"Do you have any cravings, baby?" Kazimir asked. Nandito kami ngayon sa kitchen dahil balak niya raw mag-bake ng brownies saka cinnamon. Hindi naman ako nagki-crave ng mga tinapay dahil pakiramdam ko lagi ay busog ako. Madalas ko lang kainin ay ang pipino saka kamatis. Bukod doon, wala na. Kaya hindi talaga nahihirapan ngayon si Kazimir sa akin. Hindi kagaya kay Kyler noon, talagang makikipag-away pa ako para lang kainin ang gusto niya. Napapatampal na lang talaga ako ng aking noo dahil sumasagi sa akin madalas iyon. Ang hirap kontrolin dati ng sarili ko sa sobrang moody ng anak namin. Mabuti na lang talaga at nairaos ko ang bagay na iyon. Inayos ko naman ang pagkakakarga kay Kyler na ngayon ay dumedede pa rin sa akin. Medyo tumutubo na rin ang ngipin niya. Kaya madalas akong map

