Tin
"Bati na tayo."
I rolled my eyes for the nth time. Ba't ba ang kulit din ng isang 'to? Hindi niya ba alam na ayaw ko makipagusap kahit kanino? Kahit sa kanya pa. Nandito ako ngayon sa cafeteria ng university at payapang kumakain kanina nang biglang dating ni Brent Sage at walang pakundangang umupo sa harap ko.
Hinding-hindi ko pa rin makakalimutan ang nangyari kagabi. After what happened with Kai Apollo? Hindi ko rin naman alam kung ano na nangyari after what I have said those words to him. Iniwan ko na lang siyang nakatayo roon at pumasok sa kwarto ko.
Hindi ko rin siya naabutan kaninang umaga bago pumasok at hindi ko rin naabutan si Brent. Ayaw ko rin naman mangyari 'yong ganon pero tama nga si Brent, tama siya na dapat kung itanong kay Kai kung ano ba ako sa kanya. Hindi talaga sapat ang mga kilos ng isang tao para malaman mo kung ano ka sa kanya.
Don't settle for less just because it makes you happy.
Napalingon naman ako sa gawi ni Brent ng narinig ko itong bumuntong hininga. Nakatingin ito sa akin pero inirapan ko lang siya. I picked up my things and stood up. Walang sabi-sabi kong iniwan siya sa lamesa na iyon, siguro naman alam niyang ayaw ko muna siyang makausap.
Mabilis kong kinuha ang phone sa bulsa ko nang maramdaman itong nag-vibrate. I checked my messages and saw that one of my block mates told in our group chat that our next prof won't able to attend our next class, though. But our prof left an activity to do so.
I immediately put my phone inside my pocket when I bumped into someone. Napaangat naman ang ulo at biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nakabungguan ko.
What the freak? Nananadya ba talaga ngayon 'tong araw na 'to?
Wala niisang nagsalita sa amin pero titig na titig pa rin siya sa akin. What is he doing here in my department anyway? He's an engineering student for crying out loud! Saglit kong pinagmasdan ang mga mukha niya dahil hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkakatinginan namin. Mukhang walang tulog ang isang 'to, kitang-kita ang itim sa ilalim ng mga mata niya.
I had to admit I miss those eyes.
"Tin," marahan niyang tawag sa akin. Tinignan ko lang siya at akmang itutuloy ko na ang paglalakad ng bigla niyang hawakan ang braso ko. Tinignan ko ang pagkakapit niya sa akin, hinihintay ang susunod niyang sasabihin ngunit ilang minuto ng itinagal ng ganoong posisyon namin ay nagpasya akong tanggalin 'yon at tuluyan ng lumayo.
Hindi na rin naman siya nagtakang umalma sa ginawa ko at pinagpatuloy ko na ang paglayo sa kanya. I just sighed and shook my head. Ayoko talaga munang makausap silang dalawa, lalong-lalo na siya.
Napatingin ako sa relo ko nang hindi ko namamalayang mag gagabi na pala, medyo napatagal din ang pag-sstay ko rito sa library kasi halos tapusin ko na ang mga kailangan kong tapusin sa kadahilanang ayaw ko pa rin umuwi. Wala naman akong magagawa kung hindi kina Brent pa rin tumuloy.
Mas okay na rin naman na medyo gabihin ako kesa makita ko kagad 'yong dalawa sa bahay. Okay naman na sa akin si Brent eh, pero 'yon nga lang ayaw ko rin muna talaga kumausap nang kung sino, gusto ko rin mapagisa at makapagisip muna sa lahat.
Ang bilis bilis din kasi ng pangyayari sa amin ni Kai kaya hindi ko rin siya masisisi kung hindi niya talaga ako gusto or kung ano pa man. Hindi ko rin naman masisi ang sarili kung ba't hindi ko napigilan na mahulog sa isang tulad niya sa napakadaling panahon ng pagsasama naming dalawa. Wala naman kasi itong pinakitang hindi maganda, puro pagsisilbi at pag aalaga nga ang nakita at naransan ko rito.
Hindi rin nagtagal ay nakasakay na ako sa binook kung grab para makauwi sa condo. Habang nasa byahe ako ay para akong lutang na lutang dahil hindi ko manlang namalayan na nasa harap na ako nang building kung nasan ang unit namin nila Brent.
Tumingin muna ako kay manong at nagpasalamat at tuluyan nang bumaba sa kotse. Feeling ko lutang na lutang pa rin ako habang naglalakad patungo sa elevator ng building. Wala ako maramdaman kung hindi ang kagustuhang magpahinga at humiga na lang sa kama.
I just sighed. Pigil hininga kong nilakad patungo sa unit nila Brent. Kanina pa ako narito sa harapan ng pinto at paano ko ito bubuksan para kasing ayaw ko talaga munang umuwi rito. I just sighed again as I opened the door without any hesitation in my mind, wala rin kasi akong magagawa kung hindi rito rin tumuloy.
Pagkabukas na pagkabukas ko nang pinto ay nakita ko si Kai na nasa veranda nagyoyosi, may hawak hawak na beer sa kabilang kamay. At dahil naramdaman niya siguro na may nakatingin sa kanya, kaya siya biglang napatingin sa gawi ko.
Nanlaki ang matang nakitingin sa akin at dali-daling binuksan ang pinto ng veranda. Palapit na siya noong nag iwas ako nang tingin. Lalapit pa sana siya nang bigla akong tumalikod at dali-dali kong hinubad ang sapatos ko.
"Ba't ngayon ka lang? Gabi na, Tin." Rinig kong sabi niya habang nakatalikod pa rin ako sa kanya. Huminga na lang ako nang malalim habang ramdaman kong papalapit na talaga siya sa'kin.
"Have you eaten already? I cooked your favorite. Please eat." Tuloy pa niyang sabi. Tinignan ko siya at inangat ang binili kong pagkain sa isang fastfood chain bago ako umuwi rito.
"I have food." Tipid kong sagot sa kanya. Lalagpasan ko na sana siya nang bigla na naman niyang hawakan ang braso ko. Tinignan ko lamang siya.
Walang-wala akong nagawa kung hindi hintayin kung ano man ang susunod niyang gagawin or sasabihin.
"Please, let's talk," aniya habang kapit kapit niya pa rin ang braso ko. Tinignan ko lamang siya at umiling na parang sinasabi kong h'wag muna ngayon. "Please, baby." ulit niya pa sa akin. I bit my lower lip and shook my head, saying no to him.
"Wala naman tayong dapat pag usapan, Kai. Tama na iyong kagabi. At least alam ko na kung ano ako para sa'yo."
"Hindi, hindi pa tapos ang pag uusap natin kagabi, Let me tell you my side, Christine. Nabigla lang ako kagabi, please." pag susumamo pa niya sa akin pero hindi ako nagpadala sa kanya gamit ang malungkot niyang boses.
Tinignan ko lamang siya at nginitian pero alam kung kita niya sa mukha ko na hindi manlang iyon umabot sa mga mata ko.
"Not now, Kai. I'm so tired." Sabi ko sa kanya at tuluyan ko nang pinasok ang kwarto ko. Hindi ko na hinintay na sumagot pa siya sa akin dahil wala akong lakas makipagtalo sa kanya.
Ibinagsak ko na lang katawan ko pagkatapos kong magpalit ng damit at iligpit ang mga gamit ko rito sa kwarto. Pagod na pagod talaga ang pakiramdam ko ngayon. Nakatitig lang ako sa ceiling ng kwarto ko rito at napapabuntong hininga na lang ako sa mga naiisip ko, hindi ko na malayang nakatulog na pala ako.