NANLUMO si Gwen nang makitang patay na ang ibong si Romeo. Nakasiksik ang ulo nito sa sulok, sa puwang ng mga rehas ng kulungan na parang sadyang ibinigti nito ang sarili. "Ito ang sinasabi ko sa'yo, Gwen," wika ni Tyler. "Kaya hindi ako makasagot ng "oo" nang sabihin mong samahan kita sa pet shop para bumili ng kapalit ni Juliet. Alam kong magpapakamatay si Romeo." Sa ibang pagkakataon siguro ay matatawa siya sa sinabi nito. Dahil natulad iyon sa nangyari sa play ni William Shakespeare. Nang makita ni Romeo na patay na si Juliet ay nagpakamatay na rin ito. At ganoon din ang nangyari sa mag-asawang ibon. "Pero paano mo nalaman?" Ganoon kasi ang alam ko sa mga lovebirds. Isa lang ang nagiging partner nila habang-buhay. At kapag namatay iyon, magpapakamatay na rin sila." "Sobrang coin

