Chapter 4

2204 Words
GEORGE Halos humaba na ang nguso ko habang lulan ng sasakyan ng kasama ko na kanina pa ngising-ngisi dahil sa nangyari. Paano ba naman, nang mawalan ako ng malay ay dinala kaagad ako nito sa ospital. Nang magising ako ay saka ko lang napagtanto kung nasaan ako naroon. Sinermunan ko pa ito kung bakit dinala pa ako nito sa ospital samantalang nawalan lang naman ako ng malay. Ang sabi nito ay kailangan daw niyang gawin iyon dahil natakot siya lalo na at pumayag ang kapatid ko na sumama ako sa kan'ya. Ayon sa doktor ay nabigla raw ang aking tiyan dahil sa mga kinain ko. Walang laman ang tiyan ko ng umalis kami sa talyer. Hindi pa kasi ako kumakain ng almusal at inuna kong inumin ang sofdrinks kaya nalamigan ang tiyan ko. Naging sensitibo ang sikmura ko kaya nagsuka ako at nahimatay. Nakiusap din ako kay Syke na kung maaari sana ay huwag ng banggitin kay Kuya Giro dahil sigurado ako na sisermunan ako ng kuya ko. Kilala ko ang mga iyon, pagdating sa kalusugan ko ay maingat sila. Palibhasa kasi ay nag-iisang babae akong kapatid. Sarap lang maging babae dahil alaga talaga ako ng mga kuya ko. Sa paningin lang ni Syke ay hindi ako babae. Tinapunan ko ito ng tingin. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang pagpipigil nitong tumawa. Sa inis ko ay sinuntok ko ito sa braso nito. "What the hell? Why did you punch me?" tanong nito na hindi alintana ang ginawa kong suntok. Ako pa nga yata ang nasaktan sa ginawa ko dahil sa tigas ng braso nito. "Kung gusto mong tumawa, huwag mong pigilan. Nakakainis ka na ha. Kanina ka pa tuwang-tuwa na nahimatay ako." Naiinis na wika ko sabay ismid. "So, pwede na akong tumawa because you gave me permission?" naniniguradong sabi nito. "Ewan ko sa'yo." Naiinis na sambit ko. Hanggang sa narinig ko na nga ang malutong na tawa nito. Kung hindi lang ito nagmamaneho ay baka hindi lang braso ang sinuntok ko. Gusto ko na nga undayan ng suntok ang mukha nito pero nag-alangan ako dahil nagmamaneho ito. Baka kapag ginawa ko iyon ay maging sanhi pa ito ng aksidente naming dalawa. Isa pa, hindi ko rin kayang dapuan ng kamao ko ang mukha nito, ang gwapong mukha nito. Baka kapag ginawa ko iyon ay ako naman ang balikan nito. Hindi malabong mangyari iyon dahil hindi naman babae ang tingin niya sa akin kun'di lalaki. Hinayaan ko siyang tumawa. Pero may biglang naglaro sa utak ko. Tutal naman ay lalaki ang tingin niya sa akin, ayos lang na gawin ko ito. Kanina pa kasi ako nagpipigil. Pero dahil gusto ko makaganti sa lalaking ito na tuwang-tuwa ay gagampanan ko na ang pagiging lalaki sa harap nito. Nakahinga naman ako ng maluwag nang mailabas ko iyon. Sigurado naman ako na mapapansin agad nito dahil sarado ang bintana ng sasakyan nito. Hahalo iyon sa buga ng aircon ng sasakyan. "Ang sarap naman," sabi ko sabay pilyang ngumiti. "Anong masarap?" walang kamuwang-muwang na tanong nito. "Wala," nakangisi kong wika sabay sulyap rito. Hindi nakaligtas sa mata ko ang pag-iba ng reaksyon ng mukha nito. Nagsalubong din ang kilay nito. Nakita ko kung paano lumaki ang butas ng matangos nitong ilong. Tinapunan ako nito ng tingin. Huli na para umiwas ako ng tingin dahil nakita nito ang ngisi sa labi ko. "What the f**k, George, umutot ka?" hindi makapaniwalang tanong nito na halos magdikit na ang kilay dahil sa pagkakasalubong saka muling binaling ang tingin sa kalsada. "Oo, hindi ko na napigilan, eh," walang kiyemeng sagot ko. "You, brat," usal nito at hininto ang sasakyan sa tapat ng gasoline station. Tinanggal nito ang seatbelt at binuksan lahat ang bintana. Natatawa naman ako sa reaksyon nito dahil tila nagpipigil ito ng paghinga para lang hindi malanghap ang pinakawalan kong pasabog. "Huwag mo pigilan huminga, baka mautot ka rin niyan," biro ko rito habang nakangisi. "Shut up," saad nito saka lumabas ng sasakyan. Isang matagumpay na ngiti ang aking pinakawalan habang tinitingnan ito na kinukusot ang ilong. Tuwang-tuwa ako sa reaksyon nito. At least, nakaganti na ako rito. Nang masiguro kong wala na akong maamoy ay bumusena ako para maagaw ang atensyon nito. Para kasi itong hindi mapaanak na pusa sa paroo't parito nito. "Ang arte, akala mo naman ang bango ng utot n'ya," reklamo ko sa sarili. Bago ito pumasok ay tinakpan nito ang ilong. Sinamaan naman ako nito ng tingin. "Sana sinabi mo. Dito ka pa talaga sa kotse ko nagpasabog," sabi nito na nagpipigil na may gawin sa akin. Tumaas naman ang isang kilay ko at saka nakangising ngumiti rito. Ang sarap pa rin talaga nitong asarin. Kahit noon pa man ay palagi na kaming nagpapalitan ng mga salita na animo'y mortal kaming magkaaway. Wala pa rin pala nagbago kahit sampung taon kaming hindi nagkita. "Kung lagi mo akong kasama ay lagi mo rin maaamoy ang mga pasabog ko. Kaya kung ayaw mong maamoy, tigilan mo na ako." Makahulugan kong wika saka tinaas baba ang dalawang kilay ko saka matamis na ngumiti. Kumunot naman ang noo nito. Saka ko lang napagtanto na titig na titig ito sa akin. Wala itong kakurap-kurap habang nakatitig sa akin. Tinanggal na rin nito ang kamay sa ilong nito. Mula sa aking mata ay awtomatikong bumaba ang tingin nito sa aking labi. Hindi ko alam kung ano ang naglalaro sa utak nito. Iniisip kaya nito kung may nakahalikan na akong babae? Sa naisip kong iyon ay tumaas ang balahibo ko. Hindi ko ma-imagine na may hinahalikan akong babae. Hindi ko napigilan na basain ang labi ko gamit ang dila ko saka kinagat ang ibabang labi. Mula sa labi ko ay lumipat ang tingin niya sa mga mata ko. Pinakatitigan ako nito. Tila ba sinusuri nito ang pagkatao ko sa paraan ng tinging pinupukol nito sa akin. "B-bakit?" tanong ko na hindi ko maiwasan ang mautal. Tila naman napukaw ko ang atensyon nito sa tanong kong iyon. Mabuti na lamang dahil para na akong matutunaw sa tingin nito. "Wala lang. I wonder, ang malas ng magiging girlfriend mo. Mabubusog siya sa mabaho mong utot." Nakangising sabi nito. Sumimangot naman ako at umayos na ng upo saka tinutok ang tingin sa harap ng sasakyan. "At least, sa utot ko siya mabubusog. Hindi katulad mo na ikaw lang ang mabubusog." Makahulugan kong wika. "What do you mean by that?" "Eh, 'di ba nga, playboy ka. Ikaw lang ang masaya. Samantalang ang mga babaeng nakilala mo ay iniiwan mong luhaan. Masakit 'yon sa part ng babae. Kaya kung ako magkaka-girlfriend, paliligayahin ko sila, hindi piiyakin." Nakangiti kong wika saka muli itong sinulyapan. Tila naapektuhan ito sa sinabi ko dahil dumilim ang mukha nito. Kapagkuwa'y dahan-dahan itong lumapit sa akin. Bahagya kong nilayo ang mukha ko. Pero dahil wala na akong maatrasan ay nauntog ang ulo ko sa wind shield ng sasakyan nito. Awtomatikong gumalaw ang kamay nito at nilagay sa likod ng ulo ko. May biglang nagrambulan sa dibdib ko. Animo'y naghahabulan na mga kabayo sa loob nito. Saka ko lang din napagtanto kung gaano kagwapo sa malapitan ang certified playboy na ito. Ngayon ko lang ito natitigan ng mas malapit. Ang kinis ng mukha niya. Wala itong mga open porses. Bigla tuloy akong nahiya sa mukha ko. Baka nga may muta pa ako dahil ilang oras din akong walang malay kanina. Malalago rin ang kilay nito na bumagay sa mata nito na animo'y kapag tumingin ka ay para kang hinihipnotismo. Ang ganda ng bughaw nitong mata na kahit sinong babae na madapuan lang ng tingin nito ay bibigay na. Kakaiba ito tumingin. Animo'y inaarok ang kaibuturan ng pagkatao ng sino mang matitigan nito. Katamtaman lang ang tangos ng ilong nito. Masarap nga pisilin ito pero nagpipigil lang ako dahil baka kung ano ang isipin nito. Hanggang sa dumapo ang mata ko sa mapupulang labi nito. Kahit hindi nito basain ay natural ang kintab ng labi nito. Kumunot ang noo ko ng tila kumibot ang sulok ng bibig nito. Awtomatikong binalingan ko ito at sinalubong ang nga titig nito. "Did you enjoyed the view?" nakangising tanong nito. Kaya naman pala. Dahil gusto ko itong asarin ay matamis akong ngumiti. "Oo naman. Sa gwapo mong 'yan, sinong hindi mag-i-enjoy?" sagot ko at nilapit ang mukha ko rito dahilan para ilayo nito ang ulo. Kumunot ang noo nito at nakipagtitigan sa akin. Ako naman ay matapang kong sinalubong ang titig nito. Gusto ko sakyan ang pagiging mapaglaro nito sa mga babae. Lalaruin ko rin ang nilalaro nito. "George?" mahinang usal nito. Animo'y nang-aakit ang boses nito. "Hmm?" sagot ko na sinamahan ko rin ng pang-aakit. Natutuwa ako sa eksenang ito. Parang gusto ko mag-party mamaya pagdating sa bahay at magsasayaw na walang humpay sa kwarto ko. Kung dati kasi ay iwas ako sa lalaking ito dahil bawat pagkikita namin ay bangayan, ngayon ay natutuwa ako dahil kaya ko palang makipaglaro rito. "What if I kiss you now? Magiging babae ka na ba?" tanong nito. Lihim akong napamura sa sinabi nito. Hindi ko maiwasan ang kiligin pero dahil pareho lang kaming naglalaro ay sasabay ako sa laro nito. "Why not? Kahit halikan mo man ako, walang magbabago dahil babae pa rin ako," sagot ko naman at nilapit kong muli ang mukha ko rito. Muling dumapo ang tingin ko sa mapupula nitong labi. Awtomatikong gumalaw ang kamay ko at pinasadahan ng hinlalaki ang labi nito. "Ilang babae na kaya ang humalik sa'yo? Sigurado ka ba na isasama mo ako sa kanila?" nang-aakit na sabi ko at muli itong sinulyapan. Gusto kong matawa sa reaksyon nito. Animo'y hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi ko. "Hindi na ako tulad ng dati, Syke. Kaya ko ng laruin ang laro mo." Anang bahagi ng utak ko. "Are you serious?" nakangising sambit nito. Dumapo ang kamay ko sa pisngi nito. Bahagya ko pang nilapit ang mukha ko sa mukha nito. Nalanghap ko ang mabango nitong hininga. "Mukha ba akong nagbibiro, Syke?" pang-aarok ko pa. Ngunit nagkamali yata ako ng laro. Tila seryoso ito dahil nilapit na rin nito ang mukha sa akin. "Hindi ba ang sabi mo, kahit poste papatulan ko kapag sinuotan ng palda? Huwag mo akong hamunin, George. Papatulan kita dahil ikaw na rin ang nagsabi na babae ka pa rin. So, simulan na ba natin?" panghahamon nito sa akin. Damuhong ito. Matalino talaga. Ginamit pang dahilan ang mga sinabi ko sa kan'ya. Tinapik-tapik ko ang pisngi nito saka ngumisi. "Alam mo, Syke…" bahagya ko pang pinutol ang sasabihin ko. "Yes?" mapang-akit na sabi nito saka ngumisi. Alam ko naman na sinusubukan lang ako nito. Pero dahil pareho kaming naglalaro lang, pasensya na lang dahil hindi ko na pala kaya ang makipaglaro. Susuko muna ako sa ngayon. "Siraulo ka," may diin na sabi ko sabay layo ng mukha rito at umayos ng upo. Dinig ko ang malutong na halakhak nito. Napangiti na lang ako dahil para kaming mga bata na naglalaro. "I like you already, George. Mukhang magkakasundo na tayo ngayon." Sambit nito saka binuhay ang makina ng sasakyan. Hindi na ako sa talyer nagpahatid, bagkus ay sa bahay na ako nagpaderetso. Ngunit imbis na umalis na ay sinamahan pa ako nito sa bahay. "Kumusta, Syke? Kasama mo pala itong kapatid namin." Salubong ni Kuya Gino sa amin. "Oo, may pinuntahan lang kami," sagot nito. "Pasok ka muna. Wala kaming wine dito pang-meryenda sa'yo, ha. Simple lang kasi ang buhay namin rito." "It's okay, bro. Kung ano na lang ang mayroon. Hindi kasi ako nabusog sa kinain namin ni George. Siya lang kasi ang nabusog." Makahulugang sabi nito saka ako sinulyapan. Pinandilatan ko naman ito dahil baka magsumbong ito sa kuya ko. Nakakalokong lang itong ngumiti sa akin. "Hinatid lang ako ni Syke, kuya. Aalis na s'ya. Hindi ba, Syke?" sabi ko at muli itong pinandilatan. Ngunit imbes na umalis ay inakbayan nito si Kuya Gino at pumasok sa loob ng bahay. Napasabunot na lang ako sa buhok ko. "Araw-araw ko ba makikita ang lalaking iyon? Nakakagigil." Nanggigigil na sabi ko na parang gusto ko na itong tirisin. "George, may meryenda sa kusina. Bigyan mo nga si Syke. Bibili lang ako ng sofdrinks sa labas." Utos ni Kuya Gino. "Opo," sagot ko na lamang. Dumiretso ako ng kusina at nagbungkal ako ng mga nakatakip sa mesa. May nakita akong Maruya. Mukha namang bago pa ito dahil ng dampian ko ng daliri ay mainit-init pa iyon. Iba talaga kapag chef ang kapatid. Kahit asukal at margarine lang ang dapat ilagay ay may syrup pa iyon at may toppings pa na green. Hindi ko alam kung ano iyon. Isang chef kasi sa kilalang restaurant ang Kuya Gino ko. Kaya ang palaging nagluluto sa amin ay ito. "What's that?" "Ay, kabayong bundat!" gulat kong sambit. "Do I look like kabayong bundat?" seryosong sabi nito. "Nagulat kasi ako. Ano ba kasing ginagawa mo rito? Pati ba naman dito nakasunod ka?" "Why not? Baka lagyan mo ng lason iyang pagkain na ibibigay mo sa 'kin." Sagot nito. "Kung pwede nga lang, eh, kaso may konsensya pa naman ako." Sagot ko. "Ano 'yan?" baling nitong muli sa Maruya. "Maruya," "Ano'ng Maruya? Pagkain 'yan? Kinakain ba 'yan?" "Hindi. Inumin 'yan, Syke. Iniinom 'yan." Natatawa kong sabi rito. Napaawang naman ang bibig nito at napapakamot na lang sa ulo saka alanganing ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD