Athena
Ang higpit ng kapit ko sa braso ni Enzo habang naglalakad kami sa pasilyo ng hotel. Kapag bumitaw ako sa kanya at nawala ako sa hotel na ito ay pakiramdam ko hindi na ako makakalabas pa rito.
Marami akong nakitang malalaking tao sa loob ng hotel na ito na syang nagdidinner din dito. Namamangha ako ng makita ko sila. Ang yaman talaga nila. Gabi-gabi ba silang dito kumakain?
"Oh my God! Si Senator Salvador ba iyon? Kasama ang sikat na artista nyang anak na si Patrick Salvador?" Pagkagulat ko
Pinisil ni Enzo ang mga kamay kong nakakapit sa braso nya.
"Shut up! Nakakahiya." Sambit ni Enzo
Napalunok ako sa mga sinabi nya. Namangha lang naman talaga ako dahil ngayon ko lang nakita ang sikat na aktor na iyon kasama si Senator at ang kanilang pamilya.
Normal nga lang pala sa mga mayayamang tulad nila na makakita ng mga artista at matataas na tao. Samantalang kaming mahihirap ay parang gulat na gulat kapag nakakita kami ng mga artista. Gusto ko sanang magpapicture kay Patrick Salvador kaya lang, nakakahiya, sabi ni Enzo.
Napakagat labi na lang ako habang papunta kami sa fine dine restaurant ng hotel na iyon.
Pagpasok namin doon ay kaagad kaming sinalubong ng waiter na halatang sosyal dahil sa suot nitong white longsleeve at may pakurbata pa sa leeg.
Sa mga pelikula ko lang nakikita ang mga ganitong waiter. Ngayon ay kaharap ko na sya.
"Good evening Mr. Zobel. Table for two? This way please." Pagbati nung waiter.
Kilala na si Enzo sa restaurant na ito. Malamang ay dito nya laging dinadala ang mga nagiging girlfriend for the month nya. Wala naman palang espesyal sa gabi na ito.
Gusto ko ng matapos ang gabi!
Nang maihatid kami nung waiter sa aming lamesa ay inilibot ng mga mata ko ang buong paligid.
"Nasaan sina Amara at Alodia? Pati ang mga kaibigan mo?" Pagtataka ko
Napailing si Enzo na syang nakaupo na sa kanyang silya.
"Umupo ka nga." Utos nya
Napatingin ako sa kanya at para naman akong asong turuan na inutusan ng amo nya na umupo.
Marahan akong umupo sa silya ko pero hindi ako mapakali. Nasaan ba ang mga kaibigan ko?
Kaagad na inabot ng waiter ang eleganteng menu sa amin.
Nalula ang mga mata ko sa dami ng mga pagkaing hindi ko kilala. Naalala ko tuloy ang lechong manok na dala ni tatay. Iyon sana ang gusto kong kainin. Nakakawalang gana tuloy.
Pinagmamasdan ko si Enzo imbes na ang menu ang titigan ko. Ano kaya ang oorderin ng taong ito?
"One order of meat madhfoon and harees please." Wika ni Enzo
Para akong nabingi sa mga sinabi nya. Ang hirap bigkasin ng mga pagkain dito.
"How about you Baby? What do you want?" Tanong nya
Lagi na lang nya akong ginugulat sa mga pinagsasasabi nya. Tinawag nya akong Baby sa harapan ng waiter? Mas nakakahiya kaya iyon.
Napalunok ako dahil nakatingin na sa akin ang waiter. Ayokong paghintayin ang waiter kaya naman nagmadali akong magbasa ng menu. Dahil gusto ko ng lechong manok ay umorder ako ng kahawig nito. Sana naman ay kalasa rin.
"Chicken mach-- mach-"
Hindi ko mabanggit ang pangalan nito.
"Chicken machboos ma'am?" Banggit ng waiter.
Nangiwi ako sa kanya.
"Ahh! Yes yan nga ang order ko. Saka itong chicken mandi na ito." Sabi ko.
Tumango ang waiter.
Nakahinga ako ng maluwag. Si Enzo na lang ang pinapili ko ng mga drinks dahil ayoko ng mag-isip pa. Kung nasa isang fast food chain kami ay sprite ang oorderin ko, kaya lang walang ganun dito sa sosyal na restaurant na ito.
Umalis na ang waiter sa harapan namin.
Napatingin naman muli ako kay Enzo.
"Eh nasaan na nga ang mga kaibigan ko? Sabi mo ay kasama sila sa date na to?" Tanong kong muli
Nagsalubong ang mga kilay ni Enzo sa akin. Alam kong naiirita na sya sa kakulitan ko.
"Kahit anong pilit ng mga kaibigan ko sa mga kaibigan mo ay hindi sila pumayag sa date na ito. Napakaarte, kala mo naman magaganda." Naiirita nang wika niya sa akin.
Napanganga ako. Pwede naman palang tumanggi sa date na ito. At talagang hindi nya kayang iwasang magsalita ng hindi maganda sa amin? Talagang kailangan ba nya kaming kutyain palagi. Alam na namin na hindi kami maganda, hindi na nya kailangang ulit ulitin pa. Nakakainis!
Pero nagtataka ako dahil si Alodia lang naman ang may gusto sa date na ito? Pero bakit kaya wala sya? Marahil ay hindi sila pinayagang lumiban sa kanilang trabaho kaya hindi rin nakarating si Alodia.
Akala ko pa naman ay makikita ko si Ethan ngayong gabi. Akala ko pa naman ay makikita nya ang napakagandang ayos ko ngayon. Sayang lang pala ang itsura ko ngayong gabi, hindi rin masisilayan ni Ethan.
"Oh bakit natahimik ka dyan bigla?" Tanong ni Enzo
Umiling lang ako sa kanya. Ayoko namang sabihin na kaya ako natahimik at nadismaya ay dahil hindi ko makikita si Ethan ngayon gabi. Dahil wala ang taong lubos na gumigising sa buong sistema ko. Nakakainis!
Gusto ko ng umuwi.
Ilang saglit lang...
"Athena!"
Nagulat ako ng iangat ko ang aking ulo.
Si Alodia!
At parang tumigil ang buong mundo ko ng makita ko sa kanyang tabi ang lalaking nagbibigay ng kulay sa buhay ko. Si Ethan.
Unti-unting nasilayan ang ngiti sa labi ko. Kahit pigilan ko ay hindi ko na nagawa dahil parang may sariling utak ang mga ngiti ko lalo na kapag nakikita ko si Ethan.
"Hoy! Tulaley besh?"
Bigla akong nagising sa katotohanan nang tapikin ako ni Alodia.
Naupo sila sa katabi naming mesa. Parang bigla akong kinabahan dahil kitang-kita ko si Ethan mula sa pwesto ko.
"Infairness ang ganda rin ng kaibigan ko oh. Pinamake over din ni Enzo." Sambit ni Alodia na napakadaldal
Bigla akong nahiya nang magawi ang mga mata sa akin ni Ethan. Tila sinusuyod nya ang buong itsura ko. Kanina ng pagmasdan ako ni Enzo ay hindi naman ganito katindi ang nararamdaman kong kaba. Pero ngayong si Ethan ang nakatingin sa akin ay bulto ng kaba ang nangingibabaw sa puso ko.
"It's true. She's beautiful." Sambit ni Ethan
Hindi mapigilan ng puso ko ang maging maligaya dahil sa papuri ni Ethan. Sobrang kilig ang naramdaman ng puso ko kapag sya talaga ang nagsasalita. Lalo na ngayon na nagbigay sya ng magandang opinyon sa akin.
"Akala mo ikaw lang ang maganda? Ako din oh." Dagdag pa ng kaibigan ko.
Tama sya. Dahil sa naging ayos nya ngayon ay lumitaw din ang totoo nyang ganda. Parang hindi sya ang kaibigan kong si Alodia.
Panay ang hawi nya sa kanyang buhok. Panay ang ngiti nya at alam ko naman kung sino ang nginingitian nya. Nagpapacute na naman sya kay Enzo. Kaya lang, hindi naman sya pinapansin ng ka-date ko ngayon dahil yung atensyon nya ay nasa akin. Ako talaga ang target nyang paglaruan ngayong buwan.
Gusto ko na ngang makipagpalit ng silya kay Alodia para hindi masayang ang pagpapacute ng kaibigan ko.
"Hey! Mukhang nasa mood ka na ngayon simula ng dumating ang kaibigan mo. O simula ng dumating ang kaibigan ko?" Galit ang tinig ni Enzo
Nagkunot ang noo ko sa mga sinasabi nya. Ano bang problema nya? Sa mga ikinikilos nya ay pakiramdam ko nagseselos sya? Laro lang naman ang lahat ng ito sa kanya di ba? So bakit sya magseselos? Ang galing nya talagang magpanggap.
"Tigilan mo na nga ako." Naiirita kong wika sa kanya
Pero hindi nya tinanggal ang mga tingin nya sa akin. Hinawakan pa nya ng mahigpit ang mga kamay ko. Ano ba ang problema nito?
"Hanggat ako ang boyfriend mo, gusto ko na sa akin lang ang mga mata at ngiti mong yan. Hindi yung sa ibang tao mo pa binibigay. Do you understand?" Galit pa rin ang tono nya.
Bakit parang natakot ako sa mga sinabi nya? Bakit parang seryoso sya sa mga tinuran nyang iyon?
Tumango na lang ako sa kanya. Ayokong suwayin ang utos nya. Alam ng buong University kung paano magalit ang leader ng BFT at baka maapektuhan pa ang scholarship ko kaya mas mabuti nang sundin ko na lang sya.
Hindi ko na titignan pa si Ethan. Pipigilan ko ang mga ngiti ko sa tuwing makikita ko sya. Sana lang ay magtagumpay ako.
Ilang saglit lang ay inihain na sa amin ang mga inorder naming pagkain. Napalunok ako sa mga nakita ko. Hindi ito ang inaasahan ko. Arabic food nga pala ito kaya amoy pa lang ay hindi na pangakaraniwan sa akin.
"Next week naman ay magbabakasyon tayo sa South Korea. I'm sure hindi ka pa nakakapunta doon kaya maswerte ka dahil ako ang boyfriend mo." Banggit pa ni Enzo habang kumakain kami.
Baliw na talaga ang lalaking ito. Gagastos pa sya para lang makapunta kami sa ibang bansa? Isang buwan lang naman ang pagpapanggap na ito bakit kailangan pang lumipad ng ibang bansa?
"Wala pa akong passport kaya malabo yang sinasabi mo." Sambit ko
Nasaksihan ko na naman ang pag-iling nya. Ibig sabihin ay hindi sya sumasang-ayon sa mga sinasabi ko.
"Wala ka bang tiwala sa isang Zobel? Madali lang ang mga problema mo. Basta, we will have a vacation in South Korea next week kaya wag ka ng umangal pa okay?" Madiin nyang wika
Parang mabibilaukan ako sa mga sinabi nya. Talagang walang imposible sa kanya. Napakalayo na ng South Korea. Pakiramdam ko ay hindi na ako makakabalik pa sa mga magulang ko kapag nagpunta kami doon.
Ano ba itong napasok ko? Bakit ba napalapit ako sa baliw na Enzo na ito?
"Kumain ka ng kumain. Ayoko ng nagugutom ka. Sa itsura mo pa naman, mukha kang laging gutom." Sambit pa nya
Hindi talaga sya tumitigil na kutyain ako.
"Bakit kaya hindi mo ipares yang ugali mo kay Ethan? Mabait sya. Magalang sa mga babae at lagi nyang nakikita ang magagandang bagay, hindi kagaya mo!" Galit kong bulyaw sa kanya.
Sa sobrang inis ko ay uminom na lang ako ng tubig para mahimasmasan ako.
Sandaling nanahimik si Enzo dahil sa mga sinabi ko. Nakakainis sya!
"Yan ba ang dahilan kung bakit mo gusto ang kaibigan kong si Ethan?" Seryoso nyang tanong
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga tanong nya. Napatingin tuloy sina Ethan at Alodia dahil dinig nila ang mga tanong ni Enzo. Nakakahiya kay Ethan.
"Wala akong gusto kay Ethan. Ah, eh mas okay lang sana kung kasing bait mo sya. Iyon lang yun, wag mong lagyan ng malisya." Kabado kong sagot sa kanya.
Parang hinahabol ko ang hininga ko ng banggitin ko ito sa kanya. Nasaksihan ko rin ang pagngisi ni Ethan na syang naging dahilan ng pag-init ng pisngi ko.
Inilihis ko ang mga tingin ko sa kanya dahil baka magalit na naman ang hilaw kong boyfriend.
"Good! Malilintikan ka talaga sa akin kung may gusto ka sa kanya. Ako ang boyfriend mo. Sa akin ka dapat magkagusto, okay?" Pagpupumilit nya sa sarili nya
Hindi ko na sya sinagot pa. Biglang kumalma ang puso ko dahil buti na lang at hindi nahuli ni Ethan ang nararamdaman ko sa kanya. Si Alodia naman ay hindi matanggal ang mga ngiti sa labi. Alam nya kasi ang totoo. Alam nya ang katotohanang in love ako kay Ethan Enriquez.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ng arabic food kahit ang totoo ay hindi ito patok sa panlasa ko.
Si Enzo naman ay ginampanan ang pagiging boyfriend nya sa akin. Hindi ko naman masuklian ang pag-aalaga na ginagawa nya sa akin dahil labag naman sa kalooban ko ang bagay na iyon.
Alam ko naman na may hangganan ang lahat ng mga ipinapakita nya sa akin kaya naman hindi ko na kailangang mag-effort pa na maglambing sa kanya. Kinikilabutan ako kapag naiisip ko na lalambingin ko rin sya kagaya ng ginagawa nya sa akin. Kaya titiisin ko na lang ang isang buwang pagkukunwari namin bilang magkasintahan.
Nagulat na lang ako ng hawakan ng mahigpit ni Enzo ang mga kamay ko.
"You made me happy tonight." Banggit nya
Parang nag-slowmo ang buong paligid dahil sa mga sinabi nya. Parang totoong totoo ang lahat ng mga tinuran nyang iyon sa akin.
Ngunit isa lang ang nais ng puso ko. Sana lang ay si Ethan Enriquez ang nagsasabi nito dahil tiyak na mas maligaya ngayon ang aking mundo.