GEORGE "Hindi ka ba talaga titigil, Stephanie? How many times do I have to tell you that I don't love you! Stop dreaming, Steph. Sinasaktan mo lang ang sarili mo. Don't be selfish. Enough of this mess! Stop it!" nagtatagisan ang bagang na sabi ni Syke ng balingan si Stephanie na hindi na magawang kumilos sa kinatatayuan nito ng makita ang galit na mukha ng bagong dating. Stephanie started to cry. Ramdam ko ang sakit sa mga pinakawalan nitong luha dahil sa narinig nito mula kay Syke. Pero, mas may sasakit pa ba sa nalaman ko? Na kahit ano'ng gawin namin para ipaglaban ang aming pagmamahal sa isa't-isa ay hindi maaaring maging kami sa bandang huli. Hinawakan ako ni Syke sa kamay at hinila palabas ng comfort room. Napansin ko rin na marami ng tao sa labas kaya nakayuko na lamang akong

