GEORGE
Pagkapasok nito sa sasakyan ay agad ko itong binalingan. Masama ang tinging pinukol ko rito. Naiinis kasi ako na pati dito sa trabaho ko ay kukulitin ako nito. Ayos lang sana na walang tsismosa rito pero halos lahat yata ng kasama ko sa department at sa trabaho, lahat Marites. Sigurado rin ako na hindi pa man ako nakakapasok sa opisina ay haharangin na ako ng mga dakilang Marites. Kasama na doon ang dalawa kong kaibigan.
Sinulyapan ako nito. Tumawa naman ito ng makita ang masama kong tingin. Tila hindi ito naapektuhan sa tingin kong iyon.
"Don't look at me like that, George. Wala akong ginagawang masama," patay malisyang sambit nito.
"Ano'ng wala? Hindi ba, sabi ko sa'yo, huwag mo akong aabalahin? Bakit nandito ka?" nanggigigil na tanong ko. Gusto ko na itong saktan ngunit nagpipigil lang ako.
"Did I disturb you? Ang sabi kasi ng Kuya Giro mo, ganitong oras ang labas mo. So, ako na ang sumundo sa'yo. Ano'ng istorbo doon?" kampanteng paliwanag nito.
Inismiran ko lamang ito at bumaling ng tingin sa labas. Nakikita ko pa ang mga kababaihan na kilig na kilig. Pati ang dalawa kong kaibigan na hindi mawari ang reaksyon at ang gagawin.
Nakita ko na kinuha ni Lourdes ang cellphone niya mula sa bag. May tila tinitipa ito roon. Nang tinapat nito ang cellphone sa tainga nito ay saktong tumunog ang cellphone ko sa bag.
"Naku naman, hindi makapaghintay ng bukas," hindi ko napigilang usal.
"What?"
"Wala," sagot ko na hindi ito sinusulyapan.
Kinuha ko ang cellphone ko. Kilala ko ang kaibigan kong iyon, hindi ito titigil hanggat hindi nito nakukuha ang sagot. Isang dakilang tsismosa ito. Lahat ng nangyayari sa loob ng department namin ay alam nito. Ultimo mga nagkakaroon ng kabit ay hindi nakakaligtas sa talas ng pang-amoy nito.
Sinagot ko ang tawag nito at muling sinulyapan ang mga ito. Nakita kong tinapat rin ni Gelene ang tainga niya sa cellphone ni Lourdes. Marahil naka-loud speaker iyon.
Isa pa itong Marites sa opisina namin. Kulang na lang, halungkatin ang buhay ng mga kasama namin sa opisina. Bagay nga na magkasama ang dalawang iyon. Kumbaga, tandem ang dalawa sa pagiging tsismosa sa loob at labas ng opisina namin.
Hindi ko nga alam kung paano ko naging kaibigan ang dalawang iyon. Samantalang, tahimik lang naman ako kapag nagkukwento na ang dalawa lalo na sa mga lalaking dumaan sa buhay nila. Nagtataka nga ako kung bakit kailangan pa nilang i-kwento ang mga ginagawa nila kapag nakikipag-s*x sila sa boyfriend nila. Ako naman itong kaibigan, nakikinig lang na animo'y alam ang ginagawa nila.
"Ikaw na bruha ka, bakit wala kaming alam na may kilala kang gan'yan na papalicious? Hindi lang pala mga kuya mo ang gwapong nakapaligid sa'yo, may foreigner ka pang babaita ka." Exaggerated na sabi ni Lourdes.
Sumimangot ako sa sinabi nito. Sinulyapan ko naman si Syke na nakatingin pa rin sa akin. Sinenyasan ko ito na umalis na kami. Saka ko muling binalingan ang dalawa sa labas.
"Bukas na ako magpapaliwanag. Umiral na naman ang pagka-tsismosa n'yong dalawa," nakasimangot kong wika.
"Paanong hindi, sinasarili mo 'yang pogi na iyan. Ipahiram mo naman sa amin," sabi naman ni Gelene.
Baliw talaga itong mga kaibigan ko. Makakita lang ng gwapo, gusto ng angkinin. Pwede ko naman ipahiram si Syke, kung papayag s'ya.
Sa naisip ay hindi ko naiwasan ang ngumiti. Awtomatikong binaling ko ang tingin kay Syke. Sakto naman na papalapit siya sa akin. Nagulat ako kaya hindi ko napigilan ang tumili.
"A-ano'ng ginagawa mo?" utal na sabi ko.
"Mukha ba akong may gagawin sa'yo? Kailangan mo mag-seatbelt kasi aalis na tayo." Paglilinaw nito.
"A-ako na," pigil ko rito ng kinuha na nito ang bawat dulo ng seatbelt para ikabit sa akin.
"Ako na, George. Ituloy mo lang 'yan," giit nito.
"Hoy, Georgette, nariyan ka pa ba? Bakit tumili ka? Ano'ng ginagawa n'yo riyan?" sunod-sunod na tanong ni Lourdes.
Hindi ko na ito sinagot dahil nakatuon ang atensyon ko sa ginagawa ni Syke. Halos kapusan ako ng hininga sa bawat dantay ng kamay niya sa balat ko. Animo'y may dumaloy na boltahe ng kuryente sa pagkiskis ng balat naming dalawa. Hindi maiwasan iyon lalo na at halos magdikit na ang katawan ko sa mukha niya na seryoso sa ginagawa.
Awtomatikong napapikit ako ng masamyo ko ang fresh na amoy nito. Iniisip ko nga kung pabango ba nito ang naaamoy ko o ang ginamit nitong sabon.
"Georgette, pupuntahan ka namin d'yan. Huwag mong solohin ang papa na iyan. Ibigay mo na sa amin iyan." Dinig kong sabi ni Gelene.
Sa sinabing iyon ng kaibigan ko ay agad a kong nagmulat ng mata. Awtomatikong napalingon ako sa gawi ng mga ito. Nakita ko ang mga ito na papalapit sa amin.
"Done, let's go?"
Sa sobrang taranta ko nang makita kong malapit na ang mga ito ay agad kong binalingan si Syke. Ngunit hindi ko inaasahan na hindi pa pala ito nakaayos ng upo. Tumama ang labi ko sa ulo nito.
"Aray!" bulalas ko.
"Oh, f**k. Are you alright?" nag-aalalang tanong nito sa akin.
"Mukha ba akong alright?" pabalang na sagot ko. "Ang sakit, Syke." Hindi ko napigilang sabihin. Halos maluha-luha ako sa pagkakatama ng labi ko sa ulo nito.
Muli kong binalingan ang dalawa kong kaibigan ng tumili ang mga ito sa kabilang linya.
"Ang kaibigan natin, natusok na!" tili ni Gelene na tila tuwang-tuwa sa sinabi.
"Humanda ka sa amin George bukas. Hindi namin mapapalampas na sa kotse ka pa talaga bumigay. Kami nga, umabot pa ng hagdan ng bahay, ikaw, kotse lang? Sinuko mo na ang bataan na babaita ka." Sabi ni Lourdes na animo'y hindi makapaniwala. Natawa na lamang ako sa sinabi ng mga ito. Kahit kailan talaga, napaka-over react ng mga ito.
"Mga baliw," sabi ko na lamang at tinapos na ang tawag.
Binuhay na rin ni Syke ang kotse nito at nilisan na namin ang lugar kung saan ay mukhang walang balak umalis ang mga Marites ng opisina.
"Ang daming Marites,"
"What, Marites?" curious na tanong nito.
Binalingan ko ito. Seryoso na itong nakatuon ang atensyon sa daan habang nagmamaneho.
"Marites, short for, mare, ano'ng latest?" paliwanag ko rito. Tulad ng inaasahan ko ay tumawa ito.
"Really? May gano'ng words pala." Hindi makapaniwalang tanong nito.
"Now, you know," saad ko at tinuon na rin ang atensyon sa daan.
Napuno ng katahimikan ang loob ng kotse nito. Wala na rin naman akong balak na magsalita dahil wala naman na akong sasabihin.
Ngunit napansin ko ay hindi ang daan pauwi ng bahay ang tinatahak nitong daan. Hindi ako nakatiis ay sinulyapan ko ito.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Sa condo ko,"
"Ano?!" bulalas ko. Tumawa lang ito sa naging reaksyon ko.
"Don't worry, wala akong gagawin sa'yo. You're not my type, George." Sabi nito na siguradong hindi talaga ako ang tipo nito.
Ang hambog na ito. Ang lakas ng bilib sa sarili. Hindi ko rin type ang tulad niyang babaero.
Pinasok na nito ang sasakyan sa parking area sa isang mataas na building. Baka ito na rin ang condo na sinasabi niya. Pagbaba namin ng kotse nito ay tinungo na namin ang elevator. Wala kaming imikan na dalawa habang nasa loob ng elevator.
Hanggang sa dumami na ang sakay nito. Hindi ko rin maiwasan na tumaas ang kilay ko dahil sa kakaibang tingin na pinupukol ng mga babae kay Syke. Animo'y inaakit ng mga ito ang dakilang playboy. Ito namang katabi ko ay tila gustong-gusto ang mapang-akit na tingin ng mga babae.
Nang huminto ang lift sa 15th floor, may lumabas ngunit may pumasok naman na pamilya yata dahil pare-pareho ang size ng katawan ng mga ito. Hindi naman ako pinatserang tao pero, over size yata ang mga katawan ng mga ito. May dala pang pagkain at halos isubo na lahat sa bibig ang buong burger.
Wala akong nagawa kun'di ang umatras. Sa ginawa kong iyon ay lumapat na ang likod ko sa malamig na padir ng lift. Nagpakawala na lamang ako ng buntong hininga. Hindi ko rin napigilan ang magpigil ng hininga dahil sa amoy na nalalanghap ko. Maasim na hindi ko mawari. Hindi ko tuloy napigilan kusutin ang ilong ko.
Muling may pumasok na dalawang babae sa 15th floor. Nag-alangan pa nga pumasok ang mga ito ng makita ang tatlong malalaki. Pero nang makita ng dalawa si Syke na ngayong ay abala na sa hawak nitong cellphone. Pumasok ang mga ito kahit bakas sa mga mukha ang pag-aalangan.
Nakipagsiksikan ang dalawa para lang matungo ang pwesto namin ni Syke sa likod. Hindi ko naiwasan na itirik ang mata. Mga babae nga naman, gagawin ang lahat kahit mahirap para lang makalapit sa gwapo. Ito namang kasama ko, mukhang walang pakialam. Seryoso lamang na nakatutok sa cellphone nito.
"Miss, saan ka ba? Hindi ka kasi mapakali," tanong ng isang babae na over size.
"Ano bang pakialam mo?" mataray na sagot nito.
Nakita kong tinulak nito ang babae na over size. Nanlaki ang mata ko ng tila paatras ito sa akin.
"Huwag sa 'kin," bulalas ko sabay pikit ng mata.
Hinintay ko na may dumagan sa 'kin pero ilang segundo na ang nakalilipas ay wala pa akong maramdaman. Nang idilat ko ang mata ko ay isang kamay ang humarang sa likod nito.
"Out," sambit ni Syke ng bumukas ang lift.
"Ano?" sabi ng babaeng muntik na akong maatrasan.
"I said, out. Huwag kayong mag-away dito. Hindi lang kayo ang sakay ng elevator." Seryosong sabi nito sa sakay ng elevator.
"Labas na raw kayo," sabi ng babaeng tumulak sa babaeng mataba.
"You too," tukoy nito sa babae.
"Ano?"
"Labas," maawtoridad na sabi nito.
Walang nagawa ang lima kun'di ang lumabas ng elevator. Ako naman ay nanatiling tahimik dahil ngayong ko lang nakitang seryoso itong si Syke.
Binalingan ako nito ng kami na lang ang nasa loob ng lift. "Okay ka lang?" tanong nito sa akin.
Hindi agad ako nakasagot. Tumango na lamang ako bilang tugon.
Huminto ang lift sa 26th floor. Doon ay lumabas na kami. Sumunod lamang ako rito. Hindi ko muna pinairal ang pagiging mapang-asar ko rito. Ang seryoso kasi ng mukha nito, nakakapanibago.
Pagdating sa tapat ng isang pinto na marahil ay unit na nito ay hinarap ko ito.
"Alam ba ni Kuya Giro ito?" tanong ko rito. Baka kasi ang pinaalam lang nito ay susunduin ako pero hindi ang dalhin ako sa condo nito.
"Of course. Ang sabi nga n'ya, kahit saan daw kita dalhin ay okay lang," kampanteng sagot nito.
"Ano?!" bulalas ko. "Sinabi ng kuya ko 'yon?" hindi ko makapaniwalang tanong rito.
"Yes. Kung gusto mo, tawagan natin s'ya para kumpirmahin ang sinabi ko." Sabi nito at akmang may kukunin sa bulsa ng jeans nito.
"Hindi na," pigil ko rito. Mukha namang hindi nagsisinungaling ang damuhong ito. Babaero lang ito pero, wala sa itsura nito ang marunong magsinungaling.
"Baka kasi alam nila na pareho tayong lalaki kaya kampante silang ako ang kasama mo," sabi nito na ikinatigil ko.
Dahil sa sinabi nito ay hinawakan ko ito sa braso. Nagtatanong naman ang mata ng sinulyapan ako nito. Awtomatikong tumingin ito sa braso na hawak ko.
May naglaro sa utak ko. Heto na naman ako, palaging may naglalaro sa utak kapag ito ang kasama ko.
Dahan-dahan akong lumapit rito na hindi tinatanggal ang kamay sa braso nito. Matamis akong ngumiti. Kumunot naman ang noo nito. Hindi ko alam kung sa ginawa ko bang paglapit rito o sa pinakawalan kong ngiti.
"Lalaki ba talaga ako sa paningin mo, Syke?" mapang-akit na tanong ko. Halos pabulong na rin iyon dahil gusto ko ngang makipaglaro rito.
"Yes," walang kagatol-gatol na tugon nito.
"Talaga?" sabi ko na hindi pa kumbinsido sa naging tugon nito.
Lumapit pa ako rito. Binitawan ko na ang braso nito na hawak ko. Pinasadahan ko ang mukha nito. Ilang araw pa lang kaming nagkikita pero, aliw na aliw akong pasadahan ang gwapo nitong mukha. Mula sa kilay nito, mata, matangos na itong at ang labi nito na natural ang pagkapula.
Pinigilan ko ang mapalunok ng gumalaw ang labi nito. Sa tuwing titigan ko ang labi nito ay tila may nag-uudyok sa akin na dampian ito ng halik.
Sumilay ang ngiti sa labi ko saka ito sinulyapan. Gusto ko matawa sa reaksyon nito dahil kaunti na lang ay magkakadikit na ang kilay nito sa pagkakasalubong.
"What do you think you're doing?" matigas na tanong nito. Wala akong mabanaag na emosyon sa mukha nito. Ito ang gustong-gusto kong makita mula rito. Success pala itong naisip ko. Makakabawi na rin ako sa pagpunta niya sa trabaho ko ng wala man lang pasabi.
"Sa tingin mo?" lalo ko pang pinalamyos ang boses ko.
"Don't try me, George. Sinabi ko na sa'yo, huwag mo akong susubukan. I told you, kahit lalaki ka pa sa paningin ko, babae ka pa rin. Kaya kitang patulan." Seryosong sabi nito.
"Okay," tipid kong sagot at tumingkayad. Muli kong sinulyapan ang labi nito.
Sa tanang buhay ko ay hindi pa ako nahahalikan ng sino man. Kung sakali man na halikan ako ng lalaking ito, siya ang unang makakadampi ng labi ko.
"Stop it, George. Hindi ako natutuwa sa laro mo," sambit nito. Ngunit wala na yata ako sa tamang huwisyo dahil para nga akong tinutukso ng labi nito na halikan ko ito.
Gusto ko lang naman itong subukan kung hanggang saan ang pagpipigil nito na hindi patulan ang pag-iinis ko. Ngunit, tila yata ako ang nahulog sa isang patibong na ako ang may gawa.
Dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sa mukha nito habang titig na titig sa mapula nitong labi. Hindi naman ito natinag kaya nanatili lamang itong nakatayo at tila hinihintay na dumapo ang labi ko sa labi.
"Putik. Pigilan n'yo 'ko!" Sigaw ng bahagi ng aking utak.
Nagulat at nanlalaki ang mata ko ng hinapit niya ako sa bewang. Muntik na akong mawalan ng balanse kaya napahawak ako sa dalawang braso nito. Dahil matangkad ito ay tumingala ako para sulyapan ito.
"Gusto mo ba ng ganitong laro?" nakangising sabi nito.
Hindi agad ako nakasagot. Hindi pa mag-sink in sa utak ko ang sinabi nito.
"S-Syke,"
"Mahirap ba ang tanong ko, George?" tanong nito. Lalo pang humigpit ang pagkakahapit nito sa bewang ko.
"B-bitiwan mo na ako," bagkus ay sabi ko at pilit na nagpupumiglas sa pagkakahapit nito sa bewang ko.
Nagsisisi ako na may naglaro sa utak ko. Hindi ko na ito uulitin. Napapahamak ako sa sarili kong laro.
"No. Inumpisahan mo, tatapusin ko." Maawtoridad na sabi nito. Natigilan ako dahil mukhang seryoso ito.
"N-nagbibiro lang naman ako," sabi ko na lamang.
"Pwes, not me, George." Sabi nito saka nilapit ang mukha sa akin. Makapigil hininga ang ginawa ko habang papalapit ang mukha nito sa akin.
"Hey! You two, get a room, guys!" sigaw ng isang boses lalaki saka tumawa.
Mabilis akong kumawala sa pagkakahapit ni Syke ng mawala ang atensyon nito sa akin. Ngunit ng ginawa ko iyon ay sabay kaming nawala sa balanse kasabay ng pagbukas ng pintuan ng unit nito. Nahawakan pa ulit niya ako sa bewang ko at pinihit sa harap ng katawan nito para maunang tumama ang likod nito sa sahig bago kami sabay na nabuwal sa loob ng unit nito.
"f**k," bulalas nito.
Ang siste ay, nasa ibabaw ako nito habang ito ay nasa ilalim ko. Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha nito. Hindi malabong mangyari iyon dahil maputi ito at mabilis mamula ang mukha nito.
Tinukod ko ang dalawang kamay ko sa sahig ngunit muli akong napahiga sa ibabaw nito. Dinig ko ang daing nito na animo'y may iniindang sakit.
"G-George," tila hirap na sambit nito.
"Bakit?" sambit ko.
"Y-you hit my balls, fuck."
"Ano?"
"I said my balls, you brat!"