GEORGE Mabilis na lumipas ang mga araw. Ngayon nga ay araw na ng biyernes. Ito ang araw na may lakad kami ni Syke. Hindi rin ako mapakali dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung ano ang isusuot ko. Hindi ko pa rin sinasabi sa mga kaibigan ko na may lakad ako ngayon dahil baka mas lalo lang ako na hindi makapag-isip ng tama. Hindi na rin natuloy ang pagpapasama ko sa dalawa na bumili ng isusuot ko dahil habang papalapit ang araw na iniisip ko na magsusuot ako ng dress ay sobra akong na-te-tense. Nagdadalawang-isip pa nga ako kung pupunta ako o hindi sa lugar kung saan kami magkikita ni Syke. Hindi na rin siya nagagawi sa bahay. Tumatawag lang siya o text para siguruhin na pupunta ako. Palagi rin nito pinapaalala kung ano ang isusuot ko na ikinaiirita ko. Hindi ko alam kung sina

