Sa ilang weeks kong pagbubuntis sa pangalawa naming anak, ngayon lang ako nagsuka dahil sa ipinakain sa akin ni Kazimir na mashed potato. "Are you okay?" nag-aalala niyang tanong sa akin. Naghilamos naman ako at inis na tiningnan siya nang masama. Kung anu-ano kasi ang niluluto tapos pinakain pa sa akin kahit na sinabi ko namang ayaw ko talagang kainin. Hindi naman sa maarte ako pero kasi kapag alam kong ayaw ko, ayaw ko. Kaso mapilit kasi itong lalaking ito kaya ano napala ko ngayon? Nagsuka. Tapos tatanungin niya ako kung ayos lang ba ako? "Bakit kasi mapilit ka masyado?" napipikong tanong ko sa kaniya habang naghihilamos. Tubig lang naman ang isinuka ko at kaunting patatas. Hindi ko alam kung bakit hindi ko gusto ang lasa. Kung tutuusin ay may kaunting gatas lang naman iyon at mga

