Chapter 3

1927 Words
GEORGE Halos hindi na ako magkandaugaga sa mga dala ko. May hawak ako sa magkabilang kamay at may nakasukbit pa sa aking balikat. Hindi na nga yata maipinta ang mukha ko dahil tila sinasadya nito na pahirapan ako. Well, iyon nga pala ang pakay nito. Ang maging miserable ang buhay ko. "May bibilhin ka pa ba? Kulang na lang bilhin mo ang buong boutique," reklamo ko. Naglalakad kami sa mall. Pagtitinginan na kami ng tao. Hindi dahil sa marami akong bitbit kun'di sa lalaking walang pakialam kahit madapa pa ako dahil sa dami ng dala ko. "I'm hungry, where do you want to eat?" bagkos ay tanong nito. "Jollibee," mabilis kong sagot. Tumigil ito at humarap sa akin. Kunot ang noong tinitigan nito ako. "Are you serious?" takang tanong nito. Umikot ang mata ko. Oo nga pala, sosyal ang damuhong ito. "Bakit? May allergy ka ba sa mga mumurahing pagkain?" natatawa kong tanong sa kan'ya. "Whatever," tumalikod na ito sa akin at nagpatuloy sa paglalakad. Napangiti ako ng tinungo namin ang sinuhistyon kong fast food chain. Infairness, masunurin din pala ang mayabang na ito. Nakasimangot na naman ako dahil halos lahat ng nasa loob ay nagbubulungan habang papasok kami. Syempre ang kasama ko na naman ang pinag-uusapan ng mga ito. Naghahanap kami ng bakanteng upuan. Nakakita naman kami agad. Nilapag ko lahat ng dala ko at pasalampak akong naupo. Pakiramdam ko hindi pa tapos ang araw ko ay pagod na pagod na ako. Sinulyapan ko siya na salubong ang kilay na nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit? Pati ba naman pag-upo ko, kukwestyunin mo pa?" inirapan ko siya. "Samahan mo ako um-order," sambit nito. "Pagod na ako, Syke. Kaya mo na 'yan," anas ko. Nagkamot ito sa ulo. Tila may gusto pa itong sabihin. "I don't know how to order here," sabi nito na tila nahihiya at umiwas sa akin ng tingin. Gusto ko matawa sa itsura nito. Para itong bata na nakikiusap. Wala akong nagawa kun'di ang tumayo at ako na ang um-order. Hindi ko na ito tinanong kung ano ang gusto nito. Sinamantala ko na din na damihan ang order dahil hindi naman ako ang magbabayad. Um-order ako ng isang Chickenjoy Bucket chili flavor na may kasamang Jolly spaghetti family pan. Large fries, syempre ginawa ko iyong dalawa. Large na drinks at um-order pa ako ng sundae. Nang tapos ko ng sabihin ang aking order sa kahera ay nilingon ko siya. Kumunot ang noo ko dahil tila nakatulala ito. Tinaas ko ang aking kamay para agawin ang atensyon nito. Kukurap-kurap pa ito nang tumingin sa akin. Pinalapit ko siya. "Bayaran mo na," saad ko sa kan'ya. "How much?" tanong nito. Sinabi naman ng kahera ang total amount na babayaran nito. Dahil marami naman itong pera ay balewala na lang para dito ang binayaran. Bumalik na kami sa aming mesa dahil fitften minutes pa bago i-serve ang pagkain. Nakapangalumbaba ako habang hinihintay ang order namin. Sa totoo lang bigla akong nagutom sa mga pinamili nito. Ang kinaiinisan ko lang ay ito ang namimili pero ako ang pinapapili nito. Kung ano na lang ang makita ko na maganda sa paningin ko ay iyon ang pinipili ko. Pakiwari ko ay lahat yata ng babae nito ay bibigyan nito ng damit. "What are you thinking?" pukaw nito sa aming katahimikan. "Ilan ba ang babae mo at napakarami mo yatang pinamili?" bagkos ay tanong ko. Hinintay ko siyang sumagot ngunit nanatili lang itong nakatingin sa akin. "Kapag inisa-isa ko pa sayo baka abutin tayo ng gabi," nakangisi nitong wika. Ang yabang talaga. Kung nakamamatay lang ang irap ay bumagsak na ang lalaking ito. "Hindi ka lang babaero, mayabang ka pa. Palagi ka nagbubuhat ng sarili mong bangko. Wala kang pinagbago Syke Perkins," sambit ko sa kan'ya. "Ikaw din, walang nagbago sa'yo," pinasadahan niya ako ng tingin. "Lalaki ka pa din manamit. Kaya hindi mo ako masisisi George kung tomboy ang tingin ko sa'yo." Sa sinabi nitong iyon ay sinipa ko siya sa paa. Napadaing naman ito sa sakit dahil napalakas yata ang sipa ko sa kan'ya. Tama lang sa kan'ya 'yan. Masyado siyang mayabang. "You know what, blessing in disguise na din na nagkita tayong muli, dahil may kailangan kang gawin para sa akin." Seryoso nitong wika at nangalumbaba din ito. Dahil sa ginawa nito ay bahagyang lumapit ang mukha nito sa akin. Sinubukan kong kayanin na makipag-titigan sa kan'ya. Nagawa ko naman iyon dahil ilang segundo na ang lumipas ay nakatitig pa din ako sa kan'ya. "Ang maging alila mo, tama ba ako?" saad ko sa maari pa niyang sabihin. Hindi ko inaasahan ang ginawa nito. Dahil may takas akong buhok ay inipit niya iyon sa aking tenga. Biglang kumalabog ang puso ko. Anong nangyayari? "Kapag sinabi mo sa akin ang gusto kong malaman, hindi kita gagawing alila," sambit nito. Marahan nitong hinaplos ang aking mukha. Matagal akong tinitigan nito sa mga mata na tila inaarok ang kaibuturan ng pagkatao ko. Muli na naman bumaba ang mata nito sa aking labi. Lalo na naman bumilis ang tahip ng aking dibdib. "Can I ask you?" "A-ano 'yon?" "Bakit tomboy ka?" "Walanghiya! Lapastangan! Talipandas! Damuho! Siraulo! Mayabang at higit sa lahat babaero!" sigaw ng utak ko. Mabilis na umangat ang aking kamay at sinabunutan ko siya. Hindi ko hinayaan na mabitawan ko ang buhok nito. Doon na lang ako makakabawi sa kan'ya. "f**k! Stop it George! You're making a scene!" pigil nito sa akin. Pero hindi ko siya tinigilan. "May problema ka ba sa tomboy? Para sabihin ko sa'yo mas masarap magmahal ang tomboy kaysa mga katulad n'yo na pinaglalaruan lang ang mga babae!" sabi ko sa kan'ya saka ko marahas na binitawan ang buhok nito. Pilyo naman itong ngumiti habang inaayos ang nagulong buhok. "Bakit? Nagka-girlfriend ka na ba?" tanong nito. "Bwisit ka talaga!" bulyaw ko sa kan'ya. "Ah, sir, ito na po ang order ninyo," singit ng crew sa amin na dala ang tray na may laman na in-order ko. Habang inilalapag ang mga pagkain na order ko ng crew ay sinulyapan ko si Syke. Nakaawang ang bibig nito habang tinitingnan isa-isa ang pagkain sa harap namin. Gusto ko humagalpak ng tawa. Marahil hindi ito makapaniwala na ganun karami ang in-order ko. Nang kami na lang ulit na dalawa ang nasa mesa ay tinapunan ako nito ng tingin. Nagkunwari akong namamangha sa pagkain na nasa harap para hindi ko s'ya tingnan. "Wow! Ang dami, hindi naman ganito kadami ang in-order ko," patay malisya kong kinuha ang resibo. "Naku! Free pala iyang fries at sundae. Ang swerte ko naman ngayong araw. Mabuti na lang at dito tayo kumain," sabi ko. Pagkatapos ko iyon sabihin ay pumalakpak ako na parang bata. Salubong ang kilay nito ng sulyapan ko na kalauna'y napailing na lamang ito. Dahil sa order ko naman iyon lahat ay marami akong nakain. 'Yung spaghetti ay pinatake-out ko na lang dahil hindi ko na talaga kayang ubusin. Masyado marami na akong nakain kaya tama na. Si Syke naman ay fries na lang ang nilantakan at kumuha ng kaunting spaghetti. Hindi daw siya kumakain ng madami. Baka daw ay masira ang maganda nitong katawan. Hindi talaga nawala ang kayabangan. Pagkatapos namin kumain ay nagpasya na kaming umalis ng mall. Habang nasa elevator kami patungo sa parking area ay may nakasabay kaming dalawang babae. Tila nagpapacute pa ang mga ito sa kasama ko. Hindi nakaligtas sa mata ko ang sikuhan ng mga ito at bulungan. Ang sarap tadyakan ng mga ito. "Hi, you must be Syke Perkins, right?" tanong ng isang babae na hindi nakatiis. "Yeah," tipid nitong sagot. "I'm Dianne," inilahad ng babae ang kamay sa kaharap. Sumilay ang ngisi sa labi ko ng tiningnan lang nito ang kamay ng babae. Tumingin siya sa akin. Agad napalis ang ngisi sa labi ko ng lumapit siya ng bahagya at kinuha ang ibang bitbit ko. Hinawakan nito ang kamay ko at pinagsalikop iyon. "I'm sorry, but I'm with my girlfriend. If you don't mind, lalabas na kami." Wala akong nagawa ng lumabas na kami ng elevator dahil sakto namang bumukas iyon. Naiwang walang imik ang dalawang babae. "Anong ginawa mo?" takang tanong ko sa kan'ya. "Trying to be nice in front of you," sagot nito na hawak pa din ang kamay ko. Narating namin ang sasakyan nito na magkahawak pa din ang aming kamay. May pagkakataong talaga na hindi ko makuha ang ugali nito. Wala itong pinagbago, tulad pa rin siya ng dati. Binitiwan na nito ang aking kamay at kinuha ang dala ko. Nilagay nito 'yon sa compartment ng sasakyan. Pagkatapos ay humarap sa akin. "Ang gaspang na kamay mo. Talo pa ang kamay ng lalaki," nakangisi nitong turan. "Aba't talagang. Sino ba may sabi sa'yong hawakan mo ang kamay ko? Nagpakilala na sa'yo yung babae tinanggihan mo pa. Himala, dapat na ba akong magpa-misa dahil tumanggi ka sa babae?" sarkastiko kong wika sa kan'ya. Umiling-iling ito. Tinungo na nito ang harapan ng sasakyan. Papasok na ito sa Drivers seat ng pumihit siya sa akin paharap. "George, if I said that I'm trying to be nice in front of you, please believe it," sambit nito na emosyon ang mukha. Hindi ako nakapagsalita sa sinabi nito . Pero dahil hindi ako naniniwala sa lumalabas sa bibig nito ay hindi ako, kilala ko ang galawan ng isang ito. Papasok na siya sa kan'yang sasakyan ng hindi ko mapigilan ang magsalita. Kapag hindi ko ito sinabi ay tiyak na hindi lang ako makakatulog dahil hindi ko sinabi sa kan'ya. "Bakit? May mali ba sa sinabi ko? Tama naman ako hindi ba? Kulang na nga lang na kahit lagyan ng palda ang poste ay papatulan mo na," anas ko. Hindi nakaligtas sa mata ko ang pagtangis ng bagang nito. Dumilim din ang mukha niya. Padabog nitong sinara ang pinto ng sasakyan at inilang hakbang lang ang kinatatayuan ko. "What did you just say?" tanong nito na may diin ang bawat binitawang salita. Hindi ako natinag sa boses nito. Nanatili lang akong nakatayo sa harap nito at pilit na nakikipag-titigan sa kan'ya. "Ang alin? Na kulang na lang pati poste patulan mo kapag sinuotan ng palda? Iyon ba?" ulit ko sa sinabi kanina. Nagulat ako ng mahigpit nitong hinawakan ang aking braso at nilapit ako sa kan'ya. Dahilan para magkadikit kami. "Bawiin mo ang sinabi mo Georgette," matalim ang tingin na ipinukol nito sa akin. Lalong humigpit ang pagkakahawak nito ng hindi ako nagsalita. Ang paraan ng pagbigkas nito sa buong pangalan ko ay may diin. Tila sa pangalan ko nito binuhos ang inis sa akin. "Bakit ko babawiin kung totoo naman. Babaero ka Syke at iyon ang totoo. Para sa'yo, return and exchange ang mga babae. Wala kang pakialam kahit masaktan sila. Basta ang mahalaga sa'yo ay ang kaligayahan mo. Isa kang tinaguriang Certified Playboy, Syke. Iyon ang pagkakakilala ko sa'yo." Mahaba kong litanya at pagkatapos ay iwinaksi ko na ang braso ko para maalis iyon sa pagkakahawak nito. Tinulak ko siya saka ako mabilis na tumalikod sa kan'ya. Magda-dahilan na lang ako kapag tinanong ako ni Kuya Giro kung bakit nag-iisa ako. Nang bigla ako nakaramdam na parang hinahalukay ang aking tiyan. Napahinto ako at kumapit ako sa isang sasakyan na nandoon. Sapo ko ang aking tiyan dahil sumakit iyon. Nakaramdam ako na parang paakyat iyon hanggang sa aking lalamunan. Hindi ko na napigilan ang sarili na sumuka kung saan ako nakatayo. Nanlalamig ang buong katawan ko at para akong nahihilo. "George?" Si Syke na nag-aalala ang mga mata ng sulyapan ko. Napakapit ako sa braso nito dahil nagdidilim na ang paningin ko. "S-Syke," sambit ko bago ako nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD