Enzo “Coach, may nakalimutan lang akong kunin sa school. Babalik din agad ako.” Sabi ko sa coach namin na halatang kinakabahan dahil malapit nang magsimula ang game. “Bilisan mo lang Enzo dahil ikaw pa naman ang kailangan ng team.” Banggit nya. Tumango ako sa kanya at kaagad na akong nagtungo sa aking sasakyan upang bumalik sa Golden Valley. Siguro kapag mahal mo talaga ang isang tao ay alam mo rin kung nasa panganib sya. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko dahil sa kalagitnaan ng practice game namin sa Universidad de Manila ay bigla akong bumalik sa Golden Valley University. Kinakabahan ako. Wala akong ideya kung bakit pilit akong dinala ng mga paa ko sa University. At tama nga ang hula ko. Nasa panganib nga si Athena. Dinig na dinig ko ang malakas na iyak at sigaw nya

