GEORGE Kanina pa ako kinakabahan. Kakaiba ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Hindi rin ako mapakali sa higaan ko. May gusto akong gawin na hindi ko mawari. Kinuha ko ang isang cellphone ko para makita kong ilang oras na ba akong aligaga. Nakagat ko na lamang ang aking ibabang labi dahil apat na oras na pala akong dilat at hindi makatulog. Apat na oras na rin simula ng umalis sa bahay si Syke. Ilalapag ko na sana ang cellphone ko ng makita kong muli ang mukha niya. Ang picture kasi namin ang ginawa kong wallpaper. Nakangiti kami pareho habang nakatingin sa camera. Nagpakawala ako ng buntong-hininga ng muli kong maramdaman ang pangungulila ko sa kaniya. Miss ko na ang paglalambing niya sa akin. Ang mga ngiti niya kapag nakikita ako. Ngunit unti-unti ko ng tinatanggap sa sarili ko n

