GEORGE Nagmulat ako ng mata ng maramdaman ko na tila my humahaplos sa aking mukha. Bahagya ko pang kinurap-kurap ang mata ko ng makita ko ang gwapo nitong mukha at matamis na nakangiti sa aking harapan. Gumanti ako ng ngiti sa kan'ya. Kung ganitong mukha ba naman ang makikita ko pag-gising sa umaga, kumpleto na ang buong araw ko. "Good morning," malambing na sabi nito. Hindi ako nagsalita, bagkus, hinawakan ko ang kamay nito saka muling pumikit. Ninamnam ko ang bawat haplos ng mainit na palad nito sa aking pisngi. "George?" "Hmm?" "Can I give a morning kiss?" tanong nito dahilan para magmulat na ako ng mata. Matapang kong sinalubong ang mata nito. Gusto kong alamin kung totoo nga ba ang narinig ko. Kung totoo nga ba na nagbitaw ito ng ganoong salita? Baka kasi pinaglalaruan na n

