Tin
Wala naman nangyari nitong mga nakaraang araw, pero makikita mo na rin ang pagiging sobrang caring at napakasweet ni Kai sa'kin, ganoon rin ako sa kanya. Hindi ko nga alam kung nahahalata na ni Brent ang mga kilos naming dalawa or wala lang talagang pakialam iyong best friend ko sa paligid niya.
Hindi pa rin namin pinaguusapan kung ano ba itong meron kami, niwala akong ka-ideya-ideya sa kung anong meron kaming dalawa. Hindi manlang ako kinakausap ni Kai Apollo patungkol sa aming dalawa.
Or mayroon ba talaga kaming dalawa?
Minsan natatakot na rin ako sa kung ano ba itong nararamdaman ko dahil wala talaga akong pinanghahawakan.
"What are you thinking?" napatingin naman ako sa umimik sa aking tabi. I just smiled at Kai and shook my head.
Umupo naman siya sa tabi ko. Binuksan ang laptop niya at uminom nang kape. I just looked at him, admiring him right now.
God, my man, looks so good.
Oo, akin siya sa isip ko, bakit ba ha? Uminom na rin ako sa kape na ginawa niya para sa'kin, medyo busy ngayon kami dahil mag-fifinals na rin kasi. Tinititigan ko lang ang laptop ko at chineck ko kung may nakakalimutan pa ba akong reviewhin na notes, chineck ko naman ang to do list ko at nakita kong kompleto na iyon.
Tumayo na lang ako dahil wala na rin naman akong gagawin, I looked at Kai Apollo, and I saw that he's still studying his notes on his laptop. I just smiled while looking at him. This guy is a God gift to me. Hindi na rin naman ako napansin ni Kai na tumayo, naisipan ko na lang na magpunta sa veranda.
Gusto ko rin makapagisip-isip kung ano ba talaga itong ginagawa naming dalawa, sometimes we act like we are a couple, but we're not.
Feel ko ngayon na mas okay munang mapag-isa ako, hindi naman sa nag iinarte ako dahil hindi naman talaga, hindi ko lang talaga maiwasang hindi mapaisip kung ano kami. Masisisi niyo ba ako kung mag-overthink ako dahil sa sitwasyon namin? Nihindi niya man lang ako matanong or mapagusapan.
I just sighed. I looked at the stars and wished, hopefully, I could get the answers that I want.
"Hey," bigla na lang may umupo sa tabi ko. He smiled at me and tapped my head. Napangiti naman ako dahil sa ginawa niya.
Bigla naman akong napatingin sa hawak-hawak niya, kunot noo ko siyang tinignan dahil may hawak-hawak itong beer.
"Why are you looking me like that?" tanong niya sa'kin habang tumatawa-tawa pa ito ng umupo sa tabi niya.
"Ang aga-aga pa, Brent Sage!" Sabi ko sa kanya at kinunutan ng noo. He just laughed at me. "Mag-review ka kaya," sabi ko pa sa kanya habang nakatingin sa kanya, siya naman ay tanaw tanaw ang langit.
"I'm done reviewing," he started, tumingin siya sa akin at naningkit ang mga mata. "How are you?" he asked me in his serious tone.
"I'm doing good, why are you asking me?" natawa pa ako sa kanya dahil ang seryoso-seryoso niya. I know Brent, and he knows me well. Alam niya pag may iniisip ako or may bumabagabag sa akin.
"May gusto ka bang sabihin sa'kin?" he asked me, then suddenly looked at Kai, who is busy reviewing. Tanaw na tanaw namin dito sa labas si, Kai. Nagulat naman ako sa tanong niya sa akin, alam ko namang nakakahalata na rin si Brent,wala akong pwedeng maitago sa kanya.
"Uhm," hindi ko alam kung paano ako mag sisimula, kung ano ba dapat ang sasabihin ko, or tamang words kung paano ko ba ikwekwento sa kanya kung paano nangyari ang lahat ng ito.
"Relex, Tin," napatingin ako sa kanya na seryoso siyang nakatingin sa akin. I just sighed. "Ako lang 'to, I'm your best friend s***h your brother in another mother," he chuckled, kaya naman napatawa na rin ako dahil sa sinabi niya.
"'I just want to know. Pwede mo naman hindi pa rin sabihin, I'll just wait for you until you're ready." He said and smiled at me genuinely.
Napanguso ako sa kanya, sabay tingin sa kawalan. "I don't know where to start, though,"
"I like your cousin, Brent. But I don't know what to think. We're acting like a f*****g couple sometimes but we are not." I sighed and looked at Brent who's intently listening to me.
"Why don't you ask him?"
"Hindi naman ganon iyon kadali, B," sabi ko pa sabay buntong hininga. "Mabilis din kasi ang mga pangyayari, hindi ba?"
"I know you well, Christine. Kilalang-kilala na kita. Ganyan ang ugali mo, you'll overthink. Ba't hindi mo itanong sa kanya iyong mga bagay na gusto mong itanong at iyong mga bagay na gumugulo diyan sa isip mo?"
Natawa ako sa kanya dahil sa mga sinabi niya. Parang kuyang-kuya talaga eh. I'm thankful that I have Brent in my life.
"Parang hindi mo naman kilala iyong pinsan mo," sabi ko na lang sa kanya at bigla siyang napatawa.
"Kaya nga sinasabi ko sa'yo kung ano ba ang dapat mong gawin because I know my cousin well."
"I don't want you to get hurt. You're like my baby sister that I never had." napatingin ako sa kanya habang sinasabi niya iyon. He smiled at me. Alam ko naman iyon, siya ay ganon rin para sa akin. Simula bata palang naman, kaming dalawa na ang laging magkasama. Okay na ako na si Brent lang ang kaibigan ko. Though, I have friends besides Brent, pero iba iyong sa amin ni Sage.
"Alam kong bago sa'yo 'tong nararamdaman mo, try to just go with the flow and pag hindi mo na talaga kaya try asking him what his plan to the both of you." Sabi niya sa akin habang iniinom ang beer na hawak-hawak niya.
"Ibang-iba talaga iyong nararamdaman ko para kay Kai, Brent," simula ko sa kanya. Tunay naman iyong sinabi ko, hindi ko talaga alam kung bakit ba ang bilis ng lahat, pero I think I'm really falling in love with that boy.
"You're falling in love with him, don't you?" I was so shocked when I heard Brent asking me that.
"Oh, God." natawa siya habang nakatingin sa akin. Tawa pa rin siya nang tawa habang nakatingin sa akin. Inirapan ko na lang siya. I heard him smirked.
"H'wag mo nga akong tawanan!" I hissed at him. Gustong-gusto ko siyang sapakin sa oras na 'to.
"Damn," he chuckled. Tawa pa rin siya nang tawa dito sa tabi ko. Hindi ko na lang pinansin. Kailangan ko na bang aminin sa sarili ko? Do I need to admit to myself that I love Kai Apollo? Pero kasi sobrang bilis ilang months palang naman akong nakatira rito at magkakilala.
Oh, f**k it.
I sighed while looking at the stars, pumikit ako nang mariin sabay kagat sa pang babang labi ko.
"Damn it. I do, Brent Sage. I f*****g do love your cousin."