Chapter 5

2559 Words
SYKE Habang lulan ng sasakyan ay hindi ko maiwasan ang mapangiti. Naalala ko kasi ang eksena sa kotse ko kanina. Hindi ko akalain na kaya nitong makipagsabayan sa akin. I was amazed by her naughty gestures. Wala naman pinagbago sa kan'ya. Mapang-asar pa rin siya kapag nagkikita kaming dalawa. Pero hindi ko naman akalain na magaling din siyang sumabay sa mga biruan tulad ng kanina. Sinusubukan ko lang naman siya kung hanggang saan ang kaya niya. Then, boom! Hindi nga siya pumapatol sa lalaki. Nadismaya ako dahil hindi niya ako kayang halikan. Pero wala akong magagawa kung hindi ang katulad ko ang magugustuhan niya. Nanghihinayang lang ako dahil may tinatago rin siyang ganda. Tama. Maganda si George, pero balewala ang ganda niyang iyon dahil hindi naman lalaki ang gusto niya kun'di babae. Rumihistro pa sa isip ko ang maganda nitong ngiti. She has a wonderful smile. I've never seen her beautiful smile before. Kahit noong nag-aaral pa kami sa Stevan University ay ni minsan hindi ko makitang ngumiti ito. Sabagay, kapag nagkikita kasi kami puro na lang bangayan. Puro palitan ng mga salitang mapang-asar. Hindi ko akalain na kapag ngumiti siya ay lalabas ang ganda niya. Nang ngumiti siya sa harap ko, tila huminto ang oras ko. Sa ikalawang beses, para akong nahipnotismo sa pinakawalan niyang ngiti. Wala pang nakagagawa sa akin na parang tumigil ang oras ko sa isang ngiti lamang. Si George pa lamang na hindi ko akalain na may tinataglay palang magandang ngiti. "f**k," bulalas ko at ipinilig ang aking ulo. "Ano ba 'tong naiisip ko? Baka naninibago lang ako kasi ngayon lang kami nagkasama ng matagal." Kumbinsi ko sa sarili. Hindi ko kasi mapaniwalaan na buong byahe ko ay siya ang laman ng utak ko. Hindi naman nangyayari sa akin ito sa tuwing makakatagpo ako ng babae. After having s*x with them, para lang hangin na dumaan sa akin ang mga ito. But, George... "s**t!" sambit ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Muntik ko pang maikabig pakaliwa ang kotse ko. Kamuntikan nang masagi ang kotse ko ng malaking truck. Mabuti na lamang at mabilis akong nakaiwas. Kunot ang noo na sinulyapan ko ang cellphone na nasa harapan ko. Napangiti naman ako ng makita ko kung sino ang tumatawag. It's was George. Bago ako umalis ay hiningi ko ang number nito. Just in case na kailangan ko siya ay agad ko siyang tatawagan. Binigay ko rin ang number ko sa kan'ya para kung sakaling magbago ang isip niya ay tatawagan lang niya ako. Wala siyang magagawa kung hindi ang sumunod sa mga gusto ko. Hanggat hindi niya sinasagot ang tanong ko, hindi ko siya titigilan. Kinuha ko ang earpods ko at nilagay sa aking tainga. Nilinis ko muna ang aking lalamunan bago ko sinagot ang tawag nito. "Yes, George. Ilang minuto pa lang tayong nagkakahiwalay, miss mo na ako agad." Nakangiting sabi ko. "Asa ka? Tumawag ako kasi baka iistorbohin mo ako bukas. Parang awa mo na Syke, ha. May pasok ako bukas. Ayaw kong may istorbo sa trabaho ko." Nakikiusap na sabi nito. Ngumisi ako kasabay ng naglaro sa utak ko. "Sure, George. Makakaasa ka." Sang-ayon ko. Ngunit lingid sa kaalaman nito ay may naiisip na akong gagawin ko bukas kapag pinuntahan ko ito sa trabaho nito. Na-excite akong bigla na magkikita kaming muli. Nang maisip ko iyon ay parang bula na mabilis naglaho ang ngiti ko. Kailan pa ako na-excite ng ganito? "Damn it." "Ano'ng sabi mo?" tila naiinis na sabi nito. "Nothing," tugon ko. "Nakauwi ka na?" "Nope," "Okay, Sige, ingat ka." Sambit nito dahilan para mas lalong mawala ako sa sarili. Napahinto ako sa aking pagmamaneho kahit nasa gitna ako ng daan. Hindi kasi mag-sink in sa utak ko ang huli nitong sinabi. It's different. Parang may kakaiba sa boses nito ng sabihin nito iyon. Matamis. Malambing. Kakaiba sa George na nakilala ko noon. Si George ba talaga iyon? Napukaw lang ang aking malalim na pag-iisip ng marinig ko ang sunod-sunod na busina ng mga sasakyan sa likuran. Saka ko muling pinaandar ang kotse ko at napapailing na muling tinutok ang atensyon sa daan. Sinulyapan ko ang cellphone ko. Pinatay na pala ng kausap ko ang tawag nito. "C'mon, Syke. Nawawala ka sa katinuan. Si George lang 'yon." Kumbinsi ko sa sarili. George's POV Nakakailang sampal na yata ako sa aking sarili. Para akong timang. Hindi ko mapaniwalaan ang sarili na Nagbitiw ako ng ganoong salita. "George, ang gaga mo." Pagalit ko sa sarili. Paano ba naman, ni minsan ay wala sa hinagap ko na sasabihan ko kay Syke na 'Ingat ka'. Heto nga at pagkatapos ko iyon sabihin ay walang tigil kong pinagsasampal ang mukha ko para matauhan ako. Ngayon nga ay nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi naman siya nagtagal sa bahay. Pakiramdam ko kasi kinukuha niya ang loob ni Kuya Gino. Hindi na rin ako magtataka kung pati ang tatlo ko pang kapatid na lalaki ay kukunin din nito ng loob. Isa iyon sa alas niya para mas lalong mapalapit sa 'kin. Kapag nangyari iyon, tiyak na hindi na siya mahihirapan na makuha ang sagot ko. Minsan nga ay parang gusto ko nang sabihin kung nasaan si Lui para lang makaiwas sa lalaking iyon. Pero, mas nangibabaw pa rin ang concern ko sa kaibigan ko. Kung ano man ang purpose ni Haru kung bakit hinahanap niya si Lui, pasensya na ngunit wala akong balak na sabihin sa kanila kung nasaan ang kaibigan ko. Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Dahil ayaw sa akin ipagamit ng mga kuya ko ang motorsiklo ko ay wala akong nagawa kun'di ang magpahatid isa sa kanila. Dahil si Kuya Gab ang madalas kong makasabay paalis ng bahay ay sa kan'ya ako sumabay. Mabuti na lamang at may sariling mga sasakyan ang mga ito kaya hindi na ako nahihirapan na mag-commute. "May lahi ba si Syke?" basag ni Kuya Gab sa katahimikan. Umikot naman ang mata ko sa tanong nito. "Hindi ba halata, kuya. Oo, may lahi si Syke. May lahi ng pagka-babaero." Walang kiyemeng sagot ko. Dinig ko naman ang tawa ni Kuya Gab. Tila natuwa pa ito sa sinabi ko. "Ano'ng nakakatawa, kuya?" nagtatakang tanong ko at sinulyapan ito. "Ang tanong ko lang ay kung may lahi. Iba naman ang sagot mo," natatawang sabi nito. Inismiran ko lamang ito. Hindi na ako nagpahatid sa mismong entrance employee ng pinapasukan ko. Panigurado kasi ako na nakaabang na naman doon ang mga kaibigan kong haliparot. Alam kasi nila na si Kuya Gab ang madalas na naghahatid sa akin. Crush nila ang kuya ko kaya naman ay araw-araw silang nakaabang sa pagdating namin. "Kuya, baka naman pwede mo kumbinsihin si Kuya Giro na ipagamit na sa 'kin ang motor ko para hindi mo na ako hinahatid dito. Naaabala kita, eh." Pakiusap ko rito. "Bakit, ayaw mo bang hinahatid kita?" salubong ang kilay na tanong ni Kuya Gab. "Hindi naman sa gano'n, kuya." Sabi ko saka alanganing ngumiti. "Ayaw mo kasi ng kotse. Mag-aambagan na nga kaming apat para pambili ng sarili mong kotse, ayaw mo pa. Sa akin mo pa sinabi na kumbinsihin ko si Kuya Giro, eh, kahit ako ayaw kong ginagamit mo ang motor mo. Kung pwede nga lang na ipa-chop-chop ko na 'yong motor mo ginawa ko na para hindi mo na magamit. Iniisip lang kita kasi baka magtampo ka sa 'kin." Mahabang litanya nito. "Kuya naman, eh," paghihimutok ko. "Kaya ka napagkakamalang lalaki, eh. Tingnan mo nga 'yang itsura mo? Parang hindi ka babae manamit. Dalaga ka na, George. Ilang taon ka na ba? 26 ka na, 'di ba? Malapit na rin ang susunod na birthday mo. Tumatanda ka na pero hanggang ngayon wala ka pang boyfriend. Gusto mo bang tumandang dalaga?" sermon nito sa akin. Sumimangot ako sa sermon nito sa akin. Hindi naman halatang tinataboy na nila ako. Ayaw na nila akong makasama sa bahay. "Ang dami mo namang sinabi kuya. Hindi na lang sabihin na ayaw mo na gamitin ko ang motor, kung anu-ano pa dinagdag mo." Reklamo ko rito. Tumawa lamang ito sa naging sagot ko. "O, Sige na. Si Kuya Gill na ang susundo sa'yo mamaya," "Sige, kuya. Salamat. Ingat sa byahe." Pinaalis ko muna ang sasakyan nito bago ko tinungo ang employees entrance. Umikot ang mata ko nang makita ko ang dalawa kong kaibigan at katrabaho na tila kinikilig pa habang naghihintay sa pagdating ko. Alam ko naman kung sino ang inaabangan ng mga ito. Sumilay ang ngisi sa labi ko ng mapansin ako ng mga ito na paparating. Naglaho rin na parang bula ang matamis na ngiti ng mga ito ng makita ako. "Hoy! Nasaan ang kuya mo?" tanong ni Lourdes na agad akong sinalubong. "Umalis na," sagot ko. "Ano?!" sabay na bulalas ng dalawa na kulang na lang ay lumabas ang mga mata sa panlalaki dahil sa sagot ko. "Bakit parang gulat na gulat kayo. Hinatid lang ako ni Kuya Gab dito. Nagmamadali rin iyon dahil may pasok pa iyon. Si Kuya Gill na lang mamaya ang pag-pyestahan n'yo. Hindi iyon nagmamadali." Natatawa kong sabi sa mga ito na nawala rin ang gusot sa mukha ng marinig ang pangalan ng isa ko pang kuya. Si Kuya Giro pa lang yata ang hindi nakikita ng mga ito. Busy kasing tao ang panganay naming kapatid. Si Kuya Gino naman ay bibihira lang akong ihatid dahil nga ay chef ito. Madalas sa gabi ang duty nito kaya pag-alis ko tulog pa ito. "Hoy, Lourdes, ha. Umayos ka. Akin na si Gil. May Gab ka na." Sambit naman ni Gelene. Kapag ang mga ito ang kasama ko ay puro lalaki ang pinag-uusapan lalo na kung gwapo. Minsan nga ay may pinag-uusapan ang mga ito na hindi ako maka-relate. Iniiba ko na lang ang usapan kapag iba na ang pinag-uusapan nila. Buong araw ay naging busy na ang bawat isa sa amin. May hinahabol kasi kaming deadline na kailangan na naming matapos ngayong araw. Sa isang Marit's Printing Company ako nagta-trabaho. Maliit lang ang kompanya pero marami ang nagtitiwala sa kakayahan ng bawat empleyado at sa kompanya. Kaya nga masaya ako dahil napabilang ako sa kompanyang ito. Nakilala ko pa ang mga kaibigan kong sina Lourdes at Gelene na hindi yata napapagod ang mga bunganga sa kwentuhan. Maliban kay Lui, si Lourdes at Gelene lang ang naging kaibigan kong babae. Ang iba ay puro kalalakihan na. Kaya ang dalawang kong kaibigan ay palaging nakadikit sa akin dahil alam nilang marami akong kaibigan na lalaki. Natapos ang araw ay para akong hapo na napasandal sa aking swivel chair. Ilang beses din akong nagbuga ng hangin. "Mars, uwi na tayo. Ang sakit na ng pwerta ko," hindi nakatiis na sabi ni Lourdes. "Ano'ng pwerta? Pwerta na ba ang pwet ngayon?" kontra naman ni Gelene. Napangisi naman si Lourdes sa sinabing iyon ni Gelene. Tila nag-isip pa ito ng isasagot. Pero dahil tawang-tawa na kami ni Gelene ay hindi na namin napigilan ang tumawa. "Mga baliw kayo," sabi na lamang nito. "Ano ka pa," sabi ni Gelene. Muling napuno ng tawanan ang maliit na kwarto ng opisina namin. "Hindi pa ba kayo lalabas?" tanong ng isang ka-opisina namin. "Lalabas na," sabay-sabay naming wika. "Mabuti naman, dahil kung hindi, hindi n'yo makikita ang pinagkakaguluhan sa labas." Sabi nito sabay talikod sa amin at nagmamadaling lumabas ng opisina. Nagkatinginan kaming tatlo. Parehong nagtatanong ang mga matang ipinukol namin sa isa't-isa. Dahil na-curious kami ay agad namin inayos ang pwesto namin at nagmamadaling lumabas ng opisina. Pagdating sa labas ay totoo ngang nagkakagulo ang mga tao. Dapat nga kanina pa wala ang mga ito dahil naunang lumabas ang mga ito sa amin. Hinawi ng dalawa kong kaibigan ang mga nakaharang sa aming daan. Bawat madaanan namin ay hindi nakaligtas sa pandinig ko ang impit na tili ng mga kababaihan. "Ano'ng mayroon, mars?" tanong ni Lourdes habang dumadaan sa mga nakaharang. Para lang kaming nasa rally dahil sa ingay, bulungan at siksikan ng mga tao. "Wala kaming alam, mars. Magtanong na lang tayo." Saad naman ni Gelene. "Milalyn, bakit nagkakagulo?" tanong ni Gelene sa isang kasama namin sa department. "May naligaw na adonis dito sa lupa. Isang hulog ng langit mga bakla!" Sabi nito sabay tili. Halos mabingi ako sa tili nito. Naglabasan yata ang mga nakatago kong tutuli na matagal na naimbak sa loob ng tainga ko. "Talaga?!" hindi makapaniwalang sambit ng dalawa kong kaibigan. "Oo, kaya kung ayaw n'yong maubusan, hali na kayong tatlo at maki-join sa pyesta!" kinikilig na sabi ni Milalyn. Mabilis na hinawi ng tatlo kong kasama ang mga nakaharang hanggang sa narating na namin ang unahan. Hindi agad ako nakakilos ng makita ko kung sino ang tinutukoy ng mga ito. Para akong nakakita ng modelo sa isang magazine sa nakikita ng mga mata ko. Lalo na nang sumilay ang ngiti sa labi nito ng makita ako. Nakasandal ito sa gilid ng sasakyan nito habang nakapamulsa. Napakagwapo nito sa suot nito na simpleng plain t-shirt lamang at faded black maong jeans na tinernuhan ng white sneakers. Simpleng suot pero makalaglag panga sa bawat makakakita. "s**t! Gusto ko ng mamatay. Kung hulog s'ya ng langit at anghel s'ya, gusto ko ng magpasundot, este magapsundo sa kan'ya," dinig kong turan ni Lourdes na humigpit yata ang pagkakahawak sa braso ko sa sobrang kilig. "Tumahimik ka nga, ako ang sinusundo n'yan." Sabat naman ni Gelene na nakahawak din sa braso ko. Hindi ko na nga alintana ang sakit sa pagkakahawak ng mga ito sa akin dahil ang buong atensyon ko ay nakatuon lang sa hindi ko inaasahang panauhin. Pakiramdam ko ay kami lang ang tao sa labas ng building dahil pareho kaming titig na titig sa isa't-isa. Hanggang sa tumuwid ito ng tayo at binuksan ang pinto. "Oh my gosh! Sa akin ba s'ya nakatingin?" sambit ni Gelene. "Sa akin, huwag kang assumerang palaka," sabat naman ni Lourdes. "Mga bakla, huwag na kayong umasa. Maging ako ay hindi na umaasa. Suko na ako dahil may nakabingwit na ng puso ng adonis na iyan," dinig kong wika ni Milalyn. "Sino naman?" sabay na tanong ng dalawa kong kaibigan. "Ano'ng ginagawa n'ya rito?" hindi ko napigilang usal. "Let's go, George." Nakangiting tawag nito sa akin. Ako naman itong parang may sarili ng isip ang mga paa ay dahan-dahang humakbang papalapit sa kinaroroonan nito. Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang mga kaibigan ko na tila dinaanan ng anghel dahil natahimik ang mga ito. "Georgette, ano'ng ibig sabihin nito?" pukaw sa akin ng dalawa kong kaibigan. Huminto ako at nilingon ang mga ito. Alanganin akong ngumiti ng makita ko ang nagtatanong na matang ipinukol sa akin ng mga ito. "Bukas na ako magpapaliwanag," sabi ko na lamang at muling nagpatuloy maglakad. "Paano mo nalaman kung saan ako pumapasok?" tanong ko ng makalapit ako rito. Ngumisi ito at bahagyang lumapit sa akin. "I have connections, George. Wala kang takas sa 'kin." Sabi nito na tila tinatatak sa utak ko na wala nga akong kawala rito. "Umalis na tayo, kung ayaw mong dumugin ng mga kababaihan dito." Bagkus ay sabi ko. "Bakit, selos ka?" nakangisi nitong wika. Awtomatikong umangat ang isang kamay ko at dumapo sa buhok nito at hinila iyon. "Ang yabang mo. Hindi kita type." "Babae kasi ang type mo," ganting sagot nito. Imbes na sagutin pa ito ay padabog na pumasok na ako sa kotse nito. "Humanda ka talaga sa 'kin na hambog ka," nanggigigil na usal ko ng makapasok sa loob ng kotse nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD