Mabilis na gumalaw sina Kazimir matapos nilang magplano muli. Nalaman na kasi niya kung gaano kalawak ang lugar na kanilang puntiryahin at siguradong maraming madadamay na tao. Kaya talagang pinaghandaan nila at kinakuntiyaba pa nila ang president ng Italy para lamang paalisin ang nga taong nasa Milan. Ipinalabas iyon sa lahat ng news platform at internet na kailangan nilang umalis sa Milan sa lalong madaling panahon. Bakit nila ginawa iyon? Dahil alam nilang maraming madadamay na sibilyan at mas lalong hindi naman sila taga roon para pumatay ng mga tao. Ang goal kasi nila ay iligtas lamang ang lahat na puwedeng iligtas kahit na hindi naman talaga nila ugali ang ganoon. Para bang nagbago sila magmula nang makita nilang mahal na mahal talaga ni Kazimir si Gladys. Kaya wala talaga silan

