Chapter 8

2609 Words
GEORGE Bumalikwas ako ng bangon ng tila magising ako sa hindi pamilyar na kwarto. Kasabay ng panlalaki ng mata ko ay ang pagsinghap at pagtutop sa bibig ko. "Ano'ng oras na ba?" usal ko at nagmamadaling umalis sa kama. Mabilis akong lumabas ng kwarto ngunit dilim ang bumungad sa 'kin. Nakaramdam ako ng takot. Isa sa pinakaayaw ko ay ang dilim. Hindi ako takot sa ibang bagay. Pero ang dilim ang kinatatakutan ko. May phobia ako sa dilim. "K-kuya? Kuya Giro?" tawag ko sa panganay kong kapatid. Hinintay ko na may sumagot sa akin ngunit ilang segundo na ang nakalilipas ay wala akong narinig na tumugon. Ni kaluskos ay wala akong maulinigan. Lalo akong natakot. Unti-unting lumukob ang kaba sa dibdib ko. Ayaw ko ng maulit ang nangyari sa akin no'ng bata ako. Natatakot na ako sa posibleng mangyari. Humakbang ako at nagsimulang kapain ang bawat madaanan ko. Hindi ko alam kung nasaan ang switch ng ilaw. Natatakot na talaga ako. Unti-unti ng nanginginig ang buong kalamnan ko. "K-Kuya Gil? Kuya Gab? Kuya Gino? Nasaan kayo? N-natatakot na ako. Kuya, nasaan kayo?" tawag ko sa mga kuya ko. Ngunit nawalan na ako ng pag-asa na may makakarinig sa akin dahil wala man lang sumagot ni isa sa tinawag ko. Nagsimulang dumaloy ang luha sa aking pisngi. Napaupo ako at niyakap ang aking mga tuhod. Tahimik akong umiyak. Pakiramdam ko ay naulit ang nangyari sa akin noon. Pumikit ako at taimtim na nagdasal. Ito rin ang ginawa ko noon kahit alam kong walang kasiguruhan na may makakakita sa 'kin. "P-papa, t-tulungan mo 'ko…" usal ko habang humihikbi. Sinubsob ko ang mukha sa aking tuhod at nagpatuloy sa pag-iyak. Ang buong akala ko ay hindi na mangyayari sa akin ang nangyari noon. Simula ng nangyari sa akin iyon ay nagsimula na akong maging matapang. Pumasok pa nga ako sa isang training class kung saan ay may nagtuturo ng martial arts. Hindi naman ako tinutulan ng mga kapatid ko at ni papa. Gusto nga nila ang naging desisyon ko dahil para na rin kung sakaling wala sila at malagay ako sa panganib ay maprotektahan ko ang sarili ko. Nang tumuntong ako ng college ay kinuha ko ang kurso kung saan ay ang magsilbi sa bayan. Ginaya ko ang papa ko kahit tutol siya dahil ayaw niyang humawak ako ng baril. Maging ang mga kuya ko ay tumutol sa naging pasya ko na Criminology ang kunin kong kurso. Tama na raw na matuto ako ng martial arts. Pero hindi ko sila pinakinggan. Kaya nga laking tuwa nila ng malaman nila na gusto ko ng mag-shift ng course na agad naman nilang sinuportahan. Pero hindi ko akalain na mawawala na parang bula ang tapang kong iyon. "George?" dinig kong tawag sa akin ng pamilyar na boses. Nag-angat ako ng mukha at nakita ko si Syke na salubong ang kilay. Maliwanag na rin ang buong paligid ko. Saka ko lang napagtanto na nasa condo pala ako nito. "S-Syke…" usal ko saka ako tumayo. Hinagilap ng mata ko ang bag ko. Nakita ko iyon sa sofa. Kinuha ko iyon at nilagpasan ito. Uuwi na ako. Hindi ko rin alam kung bakit ako nakatulog dito. Mas komportable at kampante ako sa bahay dahil kasama ko ang mga kuya ko. Malapit na ako sa pintuan ng hawakan ako nito sa braso at pinihit paharap rito. Nagtatanong naman ang mata ang ipinukol ko rito. "Where are you going?" "Uuwi na ako," seryoso kong wika. "Ihahatid na kita," "H-hindi na. Kaya ko ng umuwi mag-isa." Sagot ko at nag-iwas ng tingin. "Are you alright? Are you crying?" magkasunod na tanong nito. "W-wala ito, Syke. Huwag mo na akong alalahanin. Sige na, uuwi na ako." Pagtatapos ko sa pag-uusap namin at winaksi ang braso ko na hawak nito. Tatalikuran ko na sana ito ngunit pinigilan na naman ako nito. "Syke, ano ba? Uuwi na ako. Tapos na ako ng gawain ko. Gusto ko ng umuwi." Naiiritang wika ko. Bahagya na ring tumaas ang boses ko. "Hindi kita paalisin kung gan'yan ang itsura mo. C'mon, tell me. May nangyari ba?" nag-aalalang tanong nito saka ako hinila patungo sa sofa. Pinaupo ako nito doon. Hindi ko sinagot ang tanong nito. Nanatili lamang akong tahimik. Kapagkuwa'y tumayo ito at hinawakan ako sa kamay saka pinatayo ako. Naglakad kami patungo sa dining area. Pinaghila niya ako ng upuan saka ako pinaupo. "Kailangan mo munang kumain. Kanina ko pa ito in-order. Hinintay lang kitang magising." Sabi nito habang naglalagay ng pinggan sa tapat ko. "Ano'ng oras na?" bagkus ay tanong ko. "It's 9 o'clock in the evening," sagot nito na ikinalaki ng mata ko. Masyado bang napasarap ang tulog ko kaya hindi ko namalayan ang oras? "Sana ginising mo ako," "Hindi na kita ginising kasi alam kong pagod ka. Tinawagan ko na rin ang kuya mo na nakatulog ka dito. Okay lang daw basta ihatid kita pagkagising mo." Paliwanag nito. Nagpakawala ako ng buntong hininga. Pakiramdam ko ay kampante na ang mga kapatid ko kay Syke. Ayos lang sa kanila na kasama ko ang lalaking ito samantalang kailan lang naman nila ito nakilala. "Kumain ka na. After that, ihahatid na kita." "Hindi mo ako sasabayan?" tanong ko ng paalis ito sa harap ko. "I'm not hungry. Hindi rin ako kumakain sa gabi," tugon nito. "Hindi ako kakain kung hindi mo ako sasabayan." Seryosong sagot ko. Tila naman natigilan ito sa sinabi ko. "Fine," Kumuha na rin ito ng plato nito at pumwesto ng upo sa harap ko. Nagsandok na rin ito ng kanin saka ulam. Suminghot muna ako bago ko sinubo ang laman ng kutsara. Dahil kumalam na rin ang tiyan ko ay hindi ko napigilan ang sarili na sunod-sunod na kumain. Wala na nga yata akong pakialam kahit mabilaukan ako. "What happened to you? Bakit nasa lapag ka at umiiyak?" tanong nito na ikinatigil ko. "Takot ako sa dilim. May phobia ako sa dilim, Syke." Deretso kong sagot rito. Natahimik ito sa sinabi ko. Ilang minuto rin ang namagitan na katahimikan sa aming dalawa. "I'm sorry. Lumabas lang ako sandali kaya pinatay ko ang ilaw. Sa kwarto naman ay maliwanag dahil sa ilaw na nagmumula sa labas. I opened the glass slide door para may sinag ng liwanag sa loob ng kwarto. Hindi ko na binuksan ang lampshade dahil baka ayaw mo nang may ilaw. Sorry about what happened." Muli nitong paliwanag kasabay ng paghingi ng paumanhin. "Okay lang. Naalimpungatan lang kasi ako at dilim pa agad ang bumungad sa 'kin. Ano'ng ginawa mo sa labas?" sabi ko naman rito. Nawala na rin ang takot ko dahil narito na ito. "Nagpahangin lang ako sa roof deck," sagot naman nito. "Maganda ba doon?" tanong ko habang ngumunguya. "Yeah, lalo na sa gabi. Kitang-kita kasi doon ang mga nag-gagandahan at nagtataasang buildings with their own beautiful lights." "Pwede mo akong samahan sa taas?" walang kagatol-gatol na sabi ko. Hinintay ko itong magsalita ngunit nanatili lamang itong tahimik. Doon ko na siya sinulyapan. Natigilan ako sa pagnguya ng makita ko itong titig na titig sa akin. Ngumiti ako rito habang patuloy na ngumunguya. Masyado na ba akong bossy? "Okay lang naman kung ayaw mo. Pagkatapos kong kumain ay uuwi na ako. Ihahatid mo pa ba ako?" bawi ko sa sinabi ko. "Yes, of course. Hindi ko naman hahayaan na umuwi ka mag-isa. Isa pa, pinagbilin ka na sa akin ng apat mong kapatid. Ayaw ko naman ang mabugbog nila dahil pinauwi kitang mag-isa." Dahilan nito. Humagikgik ako sa tinuran nito. Hindi ko kasi ma-imagine na binubugbog ito ng mga kapatid ko. "Stop it, George." Anito na ikinatigil ko. "Ano'ng, stop it?" nagtataka kong tanong rito. "Nothing," sambit nito saka nag-iwas ng tingin at tinuon ang atensyon sa pagkain. Pagkatapos namin kumain ay hinugasan ko muna ang mga ginamit namin na pinagkainan. Lumabas na ito ng dining area habang ako ay nanatili pa rin na nasa dining para maghugas. Nang matapos na akong maghugas ay tinungo ko na ang sala para kunin ko ang bag. Nakita ko si Syke doon na tila malalim ang iniisip. "Ihatid mo na ako, Syke." Pukaw ko rito. Tumayo lamang ito at nauna ng lumabas ng unit. Sumunod naman ako rito. Pagdating sa loob ng elevator ay pinindot nito ang isang button. Nagsalubong ang kilay ko ng hindi basement ang pinindot nito. Sinulyapan ko ito na seryosong nakatayo sa gilid ng lift. Gumalaw ang isang kamay ko at awtomatikong kinalabit ang balikat nito. Seryoso ang mukha na binalingan ako nito. "What?" supladong tanong nito. Alanganin lamang akong ngumiti saka sumandal sa padir ng lift. "Saan tayo pupunta?" "Sa taas," walang kangiti-ngiting sagot nito. Bakit parang nag-iba ang mood nito? Mga lalaki nga naman, mahirap tantiyahin ang ugali. "Galit ka ba?" prangkang tanong ko. Tila naman nagbago ang reaksyon ng mukha nito. Simula sa pagiging seryoso ay umaliwalas ang mukha nito at saka nag-iwas ng tingin sa akin. Hanggang sa marating ang roof top ng building ay tahimik lamang ito. Sinalubong naman ako ng malamig na simoy ng hangin. Nanuot iyon sa aking kalamnan kaya hindi ko naiwasan na yakapin ang sarili. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan ang mamangha. Tama nga si Syke, napakaganda ng makikita sa roof top. Mayroon pang bench na nakalagay sa bandang gitna. Tila yata pinasadya ito para lang puntahan sa gabi at dito magpalipas ng ilang oras kapag hindi pa inaantok. Naupo ako roon. Hindi ko napigilan ang pumikit at samyuhin ang sariwang hangin. Tama, sariwa ang hangin na nalalanghap ko kahit marami ang sasakyan na naririnig kong paroo't parito sa ibaba ng building. Marahil siguro ay nasa itaas kami at hindi abot roon ang amoy ng mga usok na nagmumula sa mga sasakyan. "Ang ganda dito, Syke," usal ko. "Yeah, ang ganda. Ang ganda ng nakikita ko." Mahinang tugon nito. Nagmulat ako ng mata at sinulyapan ito. Nag-iwas agad ito ng tingin ng balingan ko ito. Tumingala ito at saka pumikit. Pinagmasdan ko ang gwapong mukha nito. Hindi naman gano'n kadilim sa pwesto namin pero may sapat na liwanag para makita ko ng klaro ang mukha nito. Kahit saang anggulo ay gwapo ang lalaking ito. Hindi na ako magtataka kung lapitin ito ng mga babae. Dapat din talaga na napasama ito sa tatlo dahil wala ring tulak kabigin sa gandang lalaki nito. Marami ang mga babaeng naghahabol rito kahit noon. Kulang na lang ay magkandarapa ang mga babae noon para habulin ang certified playboy ng campus. Wala rin akong nabalitaan na nakarelasyon nito noon. Sabagay, wala nga pala itong siniseryosong babae. "Syke," pukaw ko rito. "Hmm?" sambit nito na nanatiling nakapikit. "May girlfriend ka?" deretso kong tanong. Mula sa pagkakatingala ay nagbaba ito ng mukha at nagmulat ng mata bago ako binalingan. Nakangisi ito ng sulyapan ako. Tila nasanay na ako sa mga ngisi nito. Sigurado ako na may naglalaro na naman sa utak nito. "Wala, bakit? You want to be my girlfriend?" tanong nito na hindi ko alam kung iniinis lamang ako. "Siraulo. Seryoso ako, Syke. May girlfriend ka?" ulit ko sa tanong kanina. Sana naman ay seryosohin nito ang tanong ko. Na-curious lang ako bigla sa buhay nito. Sumeryoso ang mukha nito saka tumingin sa kung saan. Naging blangko ang mukha nito. Masyado ba ako naging pakialamera sa buhay nito? Ito ang napapala ko sa pagsama-sama ko sa dalawang kaibigan ko. Nagiging matabil ang dila ko. Nahawa na ako sa pagiging tsismosa ng dalawang iyon. "Okay lang kung ayaw mong sa-" "I don't have one. Kung papayag ka, ikaw sana." Putol nito sa sinasabi ko. Napaawang naman ang labi ko sa huli nitong sinabi. Napabuntong hininga na lamang ako saka tumanaw sa nagtataasang building. Nakalimutan ko na si Syke Perkins nga pala itong kasama ko. Mapaglaro at hindi seryoso sa lahat ng bagay. Hindi ko alam kung ano ang biro o hindi sa kan'ya. Kung ano ang totoo o hindi totoo sa mga salitang binibitawan niya. "Hayaan mo na ang tanong ko. Mukha namang hindi mo siseryosohin," sabi ko. "I'm serious, George. Kung papayag kang maging girlfriend ko, ikaw pa lang ang kauna-unahan." Sambit nito dahilan para muli ko itong sulyapan. Ang buong akala ko ay seryoso nga ito pero ng balingan ko ito ay nadismaya ako. Pigil kasi ang ngiti sa labi nito. Halata naman na nagbibiro ito. "May mga kilala akong pwede mong maging girlfriend. Mababait ang mga iyon, tsismosa nga lang." Suhestyon ko rito sabay ngiti. Nakita ko ang pagbago ng reaksyon sa mukha nito. Kalauna'y nawala rin iyon. "Hindi ka naniniwala sa 'kin?" bagkus ay sabi nito saka bahagyang lumapit sa 'kin. "Dapat ba akong maniwala sa'yo, Syke?" tanong ko rin rito. "Why not? Once in a blue moon lang ako mag-offer sa babae at sa'yo pa. Ayaw mo ba?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi nito. Hambog talaga ang lalaking ito. Ano'ng akala n'ya sa 'kin, uto-uto? Mukhang balak na naman nitong makipaglaro sa 'kin. Fine. Pagbibigyan ko ang damuhong ito. Sa pagkakataong ito ay kaya ko na itong laruin. Matamis akong ngumiti. Kapagkuwa'y bumaba ang tingin ko sa mga kamay nito. Kinuha ko ang isa at inangat iyon. "Ang lambot ng kamay mo, Syke. Ilang babae na ang humawak dito?" tanong ko habang pinipisil ang kamay nito. "No one can touch me, George," sagot nito. "Oh, I see," tila amaze kong sambit. "Siraulo. Ano'ng akala mo sa 'kin, tanga? Sino'ng maniniwala na wala pang humawak sa kamay mo?" protesta ng bahagi ng utak ko. Dahil may kalayuan pa ako rito ay bahagya pa akong lumapit. Kapagkuwa'y ipinatong ko ang palad nito sa palad ko. Napangiti ako dahil parang perfect pair ang mga palad namin. Kahit may kaliitan ang kamay ko kumpara sa malaking kamay nito ay para naman iyong pinagtagpo. "Palad lang George ang pinagtagpo, hindi kayong dalawa." Kumbinsi ko sa sarili. Tila nawili naman ako na laruin ang kamay nito. Pinagtapat ko ang mga palad namin at nakangiti ko itong sinulyapan. "Siguro naman may balak ka ng seryosohin ang tanong ko ngayon?" paninigurado kong sabi rito. Kumunot ang noo nito sa sinabi ko. Kapagkuwa'y sinulyapan nito ang mga palad namin na magkatapat. Ngunit hindi ko inasahan ang sumunod na ginawa nito. Pinagsalikop nito iyon at mahigpit na hinawakan saka hinila ako palapit rito. Muntik na akong masubsob sa dibdib nito. Mabilis lang ang isang kamay ko na agad namang tinapat sa dibdib nito para hindi ako makalapit ng tuluyan. Ngunit hindi pa rin iyon sapat dahil ang lapit ng mukha ko sa mukha niya ng mag-angat ako. "S-Syke," usal ko. "Sa tingin mo ba, nagbibiro ako?" seryosong sabi nito. "Bakit, hindi ba?" mapanghamon kong tugon. "Kapag seryoso ako, siguraduhin mong totoo ang sinasabi ko, George. Now, what is your question? Sasagot ako ng tama." Natigilan ako. Buong tapang akong nakipagtitigan rito. Bigla tuloy akong naduwag. Baka kasi kapag nagtanong akong muli ay sumagot na ito ng tama. Pero iyon naman ang gusto kong mangyari. Ang seryosohin nito ang tanong ko. Gusto kong matawa sa sarili ko. Kapag gusto kong makipaglaro rito ay ako ang unang gustong sumuko. Hindi ko alam kung nagtatapang-tapangan lamang ako. Pero naduduwag naman ako kapag handa itong makipaglaro sa akin. "What, George? Magtititigan na lang ba tayo buong magdamag?" tanong nito dahilan para mahimasmasan ako. Pinilit ko ang kumawala sa pagkakasalikop ang mga kamay naming dalawa pero hindi ito natinag. Mas lalo lang nitong hinigpitan sa paraang hindi ako masasaktan. "Bakit hindi ka pa nagkaka-girlfriend?" matapang na tanong ko. "Please, Syke. Sumeryoso ka ng sagot." Anang bahagi ng utak ko. "Dahil hindi ko pa nakikita ang babaeng magpapatibok ng puso ko. Anyway, hindi naman na mahalaga iyon. Maging babae ka lang, magsiseryoso na ako." Blangko ang mukha na sabi nito. Napaawang na lamang ang labi ko. Wala talaga akong nakukuhang matinong sagot sa lalaking ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD