GEORGE "Talikod," utos nito. "At bakit ko naman gagawin 'yon?" pagtataray ko rito. "Talikod na kasi," parang bata na utos nito. "Ayo-" "Tsk! Bakit ba ayaw mo makinig? Ang tigas ng ulo mo, George," reklamo nito sa akin saka hinawakan ang magkabila kong balikat at pilit na pinatalikod. Wala na akong nagawa kun'di ang sundin ito. Pinili ko na lang din ang hindi ito sagutin dahil hahaba na naman ang bangayan naming dalawa. Naramdaman ko na lang ang paghawi niya sa buhok ko. Inipon niya lahat sa aking likuran at kahit hindi ko nakikita ang ginagawa nito ay alam kong sinusuklayan niya ako. "Ano'ng gamit mong shampoo?" "Sunsilk pink," "I'm not familiar with that shampoo, but I like the smell. It's sweet like strawberry. It has a feminine smell." Nagpantig ang tainga ko sa hul

