Athena Inilabas lahat ni Enzo ang mga gamot mula sa medicine kit at ginamot nya ang mga sugat ko. Magaling syang gumamot ng mga sugat at mistulang propesyonal na nurse ang kilos nya habang seryoso nya akong ginagamot. “Saan ka natuto na gumamot ng sugat? Pati paghawak ng mga bandage ay alam na alam mo.” Tanong ko Seryoso pa rin nyang nilalagyan ng gamot ang braso ko na tadtad ng galos at sugat. “Di ba wala naman lagi si mommy at daddy? Madalas na sarili ko lang ang kasama ko kaya kailangan kong matutunan ang mga bagay na ito. Makulit ako nung bata pa ako. Lagi akong nasusugatan dati. Kaya sabi ni mommy ay kailangan kong alagaan ang sarili ko, dahil palagi syang wala sa tabi ko.” Paliwanag nya Nilapatan nya rin ng gamot ang gilid ng aking labi. “I want to be a doctor. Yan talaga ang p

