GEORGE Hindi ako nakapagsalita sa sinabi nito. Umawang ang bibig ko ngunit kalauna'y muli ko ring tinikom. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko rito. Paulit-ulit na lang kasi kami sa ganitong bangayan. Hindi yata mabubuo ang araw namin na hindi nagbabangayan. Sandali lang kami mag-uusap ng maayos, ngunit minuto lamang ang lumilipas ay balik bangayan na naman kaming dalawa. "Papasok na ako Syke," bagkus ay nasabi ko. Dinig ko ang buntong hininga nito. Tila nagpakawala ito ng bigat na saloobin. "Don't forget on Friday. Wear something sexy. Hindi KTV bar ang pupuntahan natin." Saad nito bago ako tinalikuran. Hindi pa kaagad nag-sink in sa utak ko ang bilin nito. Sexy? Ako, magsusuot ng sexy? No! Bago pa man ito makapasok ng sasakyan nito ay nagmamadali akong tumakbo palapit

