MABILIS ang kilos na inabot ni Rohn ang cell phone nang tumunog ang text alert. Ilang linggo na ba siyang parang laging atat sa text message? Ang cell phone na madalas niyang maiwan, ilang linggo na bang laging nasa bulsa niya? Naiiwan niya ang car keys pero ang cell phone ay hindi na talaga. Mas mahalaga na para sa kanya ang cell phone kaysa sa matinong pagkain. At mas mahalaga na rin kaysa sa mga puno at halamang inaalagaan niya sa farm. Hindi rin alam ni Rohn ang eksaktong problema niya. Lalong wala siyang paliwanag sa pagbabagong iyon sa sarili. Kailan pa naging mas mahalaga ang cell phone kaysa sa mga alaga niyang mga puno at halaman sa farm? Agad na nag-scroll si Rohn para i-check ang text messages. Naroon na naman ang ibang kabog sa dibdib niya, na agad din namang nawawala kapag n

