GEORGE Araw ng byernes ay abala na naman ang lahat ng aking mga kasama sa department. Kapag ganito kasing araw ay madalas magpa-rush ang boss namin ng mga papers lalo na at walang pasok kinabukasan. Abala kaming lahat sa trabaho ngunit maging ang bibig ng dalawa kong kaibigan ay abala rin sa pakikipagtsimisan sa isa't-isa. Hindi na nagsawa ang dalawang ito. Sa araw-araw na ginagawa ng mga ito ay hindi nawawala ang pagtsi-tsismisan ng dalawa. Ako naman ay pilit na inaabala ang sarili dahil may pilit akong iwinawaglit sa utak ko ngunit kahit gawin ko iyon ay pilit naman sumisiksik sa utak ko ang damuhong iyon. "Tama na!" bulalas ko sabay sabunot sa aking buhok. "Mars, bakit? Ano'ng nangyari? Bakit tama na? May umano ba sa'yo? Nasaan? Patingin?" sunod-sunod na tanong ni Gelene. Grabe

