte-text si Rohn. Maaring nabasa na nito ang text message. Medyo pinagalitan na ni Diosa ang sarili. Bakit kasi sa simpleng text lang niya ipinaalam ang ganoon kahalagang bagay? Sana talaga ay tumawag siya. Hindi, ang mas tamang

