Chapter 4
Luna’s Pov
Ilang oras muna paghihintay ko ng makaalis sila Don Santiago at Jude sa bahay. Pero nakita ko may bantay sa labas. Narinig ko nag uusap ang mga kasambay nila gagabihin daw sa pag uwi ang mag ama. Nagpapasamat ako matagal pa pala silang babalik at mamayang gabi plano kung pagtakas para walang makakita sa akin. Araw pa lang nang maramdaman kong tumitibok nang sobrang bilis ang puso ko.Hinintay ko muna magsapit ng dilim para itakda ang pag takas konsa bahay na ito. Sa dilim ng silid, hawak-hawak ko ang maliit kong bag ang tanging laman ay ilang pirasong damit, ilang libong perang naipon ko sa mga nakaraang buwan,isang larawan ko noong bata pa ako at pinakamahalaga sa buhay ko ang sketchbook at mga kagamitan sa pagpipinta. Wala akong ibang dalang alaala. Ayoko na. Ayoko nang maalala ang mansion ng mga Villanueva, ang mga matang puno ng kontrol, at ang boses ni Jude na paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko.
Pagsapit ng gabi ito na ang oras ng pagtakas ko. Tahimik akong lumabas ng silid, halos pigil ang bawat hakbang. Ang bawat langitngit ng sahig ay parang sigaw ng konsensya ko, ngunit pinilit kong magpatuloy. Ilang beses kong sinilip ang paligid, tinitiyak na walang makakakita sa akin. Si Don Santiago at si Jude ay parehas nasa biyahe pa noon isang pagkakataong hindi ko hahayaang masayangin.
Pagdating ko sa may gate, tumigil ako sandali. Ang mansion ay tila nagiging isang halimaw sa dilim malaki, nakakatakot, at puno ng mga lihim. Dito ako lumaki, pero ni minsan ay hindi ko naramdaman ang pagiging “bahay.” Ang bawat pader ay may sigaw, ang bawat sulok ay may luha.
“Ito na ‘yun, Luna,” bulong ko sa sarili. “Wala nang balikan.”
Sumakay ako sa unang bus papuntang Maynila. Habang umaandar ito, pinagmamasdan ko ang mga ilaw ng mga bayan na unti-unting nawawala sa likuran. Ramdam ko ang pag-igting ng dibdib ko halo ng takot, kaba, at kakaibang kalayaan.
Sa unang pagkakataon, wala akong bantay. Walang humihila sa braso ko. Walang nag-uutos kung anong dapat kong gawin o sabihin.
Pero kasabay ng kalayaan, naroon din ang sakit. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin. Basta ang alam ko lang, ayoko nang bumalik.
Pagdating sa Maynila, umaga na. Maingay ang lungsod, punô ng mga taong nagmamadali, punô ng usok at sigawan. Ngunit sa gitna ng kaguluhan, naramdaman kong ligtas ako dahil dito, walang nakakakilala sa akin.
Ilang araw akong naghanap ng matitirhan. Paulit-ulit akong naglakad sa mga eskinita, nagtanong sa mga paupahan, hanggang sa makakita ako ng maliit na apartment sa may Sampaloc. Luma ito, may mga bitak sa dingding, at amoy halong alikabok at lumang kahoy. Ngunit para sa akin, ito na ang pinakaperpektong lugar sa mundo.
Walang bantay. Walang boses ni Don Santiago. Walang mga yabag ni Jude sa hallway.
Pagkapasok ko, inilapag ko ang bag sa sahig at napaupo. Wala man itong mga mamahaling gamit o chandelier na gaya ng mansion, pero ito ang unang lugar na ako mismo ang pumili.
“Ito na ang bagong simula ko,” bulong ko habang pinagmamasdan ang liwanag ng araw na pumapasok sa bintana.
Sa gabing iyon, matagal akong nakatitig sa kisame. Hindi ako makatulog. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga nangyari ang mga gabi ng takot, ang mga sigaw, at ang mga luha na pinilit kong itago.
Pero ngayon, wala na sila. Wala na siya.
At kahit sandali, huminga ako nang malaya.
Nang naka uwi na ang mag ama nag uusap pa rin sila tungkol sa negosyo.
“Manang si Luna kumain na ba?”Tanong ni Jude sa katulong.
“Sir hindi po siya lumalabas sa kwarto niya kanina pa po. Kinakatok namin pero walang sumasagot.” Sabi ng katulong kay Jude.
Doon parang nabalisa si Jude bigla at pumunta agad sa kwarto.
“Luna! Luna! Buksan mo itong pinto.” Sambit ni Jude habang kumakatok sa pinto.
“Luna! Luna buksan mo pinto!” Sigaw na niya habang malakas na pagkatok sa pinto.
“Manang! Yung susi dalhin mo dito sa taas.” Sigaw ni Jude.
Dali-dali umakyat si Manang dala-dala susi ng kwarto.
“Ito po susi sir Jue.” Sabay abot sa susi.
Binuksan ni Jude ang pinto at wala siyang nakitang bakas ni Luna sa loob ng kwarto.
“Luna! Luna! Nasaan ka?” Sigaw ni Jude habang naghahanap sa loob at pinuntahan din ang cr.
Wala siyang nakitang bakas.
“s**t! Tumakas na ata si Luna.” Ani ni Jude na pa laki ang mata.
Bumaba siya at pinuntahan niya ang kanyang ama.
“Papa si Luna tumakas wala na sa kwarto!” Sabi ni Jude sa kanyang ama.
“Ano!” Nakatayong sabi ni Don Santiago sa kanyang anak.
Napabuntong hininga si Don Santiago ng malaman.
Kinabukasan, habang tahimik akong kumakain ng tinapay, hindi ko maiwasang isipin kung ano na kaya ang nangyayari sa mansion. Sigurado akong nagkagulo na.
Sa mga oras na iyon, marahil si Don Santiago ay galit na galit ang mga tauhan niya siguradong nagkalat sa buong siyudad, nagmamatyag, nag-iimbestiga. At si Jude… hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Galit? Takot? O baka inis dahil nakawala ako?
Alam kong hahanapin nila ako. Ganun kalalim ang kapit ng mga Villanueva. Hindi basta-basta makakawala ang sinumang gustong tumakbo.
Habang iniisip ko iyon, naalala ko ang mga salitang binitawan ni Don Santiago noong isang gabi:
“Walang umaalis sa pamilya ko, Luna. Lahat ng lumayo, babalik o ililibing.”
Kumirot ang dibdib ko. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa alam kong totoo iyon. Pero ngayon, kahit ano pa man, hindi ako babalik. Kahit saan ako makarating, kahit gaano kahirap, pipiliin ko pa rin ang kalayaan kaysa sa kulungang ginto.
Lumipas ang ilang linggo, unti-unti kong natutunang mamuhay mag-isa. Nag-apply ako bilang assistant sa isang maliit na flower shop sa Quiapo. Tahimik lang ako, bihira magsalita. Alam kong hindi ko dapat ipaalam kanino man kung sino ako o saan ako galing.
Sa tuwing may lalapit na lalaking kahawig ni Jude, bigla akong nanginginig. Hindi ko pa rin matanggal sa katawan ko ang takot. Minsan, sa gabi, bigla akong nagigising dahil pakiramdam ko may matang nakamasid sa akin mula sa labas ng bintana.
Isang gabi, habang umuulan, napagpasyahan kong panahon na para tuluyan kong lisanin ang Maynila. Hindi ito ligtas. Maraming koneksyon ang mga Villanueva dito. Kailangan kong magtago sa isang lugar na walang makakaabot sa kanila.
Nagsimula akong magplano. Bumili ako ng murang mapa sa Quiapo, at doon ko nakita ang isang maliit na bayang halos hindi binibisita ng mga tao Costa Fuego.
Tahimik daw ang lugar na iyon. Malayo sa Maynila. Sabi sa isang matandang babae sa karinderya, ang lugar ay nasa gilid ng dagat, kung saan matatagpuan ang mga lumang bahay at iilang pamilya lang ang nakatira.
“Doon ako pupunta,” mahina kong sabi habang pinupunasan ang luha ko.
Nang dumating ang araw ng pag-alis ko, umulan nang malakas. Nag-impake ako ng kaunting gamit ilang pirasong damit, ang larawan ko, at ang pinaka importante sa buhay ko ang sketchbook at gamit sa pagpipinta.
Habang binabagtas ko ang maulang kalsada, ramdam ko ang bigat ng mga mata ng lungsod na para bang alam nitong may tinatakasan ako. Ngunit kahit basa na ang katawan ko, hindi ako huminto.
Bago ako sumakay ng bus papuntang timog, tumingin ako sa langit at pumikit.
“Panginoon… sana doon sa pupuntahan ko, matahimik na ako. Sana doon ko makalimutan lahat.”
At sa pagtakbo ng bus palayo sa Maynila, iniwan ko na ang lahat ang sakit, ang takot, at ang pangalangan.
Sa parehong oras, sa loob ng malaking silid ng mansion, nagngingitngit si Don Santiago.
“Nasaan si Luna?! Hanapin n’yo siya! Hindi siya pwedeng mawala!”
Ang mga tauhan niya ay nagtakbuhan, may hawak na mga larawan, tinatanong ang mga tao sa bayan. Si Jude, tahimik lang sa gilid, hawak ang isang baso ng alak.
“Hindi siya lalayo,” malamig niyang sabi. “Babalik din siya. Wala siyang pupuntahan.”
Ngunit sa loob ng kanyang isip, may bahagyang kaba. Alam niyang sa unang pagkakataon, si Luna ay seryoso sa pagtakas. At kung sakaling matagpuan niya ito muli, baka hindi na siya ang Luna na dating sumusunod sa bawat utos niya.
Tatlong araw ang biyahe. Pagod, gutom, at basang-basa sa ulan, pero tiniis ko. Ang bawat kilometro palayo sa Maynila ay parang isang piraso ng kalayaan.
Pagdating ko sa dulo ng biyahe, sinalubong ako ng hangin ng dagat. Malamig, sariwa, at may kakaibang halimuyak ng asin at damo.
Sa di kalayuan, tanaw ko ang mga bahay na gawa sa kahoy, ang mga bangkang nakaparada, at sa malayong bahagi ng bangin, natanaw ko ang isang lumang mansyon na kulay abo nakaharap sa dagat, nakatayo sa katahimikan.
Hindi ko alam kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa akin doon. Pero isa lang ang alam ko: dito ko sisimulan ang panibago kong kuwento.
“Luna Dela Cerna,” mahina kong sabi habang pinagmamasdan ang alon, “ngayon, hindi na kita. Ako na lang si Luna.”
At sa unang pagkakataon, ngumiti ako hindi dahil masaya ako, kundi dahil may pag-asang sa wakas, makakalimutan ko na ang impiyerno ng nakaraan.