Huminga ako nang malalim habang buhat-buhat si Kyler. Mahimbing ang tulog nito at talagang ayaw magpagising. Hindi ko rin siya isinasayaw o isinasakay sa duyan dahil ayaw kong masanay siya sa ganoon. Iyon kasi ang sabi ng mga matatanda kaya sinunod ko. Wala namang masamang sumunod dahil para sa akin din naman iyon. Mahirap kasing mag-alaga ng bata lalo na kapag nasanay na isayaw o kaya naman ay isakay sa duyan para lang makatulog. Hahanap-hanapin daw kasi niya kapag ganoon. Kaya minabuti kong buhatin na lang o tapik-tapikin ang kaniyang paa hanggang siya ay makatulog. "Umalis na sila?" tanong ko kay Kazimir nang pumasok siya sa kuwarto namin. Tumango naman siya at lumapit sa akin para halikan ako sa aking noo. Hinatid niya kasi ang mga kaibigan niya dahil uuwi na sila sa Manila. May

