Kazimir is the type of person who loves to stick with one plan. Why? Kasi kalkulado na niya lahat. Sa ilang mga labanan ba naman ang kanilang nalampasan na hindi sila nauubos at dehado sa pakikipaglaban, kakailanganin pa rin ba niyang magplano? Ang goal lang nila ngayon ay makapunta sa lugar kung nasaan sina Gladys at patayin kung sino ang taong nasa likod ng lahat. Ngunit bakit iba ang kaniyang nararamdaman habang papalapit na sila sa lugar na kung saan nila nakita sa tracker? Umiling lamang si Kazimir at pilit tinatanggal sa kaniyang isipan ang takot na namumuo sa kaniyang puso. Marami siyang mga kasama sa eraplano pero hindi pa rin matanggal sa kaniyang isipan kung bakit siya kinakabahan. Pakiramdam niya ay may maling mangyayari pero hindi niya lang sigurado. Kaya mabilis niyang nili

