Athena “G-good evening po.” halos nanginginig ang boses ko ng batiin ko ang mga magulang ni Enzo. Pinasadahan ako ng tingin ng kanyang ina mula ulo hanggang paa. Napalunok ako ng dalawang beses dahil sa paraan ng pagkilatis nya sa akin. Marahil kahit nakasuot ako ng eleganteng gown ay naaamoy pa rin nya ang bulok na pinanggalingan ko. Gusto ko nang umuwi. Gusto kong umiyak habang ginagalugad nya ang pagkatao ko. “She’s pretty. Ipakilala mo naman sa amin ang kaibigan mo Enzo.” mataray na wika ng mommy ni Enzo kahit na pinuri nya ako. Hindi ko alam kung normal bang nakaarko ang mga kilay nya dahil kanina pa ito hindi bumababa. Marahil ay naiinis sya sa pagkatao ko. Alam ko naman na mangyayari ang lahat ng ito. Hinimas ni Enzo ang balakang ko at malambing syang nakangiti sa kanyang mga

