As usual. Dahil nagtatrabaho ako sa publication company, maraming projects na dumarating. Nasa loob ako ngayon ng conference room. Malamig, pero ang batok ko, basang-basa sa pawis. Isa-isang lumilipad ang mga salita ng mga executive at creatives, habang naka-project sa harap ang logo ng NIKE, kasama ang Rivera Publication logo. Branded partnership proposalâisang malaking hakbang para sa kompanya.
âContent synergy,â sabi ng isang rep mula Nike. âWe want to target the youth, especially the emerging market here in Linus City. Lifestyle, fitness, urban fashionâlahat âyan, we see potential.â
Tumango si Draemon na katabi ko. âRivera Publication has an edge. With our in-house talents and reach, itâs a win-win,â sagot niya habang nakatitig kay Mr. Ismael sa dulo ng mesa.
Ako? Tahimik lang. Nasa tabi lang ako ni Draemon, taking notes, pretending like I wasnât there emotionally.
Kahit pa nasa loob kami ng eleganteng boardroom, feeling ko parang eksena ito sa isang arena. Si Draemonâlaging kalmado, siguradong-sigurado. Si Mr. Ismaelânakaupo sa taas ng mesa, commanding, powerful. At ako? Ako âyung gitna nilang dalawa. Tahimik, pero nilalamon ng gulo sa loob.
Pagkatapos ng meeting, nagkumpulan ang mga staff. Nagkamayan, ngumiti, at nagpakuha ng photos. Ipinagpapasalamat ko na busy silaâkasi âpag busy sila, hindi nila mapapansin na umiiwas ako kay Mr. Ismael.
Hindi ko siya tinitingnan. Hindi ako lumapit. Hindi ko siya nilingon kahit isang beses.
Pero hindi na ako nagtaka nang marinig ko ang boses niyang pabulong sa likod ko.
âPinky.â
Napapikit ako. Huminga. Lumingon.
âYes, sir?â
âCome to my house tonight. 8 p.m. sharp. Weâll finalize the editorial directions for Nike.â
Namilog ang mata ko. âSir⊠sa bahay nâyo?â
âI need focus. Privacy. Youâre my secretary. Donât make me remind you of your job.â
Gusto kong magtanong ng âBakit hindi sa opisina?â, pero alam kong walang saysay. Kilala ko siya. Sanay siyang makuha ang gusto niya. At alam din niyang hirap akong tumanggi⊠lalo na kapag may halo na itong kontrol at utos.
Tumango ako. âYes, sir.â
Pagkarating ko sa kanilang around 8:00 pm, pinagbuksan ako ng gate ng isang security guard. Tahimik sa buong property. Wala akong ibang marinig kundi ang mahinang hampas ng tubig mula sa pool at ang yabag ng heels ko sa marmol na sahig.
Binuksan niya ang pinto. Suot niya ang simpleng itim na long sleeves, naka-unbutton ang dalawang itaas. Casual. Pero masyadong disarming.
âPasok,â aniya, nakatingin diretso sa akin. âKitchenâs this way.â
Akala ko diretso na kami sa trabaho. Pero nagulat ako nang may pagkain na nakalatag sa dining tableâwine, steak, salad, and warm bread.
âHindi tayo magtatrabaho agad?â tanong ko.
âWe will. But you didnât eat. Donât lie, PinkyâI know your patterns.â
Patterns? Napalunok ako. Ilang beses ko na siyang iniwasan nitong mga araw. Akala ko hindi niya napapansin.
Tahimik akong naupo. Pinagmasdan niya ako habang sumusubo ng salad. Para akong binubusisi ng mga mata niyang hindi ko alam kung malamig ba o mapaglaro.
âWhy have you been avoiding me?â diretsong tanong niya.
Hindi ako agad sumagot. Sana steak na lang âto na nilulunok ko, hindi âyung pride ko.
âIâve just been⊠sorting my priorities.â
âYou mean Draemon?â
Tumaas ang kilay ko. âHeâs just my project partner.â
âPinky,â aniya, leaning forward, âIâm not a fool.â
Bumigat ang hangin sa pagitan namin. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung dahil ba sa wine o dahil sa paraan ng pagkakatitig niya.
âSir, I think we shouldââ
âNo. You always say that. I think you should start being honest with yourself.â
Tumayo ako, dala ang notes. âWe came here for the Nike project. Letâs keep it that way.â
Ngunit bago pa ako makalakad palayo, humakbang siya papalapit. Hindi galit, hindi mapilitâpero may presence. Yung tipong kahit hindi siya nagsasalita, nararamdaman mo na.
âI like you, Pinky,â aniya, mababa ang tono. âBut you keep running away.â
At doon ako nayanig. Kasi totoo âyon. Ako âtong laging may panata, laging may rules, laging may âdapatâ. Pero ngayon, wala na akong panata. Ako na lang itoânaguguluhan, takot, pero gustong maintindihan ang sarili.
Tahimik ang sala habang hawak ko ang mga printouts ng editorial direction para sa Nike. Dumiretso kami sa mini-library niya matapos ang dinner. Ang lamesa sa gitna, punong-puno ng draft visuals, mood boards, at layout plans. Pero kahit gaano kaganda ang proyekto sa harap namin, ang presensya niya sa likod ko ang hindi ko matakasan.
Kahit hindi siya nagsasalita, ramdam ko ang mga mata niyang nakatingin langâhindi sa papel, kundi sa akin.
âPinkyâŠâ tawag niya, mahina, parang alon lang na humahampas sa tahimik na dalampasigan.
Dahan-dahan akong lumingon. Nakatayo siya sa tabi ng bookshelves, hawak ang wine glass. Yung itsura niyaâcalm, collected, pero may kung anong intensity sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag.
âIâm serious when I said I like you.â
Napalunok ako. Tumalikod ako pabalik sa notes ko. âSir, weâre working.â
âIâm not just your boss tonight.â
âPero boss pa rin kita.â
Lumapit siya. Ramdam ko ang hakbang niyaâmalambot pero matatag. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang init ng katawan niya sa gilid ko, masyadong malapit. Umupo siya sa tabi ko, pero hindi sa upuang malapitâsa mismong edge ng lamesa, paharap sa akin.
âAlam kong marami kang iniisip. Alam kong hindi ako madaling mahalin. But Pinky, you know whatâs harder? Pretending I donât want you near me.â
Tumigil ako sa pagsulat. Tumingala ako, at doon ko nakitaâhindi na ito âyung Mr. Rivera na boss ko sa opisina. Ito na âyung Ismael na unti-unting nawawala sa kontrol, na ayaw na akong iwanan sa kahit anong distansya.
Hinawakan niya ang kamay ko. Dahan-dahan. Para bang takot siyang mawala ako.
âPinky, Iâm not like Draemon. I wonât wait at a distance. If I want you, Iâll go near you. Besides, I'm a freeman. Wala nang sagabal pa. Hindi na ako engaged.â
Napatitig ako sa kamay naming magkadikit. Hindi ako umatras. Pero hindi rin ako gumalaw.
âSir⊠hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi pa ako buo. Hindi ko pa alam kung deserve ko âtoâkung deserve mo âko.â sagot ko naman. Napaisip ako baka nga siguro ako ang dahilan ng break up nila ni Callie. Everything is so sudden at nahihirapan akong mag react.
I thought I already made a decision: to run away from someone na pinanata ko. And yet, nandito siya ngayon, trying to get close to me.
âThen let me show you you do,â bulong niya, mas malapit.
Muntik ko nang bitawan ang lahat. Muntik ko nang hayaan ang sarili kong mahulog.
Pero tumayo ako.
âSir, I have to go. Na-email ko na rin po âyung final layout draft.â
Hindi siya gumalaw. Nanatili siyang nakaupo sa edge ng lamesa, nakatingin lang sa akin. Hindi galit. Hindi rin disappointed. Pero halatang nasaktan.
âYou always run away,â ulit niya.
At ngayong gabi, hindi ako nagpatuloy sa argumento. Kasi totoo siya.
Ako nga âtoâtakot, naguguluhan, at ngayon, hinahabol ng dalawang lalaking parehong may saysay sa puso ko. Pareho nga ba? Kasi ang alam ko bias pa rin ako sa panata ko kahit na pinunit ko na âyon at binaon na sa limot.