3rd
Naalimpungatan naman si Tin ng may maramdaman niya ang isang mabigat na bagay ang nakadagan sa bewang niya. Pinakiramdaman muna niya iyon at dahang-dahang pumihit upang tignan kung ano iyon. Nanlaki ang mga mata niya na nakita niyang nakayakap sa kanya si Kai at sobrang himbing nang tulog nito.
Dahan-dahan sana niyang iaangat ang braso na nakadagan sa kanya ng biglang maramdaman niyang lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. She sighed. Napangiti siya ng palihim dahil tulog pa rin pala ito. She chuckled. Tumayo siya dahan-dahan at sumandal sa headboard. Inayos niya ang katawan niya at naglagay ng unan sa kanyang mga binti.
She got the remote and turned on the television. Gusto niya na lang manood. Habang inaayos ang ulo ni Kai upang maipatong sa kanyang mga binti ay siyang sabay yakap ulit sa bewang niya. Napaikot ang kanyang mga mata dahil sa nangyari, parang hindi tulog ang isang 'to!
Nagpasya na lang siyang bumangon at inalis ang pagkakayakap sa kanya ni Kai at pinalitan iyon ng unan para doon ito makayakap. Matiwasay siyang nakaalis sa pag kakayakap ni Kai sa kanya. She smiled while looking at Kai, after ilang minuto ay nag-ayos siya nang sarili at dahang-dahan umalis sa kanyang silid.
Nakaramdam naman ng gutom si Kai, kaya bigla itong nagising. He roamed around his eyes when he remembered that he was with Tin earlier. Napangiti siyang mag-isa ng maalala niyang nakatulog siya habang yakap-yaka ang gusto niyang babae.
Bumalik ang pagtataka niya na hindi niya nakita si Tin sa kabuuan ng kwarto nito. He decided to go out and check Tin. Niligpit niya muna ang pinaghigaan niya at tuluyang lumabas sa kwarto nito.
Tin
Nagulat na lang ako nang biglang may malamig na kamay ang dumapo sa braso ko kaya naman napatingin ako sa gilid ko. I saw Kai smiling at me. I groaned. He looked so good, kahit bagong gising palang ito. This guy!
"Ba't hindi mo ako ginising?" He asked me. I just shook my head and smiled at him.
"Ang himbing ng tulog mo, kaya hindi na lang. Mas okay na magpahinga ka rin kakagaling mo lang sa sakit eh." sabi ko naman sa kanya, habang tinitignan ang niluluto ko. I'm cooking monggo. Nilagyan ko lang ito ng baboy na part ay pata, and I cooked tinapa, too.
"Bango naman niyan," sabi naman ni Kai, at napatingin ako sa kanya dahil hindi pa rin siya bumibitaw sa akin. I just shrugged my shoulders off.
"I'm cooking monggo," panimula ko sa kanya habang hinahalo at tignan kung malambot na ba ang karne na nakalagay dito. "Kumakain ka ba nito? I also cooked tinapa para, wala kasing tuyo eh." Sabi ko pa sa kanya.
"Oo naman! Favorite ko kaya ang monggo."
"Doon ka na kaya muna sa living room. Tawagin na lang kita pag pwede na kumain. Watch ka muna roon ng movie ro something, dali!" sabi ko sa kanya habang tinulak-tulak siya. Napatawa naman ako sa mukha niyang nakasimangot na ngayon.
"Why are you frowning?" I asked him.
"Ba't mo ba ako pinapaalis?" sagot nito sa akin, umupo naman ito sa mya high stool doon. Seryoso itong nakatingin sa akin pero sinawalang bahala ko na lang.
Ang clingy naman nitong Kai Apollo na ito!
I chuckled. "Nagluluto po kasi ako para okay na mamaya at dinner na lang tayo." sabi ko sa kanya at inirapan ko siya kaya natawa naman siya sa ginawa ko. Umiling naman siya.
"After dinner, we will have our coffee again, sarap." he told me while looking at me in the eyes. Grabe talaga ang mga mata nito parang nangungusap.
"Fine, fine, but please, go to the living room and watch some movies," pilit ko pa sa kanya dahil hindi ko rin alam ang nararamdaman ko para bang sasabog ang dibdib ko sa sobrang kaba pag nandyan siya sa malapit at nakikita ko siya. Hindi ko talaga alam ang nararamdaman but I know I like this guy so much. Hindi naman ganito ang nararamdaman ko dati pag nagkakacrush ako or nagkakagusto sa ibang lalaki noon.
He just sighed and walked out into the kitchen. Nako parang nagtamo pa yata ang isang iyon sa akin dahil pinalabas ko rito. I just sighed and continue cooking our dinner.
Hindi naman nagtagal ay lumabas na rin ako sa kitchen dahil okay na ang lahat, pero bago ako lumabas ay nagtimpla muna ako nang kape para sa isang lalaking mukhang nagtatampo dahil napalabas ng dirty kitchen.
Ang cute, sarap mahalin.
I just shook my head and stopped thinking about non-sense stuff. Dahan-dahan naman akong naupo sa tabi niya. Hindi pa rin siya lumilingon sa akin. I smiled. Napakamatampuhin.
I placed the cup of coffee in front of him. Bigla naman siyang napalingon sa akin at ngumiti naman ako sa kanya. I pinched his arm. I pouted.
"Ang init ng ulo mo." sabi ko rito at natawa.
"Ba't mo ba kasi ako pinapalabas kanina? I just wanted to be with you." Walang dahang-dahan niyang sinabi. Napaka-straight forward naman nitong lalaking to. I suddenly felt my cheeks heat up.
"Nagluluto nga kasi ako ayaw ko naman ng may nangingialam pag ako ang nagamit ng kusina," at ang lakas sobra ng t***k ng puso ko pag nasa malapit ka. Gusto ko sanang idagdag iyon pero talagang medyo nahihiya pa rin ako sa kanya. Hindi naman talaga namin napaguusapan iyong nangyari.
"Sorry."
"Sorry."
Sabay na sabi naming dalawa, napatingin kami sa isa't isa kaya naman nakita ko siyang nakangiti sa akin pati na rin ang mga mata niya. Hindi ako magsasawang paulit-ulit titigan ang mga mata nito dahil nakakahalina at parang tumatagos sa kaluluwa ko sa paraang ng pagtitig nito sa iyo.
"Can I hug you?" bigla naman nitong tanong. I laughed at him. Ba't kaya ito nagtatanong, aangal din sana ako pero I really liked the feeling when he hugged me earlier. Sobrang comfortable na ako kay Kai.
I was about to speak when he hold my hand, hinigit ako nito papunta sa kanya at bigla ako nitong niyakap. Bigla naman rumelax ang katawan ko dahil sa ginawa niya. Pero bigla na lang sumagi sa isip ko kung ano ba itong ginagawa namin. He never said that he likes me, I mean, is this just normal to Kai Apollo?
I know myself, I'm gullible, kaya hindi ako basta-basta pumapansin ng mga lalaki dahil dalang-dala na ako. Madali akong mafall, lalo't na pag sobrang alaga ng lalaki sa akin. Kaya ang ginawa ko ay sinanay ko lang kay Brent ang sarili ko kasi alam kong kahit anong mangyari, hinding-hindi ako ma-iinlove kay Brent, ganon din siya.
"What are you thinking?" tanong naman niya habang hinahaplos ang buhok ko.
I sighed. Should I tell him or not? Masyado pang maaga para sabihin kung anong nararamdaman ko sa ginagawa naming dalawa. Ayoko naman magmukhang desperada or what. Bago palang talaga sa'kin itong nararamdaman ko.
"Please don't overthink," napatingala ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Ganon ba ako katransparent para malaman niya ang iniisip ko?
Naramdaman ko na lang ang mga labi niyang nakadikit na sa noo ko.
Fuck it. I think I'm really falling.