GEORGE
Pinasadahan ko ng tingin ang sarili sa
malaking salamin sa aking kwarto. Suot ko ang t-shirt ng Kuya Gab ko. Si Kuya Gab ang bunso sa lalaki. Sa kan'ya ako palaging nanghihiram ng damit dahil siya lang naman ang nagpapahiram sa akin.
Sinipat ko ang suot ko pang-ibaba. Nakasuot ako ng short na malaki. Ganoon ako kapag nasa bahay lang naman. Samakatuwid ay lalaki ako manamit. Kinalakihan ko na iyon dahil puro lalaki ang kasama ko sa bahay. Puro lalaki din ang mga kaibigan ko. Tanging si Luisee lang ang naging kaibigan kong babae. Mabilis ko siya naka-palagayan ng loob noong nag-aaral pa kami.
Sumimangot ako ng maalala ko ang sinabi ng mayabang na lalaki na iyon. Tomboy daw ako? Lalaki lang ako manamit pero hindi ako tomboy.
"Sino ba siya para sabihin sa akin na tomboy ako?" reklamo ko sa sarili.
"George?" tawag sa akin sa labas ng aking kwarto.
Binuksan ko iyon at si Kuya Gino ang napagbuksan ko. Si Kuya Gino ang pangatlo, siya ang sinundan ni Kuya Gab. Ang panganay sa amin ay si Kuya Giro na sinundan naman ni Kuya Gil. Sa madaling salita ay ako ang bunso at nag-iisang babae. Halos dalawang taon ang pagitan ng mga edad ng mga ito. Ako naman ay tatlong taon ang agwat ng edad kay Kuya Gab.
"Bakit kuya?" tanong ko. Kumunot ang aking noo dahil malawak ang pagkakangiti nito.
Hinawakan nito ang aking ulo at ginulo ang aking buhok. Pagkatapos niyon ay pinisil ang aking pisngi.
"Aray! kuya naman, bakit ba?" bulalas ko.
"Dalaga na ang kapatid ko," sambit nito. "Hindi mo sinabi na may foreigner ka palang kaibigan. Lumabas ka na at naghihintay siya sa sala." Pagkatapos nito iyon sabihin ay tumalikod na ito sa akin.
Napaisip ako kung sino foreigner na sinasabi nito. Wala naman akong kaibigan na may lahi. Katunayan nga niyan ay puro balasubas ang kaibigan ko. May tisoy din naman pero hilaw.
Minabuti ko na lang na lumabas ng kwarto. Dahil hindi naman ganun kalaki ang bahay namin ay dinig ko ang usapan sa sala.
"Kailan pa kayo naging magkaibigan ni George?" tanong ni Kuya Gino.
"Since college. Akala ko nga hindi na kami magkikita dahil almost ten years na din nung huli ko siyang makita," sabi ng baritono na boses.
Napasinghap ako ng mabosesan ko ang nagsalita.
"Anong ginagawa ng siraulong iyon dito?" bulong ko.
"Actually, close kami ni George. Wala lang kaming maayos na paghihiwalay no'ng college. Kaya nga natutuwa ako ng magkita kaming muli," dugtong pa nito.
Gusto ko siya sugurin ng suntok. Sinungaling, kailan kami naging close?
"Talaga? Malihim talaga iyang kapatid namin. Ang sabi kasi n'ya, si Lui lang daw naging kaibigan niya no'ng nag-aaral pa siya sa kolehiyo," sabi naman ni Kuya Gab.
"Malihim talaga iyang si George. Minsan nga nagugulat na lang ako nakikipag-away na pala siya," tumawa ito pagkatapos nito iyon sabihin.
Hindi ko na yata kayang pakinggan ang sinasabi ng lalaking iyon kaya nagpakita na ako sa kanila. Nakaupo ang mga ito sa sofa. Sabay-sabay silang tumingin sa akin.
"Hoy! Anong pinagsasabi mo? Sinungaling s'ya kuya. Tumigil ka mayabang na lalaki! Umalis ka dito kung hindi ipapadampot kita sa baranggay!" bulyaw ko sa kan'ya.
"Oo nga ano, close nga kayo nitong si George," nangingiti na wika ni Kuya Glenn.
"See, sa sobrang close namin sigaw ang salubong sa akin. Ganyan niya ako ka-miss," sarkastiko nitong wika na may ngisi sa labi.
"George, umayos ka nga. Ngayon na nga lang kayo nagkita, ganyan ka pa sa kanya. Ipaghanda mo s'ya ng meryenda," utos ni Kuya Gab sa akin.
"Kuya, hindi ko siya kaibigan. Si Lui lang naging kaibigan ko nung college," baling ko sa dalawa kong kapatid.
"George! Sige na, pumunta ka na ng kusina. Maghanda ka ng meryenda," sigunda naman ni Kuya Gino.
Padabog kong tinungo ang kusina. Wala sa loob na naghanda ako ng meryenda niya.
"Bwisit na lalaking iyon. Ang kapal ng mukha na sabihing magkaibigan kami. Close daw, saan naman banda?" bulong ko sa sarili habang nagtitimpla ng inumin niya.
"May sinasabi ka?" Napaigtad ako ng marinig ko ang boses mula sa aking likuran.
Humarap ako ngunit nagulat ako ng bumangga ako sa matigas na bagay. Sumakit ang ilong ko kaya mabilis ko siyang tinulak palayo sa akin.
"Ano bang ginagawa mo dito?!" Singhal ko sa kan'ya.
"Baka kasi lagyan mo ng lason ang pagkain ko. Mas maganda na ang sigurado," nakangisi nitong turan.
"Pwede ba, umalis ka na. Hindi mo ako makukumbinsi. Wala akong sasabihin sa'yo!" singhal kong muli sa kan'ya.
"Ganyan ka ba talaga makipag-usap sa kaibigan na matagal mong hindi nakita?" tanong nito.
Lumapit siya sa akin. Dahil nasa edge ako ng mesa ay hindi na ako makaatras.
Nakapamulsa siyang yumukod at inilapit ang mukha sa akin. Naamoy ko ang mabango niyang hininga. Kumakain ba siya ng pabango?
"I told you, I will make your life miserable. Tsk! Kahapon lang tayo nagkita nakalimutan mo na agad. Baka kailangan mo ng uminom ng memo plus para naman hindi mo makalimutan," Litanya nito.
Hindi na yata ako makahinga sa sobrang lapit nito. Baka kapag nagsalita ako ay maamoy nito ang kinain kong mani.
Bumaba ang tingin nito sa ibabang parte ng mukha ko. Kinabahan ako sa maaari nitong gawin. Kilala ko ang lalaking ito. Marami na ang dumaan sa buhay nito dahil tinagurian itong Playboy ng grupo. Nasaksihan ko na iyon minsan.
"Gawin mo ng miserable ang buhay ko pero isa lang ang sasabihin ko sa'yo," bumaba ang tingin ko sa labi nito dahil naagaw ng pansin ko mapupula nitong labi. Pakiwari ko ay malambot din iyon. I'm sure, tuwang tuwa ang mga babaeng hinalikan nito. "You're such a loser, Syke Perkins."
Sumilay ang ngiti sa labi nito. Tila may naglalaro sa utak nito.
"Really, huh?" tumaas ang kamay nito at hinawakan ang aking baba. Tila may dumadaloy na kuryente sa pagkakadantay ng kamay nito sa balat ko. "Sounds interesting, nagsisimula pa lang tayo George."
Tumayo ito ng tuwid. I heard his deep sigh. Tumalikod na ito sa akin. Nagsimula itong maglakad palayo ngunit kalauna'y tumigil at pumihit muli sa akin.
"Just tell me where she is at hindi na kita guguluhin," sabi ni Skye. Pagkatapos nito sabihin 'yun ay lumabas na ito ng kusina.
Naiwan akong kinakapos ng hininga. Hindi ko maaaring sabihin kung nasaan si Lui. Tahimik na ang buhay ni Lui ngayon. Ayokong magulo na naman ang buhay ni Lui dahil kay Haru. Nakita ko kung paano siya naghirap ng dahil sa kaibigan ni Syke. Kaya kahit seryoso ito sa sinabi na hindi ako titigilan at gagawing miserable ang buhay ko ay ayos lang, alang-alang kay Lui.
Kinabukasan ay sumama ako kay Kuya Giro at Kuya Gil sa talyer. Wala naman ako gagawin sa bahay at wala akong pasok sa pinapasukan kong opisina dahil sabado.
Dahil marunong ako kumalikot ng sasakyan ay nag prisinta ako na tutulong ako sa mga kapatid ko.
Nasa ilalim ako ng sasakyan at inaayos iyon ng may napansin ako na pumarada na isang sasakyan sa talyer. Marahil magpapagawa din ito.
"Hi, pasensya na bumalik ako," sabi ng pamilyar na boses.
Dahil nakalabas ang mga binti ko ay dahan dahan ko iyon itinago sa loob para itago.
"Walang problema boss," saad ni Kuya Giro. "Nakwento ka pala ni Glenn at Gab, totoo ba iyon?" Dugtong ni Kuya Giro.
Napakagat ako sa aking ibabang labi. H'wag sana sabihin na nandito ako.
"Oo, she's my friend. Anyway, galing ako sa inyo. Nandito daw siya kasama n'yo?"
Bwisit! Siguristang lalaki. Talagang dumaan pa ng bahay.
"Bakit? May kailangan ka ba sa kan'ya?" tanong ni Kuya Gino.
Napangiti ako. Sa apat kong kapatid na lalaki si Kuya Giro ang istrikto at overprotective sa akin. Kaya nagpapasalamat ako at may naging kapatid ako na tulad nito.
"Isasama ko sana siya, okay lang ba? May pupuntahan lang kami," paliwanag nito.
Hinintay ko sumagot si Kuya Giro. Dalangin ko na sana huwag siyang pumayag na isama ako ni Syke. Sinabi ko sa kan'ya na hindi ko kaibigan si Syke. Pero hindi ako sigurado kung naniniwala siya sa sinabi ko.
"George, may pupuntahan daw kayo ni Syke," tawag sa akin ni Kuya Giro.
Napasimangot ako ng tinawag ako ni Kuya Giro. Wala na akong nagawa kun'di ang lumabas.
Nang sulyapan ko si Syke ay pilyo itong ngumiti sa akin.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko kaagad sa kan'ya.
"You'll see," sabi lang nito.
"Magpapaalam muna ako kay Kuya Gil," sambit ko.
"Bakit? Hindi mo din ba ako kuya at kailangan mo pa magpaalam kay Gil?" sarkastiko na tanong ni Kuya Giro.
Ngumuso ako. Dapat pala hindi na lang ako sumama dito. Para ko lang ipinain ang sarili ko sa buwaya. At si Syke ang buwayang iyon.
"Syempre, pinayagan mo na ako. Pero paano kung hindi pumayag si Kuya Gil?" tanong ko sa kan'ya.
"Sino ba ang panganay?"
"Ikaw,"
"O, pumayag ako kaya sumama ka na. Ako na magsasabi kay Gil."
"Kuya naman eh," pumalatak ako.
Sinulyapan ko si Syke na halatang pinipigilan ang tumawa.
Wala na akong magawa kun'di ang sumama kay Syke. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil hindi nito ako sinasagot kapag tinatanong ko kung saan kami pupunta. Seryoso lang itong nakatuon sa daan.
Huminto kami sa isang mall. Sumulyap ako sa kan'ya. Mamimili lang pala siya isinama pa ako.
"Bakit kailangan mo pa ako isama, mamimili ka lang pala?" takang tanong ko sa kan'ya.
"Ikaw ang taga-bitbit ko. May reklamo ka?"
Damuhong 'to. Gagawin pa akong taga-bitbit nito.
Inalis na nito ang seatbelt at akmang bubuksan ang pinto ngunit pumihit ito paharap sa akin. Lumapit ito dahilan para mapaatras ako ngunit saka ko lang napagtanto na naka-seatbelt pa pala ako.
"You know what?" anas nito.
"A-ano 'yon?" nauutal kong wika.
Inangat nito ang kamay at hinawakan ang aking pisngi. Putik! Masasapak ko talaga ang lalaking ito. Namimihasa na nakahawak sa akin.
Gamit ang hinlalaki ay may kung anong tinanggal ito sa aking mukha.
"Tumingin ka nga muna sa salamin. Ang dumi ng mukha mo. H'wag kang bababa hanggat may dumi ka sa mukha." Pagkatapos nito iyon sabihin ay bumaba na ito.
Para naman akong napako sa aking kinauupuan. Si Syke Perkins, inaalala ako? Gusto ko matawa sa ikinilos nito.
Sinipat ko ang sarili sa salamin. Nanlaki ang mata ko ng makita kong may grasa ako sa mukha. Hindi ko na nagawa na magsalamin dahil hindi ko naman ugali ang manalamin pa.
Tinanggal ko iyon gamit ang aking kamay. Nang matapos ay nanatili pa din akong nakaupo. Bahala itong maghintay ng matagal.
"Hey! Are you going to look at your face all day or what?"
"Ayoko sumama sayo. Kung gusto mo mamili, pwes mag-isa ka!" bulyaw ko sa kan'ya.
Nakita kong umikot siya at binuksan niya ang pinto kung saan ako nakaupo.
"Gusto mo bang hilahin pa kita palabas ng sasakyan o kusa kang lalabas?" banta nito sa akin.
Hindi ko siya pinansin. Nanatili pa din akong nakaupo. Bahala siyang manigas. Hindi ko siya hahayaan na utosan ako. Wala siyang karapatan.
"Dammit! You brat!" bulalas nito.
Hindi na ako nakagalaw ng lumapit siya at pilit na inaalis ang pagkakakabit ng seatbelt. Sobrang lapit nito sa akin dahilan para kapusin na naman ako sa paghinga.
Nag-angat siya ng mukha ngunit dahil nakayuko ako ay tumama ang noo ko sa ulo nito. Sapo ko ang aking noo at napadaing ako sa lakas ng pagkakauntog ko sa kan'ya.
"f**k! Are you alright?" naga-alala nitong tanong.
Tinanggal nito ang kamay ko sa aking noo at hinawakan nito ang aking mukha gamit ang dalawa nitong kamay. sinipat nito ang noo ko.
"O-okay lang ako Syke."
Tumigil ito sa pagsipat sa aking noo. Until I realized that we are staring at each other. Hanggang sa naramdaman ko ang paghaplos nito sa aking mukha. Marahan iyon. Pakiramdam ko ibang Syke ang kaharap ko.
"Next time, don't get hurt."