Written in the stars 8

1048 Words
Naalimpungatan ako nang bigla kong maramdaman na sobrang lamig sa kwarto ko. I turned off my aircon as I wore my hoodie. Sumilip ako sa window to check if it’s raining or what. Nakita ko namang umuulan, kaya siguro malamig.  I turned to my alarm clock and saw that it was only 2:30 A.M. in the morning. Napagpasyahan kong lumabas muna sa silid dahil parang hinihila ako nang mga paa kong tumambay sa terrace. May roof naman doon kaya alam kong hindi ako mababasa kahit tumambay ako nang umuulan.  Pagkalabas ko nang kwarto ay dumiretso ako ng kitchen para sana magtimpla ng kape, I know na hindi na ako makakatulog dahil sa pag ka gising ko, pero nang pag kapunta ko ng kitchen ay nakita kong nandoon si Kai.  Narinig siguro niya na may papasok sa kitchen kaya bigla siyang tumingin kung nasaan ako ngayon. Bigla naman siyang ngumiti nang makita niya ako.  “Hi, ba’t gising ka pa?” bigla niyang tanong sa’kin habang tinitignan ang coffee maker sa harapan niya.  “I just woke up, bigla akong nilamig eh,” sabi ko naman sa kanya habang dahan-dahang kumuha nang mug sa lalagyan.  “Coffee?” he chuckled as he looked at my every move. I smiled at him and nodded, inabot ko naman sa kanya ang mug ko at sinalinan ‘yon. “Hindi ka na ba matutulog?” tanong naman niya habang inaabot sa’kin ang mug na nilagyan niya ng kape ko.  “Hindi na ako makakatulog nito. Ikaw ba’t gising ka pa?” tanong ko sa kanya habang tinitimplahan ang kape na binigay niya sa’kin. “By the way, thank you,” inangat ko pa ang mug ko at siya naman ay ngumiti sa’kin. “I just finished my plates.”  “Ba’t hindi ka na lang magpahinga?” tanong ko pa sa kanya. “Hindi na ako makakatulog.” sagot niya sa’kin habang tinitimplahan ang kape niya. I just nodded at him. Wala na rin naman ako masabi sa kanya, kaya naman tumalikod na ako sa kanya at napagpasyahang pumunta na sa terrace.  Bubuksan ko na sana ang sliding door ng hawakan ni Kai ang braso ko, kaya naman napatingin ako sa kanya. "Ako na." I just nodded at umupo sa isa sa mga upuan doon.  "You seemed so off yesterday," he started. I looked at him.  "Gagi, hindi. Feeling ko sobrang pagod lang ako kahapon, kaya siguro ganon ako, walang energy at all." Sagot ko at tumingin sa kanya. Nakita ko naman siyang tumango-tango sa sagot ko. "Siguro hindi lang ako sanay. Simula kasi nang tumira ka rito. you're so bubbly and all,"  "Nako, 'wag mo 'kong pansinin pag ganon ako baka lang talaga pagod or wala ako sa mood." I smiled at him as I shook my head.  Nakita ko naman ngumiti siya habang humihigop sa kape niya. Hindi ko alam pero nagagandahan talaga ako sa mga mata niya. I love his eyes it's like his eyes are talking to you or something.  Bigla naman siyang tumingin sa'kin. He chuckled. "Why?" Napailing na lang ako tsaka ko siya nginitian. Habang tumatagal ay lalo kong nararamdaman ang lamig nang hangin, but I love the air that I'm feeling right now.  "Sabi ni Brent, nakita niyo raw ako," napatingin agad ako sa kanya nang sabihin niya 'yun. I almost choked when I saw him looking at me. Bigla naman akong kinabahan sa pagkakasabi niya.  "Huh?" maang kong tanong sa kanya. "Nakita niyo raw ako kahapon sa parking at may bumabang babae sa sasakyan ko," dagdag niya pa habang hindi na siya nakatingin sa'kin kung hindi sa ulap na na wala manlang mga bituin.  Hindi naman ako sumagot sa kanya at na natiling tahimik, hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin. "She's a friend," napalingon naman ako ulit sa kanya pero parang dapat hindi na ako lumingon kasi ngayon nakita ko siyang titig na titig sa'kin. Gustong-gusto kong iiwas ang tingin ko sa kanya pero ang mga mata niya parang hinihigit ako no'n para tignan ang mga ito. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang isasagot ko. Wala naman sa'kin 'yun. Hindi ko rin alam kung ba't siya nagpapaliwanag or nagkwekwento sa'kin.  We're just friends. Yes, Christine, Kai Apollo is your new-found friend. So don't assume things. "Ah, alright." Sagot ko na lang sa kanya dahil walang kahit anong salita ang gustong lumabas ngayon sa bibig ko. Gusto ko na lang ubusin ang kape ko kasi parang hindi ko na yata kayang magtagal dito, parang sasabog 'yong dibdib ko sa kaba na hindi ko alam kung bakit ganito ngayon ang nararamdaman ko. "Ano schedule mo bukas?" biglang tanong niya sa'kin.  "10:30-12:30, 1 subject only. Why?"  "Cafe hopping?"  Napatingin naman ako sa kanya nung tinanong niya sa'kin 'yon. Tinitigan ko lang muna siya at parang alam niyang hindi ako sasagot, kaya bigla siyang tumawa. "May lakad ka ba?" tanong niya ulit sa'kin at hindi ko pa rin siya sinasagot, titig na titig lang ako sa kanya.  "Tin, okay ka lang ba?" Isa pang tanong niya sa'kin kaya napatikhim ako at bigla akong tumango.  "Y-yes, yes, I'm okay. What were you saying again?"  "Coffee shop hopping kako," He chuckled as he drank his coffee. "Hala, wala ka ba pasok?" tanong ko sa kanya. "Wala na ako sa hapon na pasok, kailangan lang namin ipasa yung mga plates na ipinagawa," sabi niya at tsaka ako nginitian. Ano bang meron at inaaya na naman niya akong mag coffee shop hopping? "Ano ba trip mo sa buhay mo?" I suddenly asked him, he looked at me and then laughed.  "Wala naman, feel ko lang bukas umalis at pumunta kung saan-saan," sabi nito sa'kin at uminom ulit sa kape niya.  "Sunduin kita sa room niyo bukas para sabay na tayo sa parking lot," he said. I gaped at him. Nabigla ako sa sinabi niya. "You know my room?" tanong ko rito kasi nagtataka ako kung ba't niya kailangan niya pa akong sunduin sa room namin eh, pwede naman kaming magkita na langsa school grounds or parking lot.  Umiling naman siya sa'kin. "No," I chuckled. "Paano mo ako pupuntahan kong hindi mo pala alam?"  "We'll see." He winked at me. And, I died.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD