"B-Baby?" parang computer na nag-hang ang utak ni Diosa. Magulo na kasi talaga ang utak niya, pagod at puyat pa siya sa nakalipas ng mga araw na nasa lamay sila. "A-Ano'ng baby?" Medyo nagsalubong ang mga kilay ni Rohn. Hindi yata nagustuhan ang tanong. Ang ekspresyon ng mukha nito ang nagbigay linaw sa isip ni Diosa. "Ah, baby," at tumango-tango siya. "Ang baby—kung meron man tayong nabuo—oo nga. Pero...kasi...seryoso ka ba talaga do'n?" "Inosenteng buhay ang pinag-uusapan. Tingin mo, gagawin kong joke ang buhay ng anak ko?" Napalunok si Diosa. Mas nadagdagan pa ang kaba niya dahil sa titig ni Rohn at sa tono nito. Pakiramdam tuloy ni Diosa, may buhay na talaga sa sinapupunan niya dahil sa diin ng mga salita nito. Parang possessive na ama talaga... "Rohn, wala pa naman 'di ba?" pina

