LENARD’S POV “ZENY!” Napabalikwas siya ng bangon. Naalala niya kung paano mabilis na umakyat ang dugo niya sa ulo nang makitang unti-unti ng nawawalan ng malay ang ang asawa. Iyon ang nagbigay sa kanya ng lakas upang magpumiglas at sunod-sunod na pinagsusuntok ng buong lakas ang dalawang lalaki na may hawak sa kanya. “Lenard! Please calm!” si Jaxon. Agad siya nitong hinawakan sa balikat. Tila doon lang niya napagtanto kung nasaan siya sa mga oras na iyon. “Jaxon, si Zeny!” malakas niyang sabi. “Okay, okay. Please, ikalma mo muna ang sarili mo.” “Pero Jaxon ang pinsan mo! Nasa panganib siya kanina!” Inilibot niyang muli ang paningin sa buong paligid. “Where the hell I am now? Bakit ako nandito? I need to get Zeny from that bastard Arvin!” “All right but please, will you calm down fi

