Tin
"Sige na ipagluto mo na ako, Christine,"
I just rolled my eyes again. Kanina pa ako kinukulit ng isang 'to na ipagluto siya dahil namimiss niya na raw ang luto ko, pero kanina pa rin ako hindi nang hindi sa kanya dahil tamad na tamad akong kumilos. Hindi ko na rin alam kung naka-ilang beses ko na bang inikutan ito ng mata dahil sa sobrang kakulitan.
"Just cook pesto pasta or carbonara! I miss your pasta, please." Humiga pa siya sa akin para magpa-cute, sorry to say, but he's not cute. Mas lalo lang akong naasar dahil nag puppy eyes pa siya sa akin. Oh my gosh! Napakakulit.
"Brent Sage naman! H'wag kang makulit diyan." Tinulak ko pa siya para malaglag sa lap ko dahil nakaunan siya sa mga binti ko, wala namang malisya saming dalawa kung ganon ang tayo naming dalawa, asar na asar lang talaga ako at napakakulit nitong best friend ko.
"Aray ha!" bigla naman akong napatingin sa kanya na hawak hawak iyong ulo niya dahil nahulog na nga talaga siya sa pagtulak ko sa kanya. Napahagikhik naman ako dahil doon. I just said sorry to him pero tawa pa rin ako nang tawa habang nakatingin sa kanya.
"Just cook for me, please?" He said as he tussled my hair. I just sighed, kahit naman gaano kakulit itong isang 'to hindi ko pa rin matitiis. I just nodded my head and punched his right arm. He laughed at me.
"Damihan mo na ha?" sabi nito sa akin at tumingin naman ako sa kanya. Kunot noo ko siyang tinignan dahil nagtataka ako kung ba't ko dadamihan eh, kami lang namang dalawa rito.
"Wala naman si Kai ah," sabi ko sa kanya. He smirked at me.
"Alam na alam ah."
"Ba't hindi ko malalaman eh, alam mo naman na may pasok 'yon?" I said, as a matter of fact, he just smirked at me, and I just want to punch his face because I'm getting annoyed by his tactics. Alam na alam talaga nang isang 'to kung paano ko maasar.
"If I know he wants to taste the pasta that you will cook," he started while holding the remote, and browsing some series or movie. I don't know. "Basta ipagtabi mo nang pagkain iyong isa, para mainlove na sayo at mapagusapan niyo kung ano ba kayo." Tumatawa niyang sabi kaya naman hindi ko na napigilan iyong sarili ko na dumampot ng kung ano mang bagay na malapit sa akin at ibato sa kanya sa sobrang asar ko.
Kita mo na? Napakawalanghiya nitong best friend kong 'to! Dapat talaga tinatapalan ang bibig ng isang 'to para hindi na makaimik ng kung ano eh.
"f**k you," I said, gritted teeth. Galit ko siyang tinignan at nakita ko naman siyang nakangisi lang sa akin.
"Truth hurts, isn't it?" He asked, still smirking at me. He's really annoying af right now, and I really want to punch his face just to erase that smirk on his face.
"Cat got your tongue eh?" hirit niya pa sa akin at lalo lang akong nainis dahil hindi nga talaga ako makapagsalita manlang. Dahil alam ko rin sa sarili ko na tamang nga ang mga sinasabi niya.
"Maybe he's just bored. I know my cousin pretty well, and you, as a gullible and fragile girl that I know. Alam mo naman kaming mga lalaki, kapag nakita namin ang mga kahinaan niyo doon na namin papasukin at guguluhin ang buhay niyo," sabi niya pa sa akin at pigil na pigil ko ang sarili kong lumapit sa kanya para sakalin siya dahil nagagalit na ako nang tuluyan.
Siya pa talaga nagsabi niyan sa akin ha?
But he's right. I'm a fragile and gullible girl.
Gustong-gusto kong umalis sa harap niya dahil baka kung san pa humantong itong pinaguusapan namin. He's pushing me to my limits.
"You can't even ask Kai Apollo nga eh, hindi mo siya matanong kung ano ba ang plano niya para sa inyong dalawa. You're so weak." Nakatingin na nakatingin siya sa mga mata ko at parang hinahamon ako nang mga iyon na sagutin ang mga binabato niyang paratang sa akin.
"When will you be a woman and know your f*****g worth, huh?" Titig na titig siya sa'kin habang sinasabi ang mga iyon. "Don't be scared of rejection of other people. That's normal." Huminga siya nang malalim sabay tingala na parang may inaalala pa kung tama na ba ang sinabi niya or kulang pa ba ang mga iyon.
"Don't act like you're still a baby because you're not, Christine. Be the woman that you need to be, hindi ka talaga seseryosohin ni Kai kung ganiyan ka. Kai needs a woman, not a baby. Not you."
Hindi niya na talaga napigilan ang sarili, dahil nagsisimula ng tumulo ang mga luhang pinipigilan niya kanina pa. Hindi niya maintindihan dahil kanina lang naman ay okay sila at nagpapaluto ito ng pasta. Ito na nga at handa na siyang magluto pero anong nangyari? Eto ngayon siya at umiiyak dahil sa sinasabi ni Brent sa kanya.
Hindi na niya namalayan ang biglang pag pasok sa unit ni Kai. Hindi niya namalayan na nakauwi na ito. Naramdaman na lang niya na biglang may humawak sa magkabilang braso niya at nakita niya si Kai Apollo na titig na titig sa kanya at punong-puno nang pag aalala ang mukha nito.
"What's happening here?" Tanong ni Kai habang lumilipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Brent. Brent, on the other hand wanted to punch himself dahil kitang-kita niya ang mga luhang umaagos sa mata ni Tin dahil sa mga sinabi niya pero pigil na pigil niya nag sarili dahil para rin kay Tin kung ba't niya iyon ginawa.
Gusto niya lang mainis ito sa kanya at ipush ang limitasyon ng babae upang makapagisip-isip. Tinulungan niya lamang itong lumakas ang loob upang magbukas na nang sa loobin sa pinsan niya na hindi rin niya alam kung ano bang pakay nito sa best friend niya.
"Anong nangyayari rito, Brent? Why are you crying, Christine?" Tanong muli ni Kai sa dalawa, habang pinapahid ang luha ni Tin na umaagos pa rin sa mukha nang dalaga.
Napangisi na lang si Brent sa nasasaksihan ngayon. Kitang-kita niya ang pag aalala ng pinsan niya sa best friend niya.
"Baby, why are you crying? Stop crying, please." Sabi pa nito kay Tin habang sinusuklay ang buhok. Nilapit pa niya lalo sa kanya si Tin pero ganon na lang ang pagtataka niya ng bigla itong lumayo sa kanya at galit na napatingin ito.
"Baby? Seriously, Kai? What am I to you, huh? Stop f*****g my feelings."
Gulat na napalayo si Kai kay Tin dahil sa pagkabigla sa sinabi ng dalaga sa kanya. Hindi na nila nakita ang pag ngisi ni Brent at pumunta sa kwarto nito. Alam niya kasing mag uumpisa na si Tin magtanong kay Kai. He just helped the two to sort out their feelings to each other, pero alam niyang matatagalan pa itong dalawa dahil kilalang-kilala niya ang pinsan niya.
"What?" Tanong pa ni Tin sa binata pero hindi ito makaimik at nakatitig lang ito sa kanya.
"Christine, I-I don't know..." Mahinang tinig ni Kai at napatungo ito sa kanya.
"You don't know?" Christine asked Kai but more like asking herself. Natawa ito ng mapakla dahil sa narinig kay Kai.
"So what do you mean by I'm your star? Ano iyon spur of the moment lang kaya mo nasabi? Bored ka lang sa mga kinikilos mo?" Tumawa siya nang makapakla. Hindi niya na mapigilan iyong luhang umaagos sa mga mata niya. Wala na siyang pakialam kung umiiyak na siya ngayon sa harap ni Kai.
She deeply sighed. "Do me a favor and leave me the f**k alone." Buong-buo niyang sabi sa binata habang nakatingin sa mga mata nito.
"Baby," tawag ni Kai sa kanya hawak-hawak na nito ang kamay niya. Ilalapit na sana nito ang kamay sa mukha niya para punasan ang luhang kanina pa kumakawala sa mga mata niya nang iiwas niya ang mukha sa kamay nito.
"It's Tin, for you, Kai Apollo."